|
Katesismong Heidelberg
ARAW NG PANGINOON I
|
1. |
T. |
Ano ang tangi mong kaaliwan sa buhay at sa
kamatayan? |
|
S. |
Na hindi ko pag-aari ang aking sarili. 1
Sa halip, ako ay pag-aari – sa katawan at kaluluwa,
sa buhay at sa kamatayan 2 – ng aking tapat
na Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 3
Binayaran Niya ng buo ang lahat ng aking mga kasalanan sa
pamamagitan ng Kanyang mahalagang dugo, 4 at
pinalaya Niya ako sa lahat ng kapangyarihan ng diyablo. 5
Iniingatan Niya rin ako sa pamaraang 6 –
kung walang pahintulot ng aking Amang nasa langit ay walang
malalaglag kahit isang buhok mula sa aking ulo. 7
Tunay na ang lahat ng bagay ay magkakatugma-tugma para sa aking
kaligtasan 8 Dahil dito, sa pamamagitan ng
Kanyang Banal na Espiritu ay binibigyan rin Niya ako ng
katiyakan ng buhay na walang hanggan 9 At
ginagawa Niya akong taus-pusong sumasang-ayon at handang mamuhay
mula ngayon para sa Kanya. 10 |
|
1 |
1 Corinto 6:19, 20 |
|
2 |
Roma 14:7-9 |
|
3 |
1 Corinto 3:23; Tito 2:14 |
|
4 |
1 Pedro 1:18, 19; 1 Juan 1:7; 2:2 |
|
5 |
Juan 8:34-36; Hebreo 2:14, 15; 1 Juan 3:8 |
|
6 |
Juan 6:39, 40; 10:27-30; 2 Tesalonia 3:3; 1 Pedro 1:5 |
|
7 |
Mateo 10:29-31; Lukas 21:16-18 |
|
8 |
Roma 8:28 |
|
9 |
Roma 8:15, 16; 2 Corinto 1:21, 22; 5:5; Efeso 1:13, 14 |
|
10 |
Roma 8:14 |
|
|
|
2. |
T. |
Ano ang dapat mong malaman upang makapamuhay
ka at mamatay sa kagalakan ng kaaliwang ito? |
|
S. |
Tatlong bagay: Una, kung gaano kalubha ang
aking mga kasalanan at ang aking pagdurusa.1
Pangalawa, kung paano ako iniligtas mula sa aking mga kasalanan
at pagdurusa.2 Pangatlo, kung paano ako dapat
magpasalamat sa Diyos na nagligtas sa akin.3 |
|
1 |
Roma 3:9, 10; 1 Juan 1:10 |
|
2 |
Juan 17:3; Gawa 4:12; 10:43 |
|
3 |
Mateo 5:16; Roma 6:13; Efeso 5:8-10; 1 Pedro 2:9, 10 |
ARAW NG PANGINOON II
|
3. |
T. |
Saan mo ba natuklasan ang tungkol sa iyong
mga kasalanan at pagdurusa? |
|
S. |
Mula sa Kautusan ng Diyos.1 |
|
1 |
Roma 3: 20; 7:7 |
|
|
|
4. |
T. |
Ano ang hinihingi sa atin ng Kautusan ng
Diyos? |
|
S. |
Itinuturo ito sa atin ni Kristo sa pamaraang
binuod sa Mateo 22: "Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng
buong puso, at ng buong kaluluwa, at ng buong pag-iisip, at ng
buong lakas. 1 Ito ang dakila at unang utos.
Ang pangalawa ay katulad nito, iibigin mo ang iyong kapwa gaya
ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Sa dalawang kautusang ito
nakasalalay ang lahat ng mga kautusan at mga propeta." 2 |
|
1 |
Deuteronomio 6:5 |
|
2 |
Levitico 19:18, Galacia 5:14 |
|
|
|
5. |
T. |
Kaya mo bang isakatuparang ganap ang lahat ng
ito? |
|
S. |
Hindi 1, sapagkat ako ay
likas na namumuhi sa Diyos at pati na sa aking kapwa.2 |
|
1 |
Roma 3:10, 23; 1 Juan 1:8, 10 |
|
2 |
Genesis 6:5; 8:21; Jeremias 17:9; Roma 7:23; 8:7; Efeso 2:3;
Tito 3:3 |
ARAW NG PANGINOON III
|
6. |
T. |
Kung gayon, nilikha ba ng Diyos ang tao na
ubod ng sama at buktot? |
|
S. |
Hindi, sa halip, nilikha ng Diyos na mabuti
ang tao 1at ayon sa Kanyang wangis, 2
na ang ibig sabihin ay, may totoong katuwiran at kabanalan, 3
ng sa gayon ay makilala niyang tunay ang Diyos na kanyang
Manlilikha, 4 taus-puso niya itong ibigin, at
mamuhay na kapiling Siya sa magpasawalang hanggang kaligayahan
upang Siya’y purihin at luwalhatiin. 5 |
|
1 |
Genesis 1:31 |
|
2 |
Genesis 1:26, 27 |
|
3 |
2 Corinto 3:18; Efeso 4:24 |
|
4 |
Colosas 3:10 |
|
5 |
Awit 8 |
|
|
|
7. |
T. |
Kung gayon, saan nagmula ang buktot na
kalikasan ng tao? |
|
S. |
Ito ay nagmula sa pagkahulog at pagsuway ng
ating unang mga magulang, sina Adan at si Eba, sa paraiso, 1
sapagkat doon ang ating kalikasan ay naging napakasama 2
kaya tayong lahat ay ipinaglilihi at isinisilang sa
kasalanan 3 |
|
1 |
Genesis 3 |
|
2 |
Roma 5:12, 18-19 |
|
3 |
Awit 51:5; 14:2-3 |
|
|
|
8. |
T. |
Subalit gayon na lang ba tayo kasama na wala
na tayong kakayahang gumawa ng kahit anong kabutihan at puro na
lang kasamaan? |
|
S. |
Oo, 1 maliban na tayo ay
isilang muli sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. 2 |
|
1 |
Juan 3:6; Genesis 6:5; 8:21; Job 14:4; Isaias 53:6 |
|
2 |
Juan 3:3-5; Genesis 8:21; 2 Corinto 3:5; Roma 7:18; Jeremias
17:9 |
ARAW NG PANGINOON VI
|
9. |
T. |
Kung gayon, hindi ba lumalabas na hindi
makatarungan ang Diyos na hingin Niya sa pamamagitan ng Kanyang
Kautusan ang bagay na hindi naman kayang gawin ng tao? |
|
S. |
Hindi, sapagkat nilikha ng Diyos ang tao na
may kakayahang sundin ito; 1 ngunit ang tao,
sa pamamagitan ng panunulsol ng diablo 2 ay
kusang sumuway 3 kung kaya’t nawalan siya ng
mga kakayahang ito pati na ang kanyang mga inapo 4 |
|
1 |
Genesis 1:31; Efeso 4:24 |
|
2 |
Genesis 3:13; Juan 8:44; 1 Timoteo 2:13, 14 |
|
3 |
Genesis 3:6 |
|
4 |
Roma 5:12, 18-19 |
|
|
|
10. |
T. |
Pahihintulutan ba ng Diyos ang gayong
pagsuway at pagtalikod ng walang kaparusahan? |
|
S. |
Tiyak na hindi. 1
Lubos-lubusan Siyang nagagalit sa ating minanang kasalanan pati
na sa mga kasalanang patuloy na ginagawa natin. Dahil dito,
parurusahan Niya ang tao sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan
ng makatarungang paghatol ngayon at magpasawalang hanggan, tulad
ng Kanya ng ipinahayag: "Sumpain ang sinumang hindi
sumusunod sa lahat ng nasusulat sa aklat ng kautusan at gumagawa
nito." 2 |
|
1 |
Hebreo 9:27 |
|
2 |
Deuteronomio 27:26; Galacia 3:10; Roma 1:18; Mateo 25:41 |
|
|
|
11. |
T. |
Pero hindi nga ba maawain rin ang Diyos? |
|
S. |
Totoo ngang maawain ang Diyos, 1
ngunit Siya ay makatarungan rin. 2 Hinihingi
ng Kanyang katarungan na anumang kasalanang ginawa laban sa
kataas-taasang karingalan ng Diyos ay dapat patawan ng
pinakamatinding pagpaparusa – ang walang hanggang pagpapahirap
sa katawan at kaluluwa. 3 |
|
1 |
Exodo 20:6; 34:6-7; Awit 103:8, 9 |
|
2 |
Exodo 20:5; 34:7; Deuteronomio 7:9-11; Awit
5:4-6; Hebreo 10:30-31 |
|
3 |
Mateo 25:45-46 |
ARAW NG PANGINOON V
|
12. |
T. |
Yamang ayon sa matuwid na kahatulan ng Diyos
ay nararapat lamang tayong parusahan sa buhay na ito at maging
sa susunod, paano natin matatakasan ang kaparusahang ito at
muling magiging katanggap-tanggap sa Kaniya?
|
|
S. |
Hinihingi ng Diyos na ang Kanyang katarungan
ay masiyahan. 1 Kaya nga dapat itong bayaran
ng buo sa pamamagitan natin o ng iba. 2 |
|
1 |
Exodo 20:5; 23:7; Roma 2:1-11 |
|
2 |
Isaias 53:11; Roma 8:3-4 |
|
|
|
13. |
T. |
Kaya ba nating bayaran ang pagkaka-utang na
ito? |
|
S. |
Tiyak na hindi. Sa katunayan, araw-araw pa
nga nating nadaragdagan ang ating pagkaka-utang. 1 |
|
1 |
Awit 130:3; Mateo 6:12; Roma 2:4-5 |
|
|
|
14. |
T. |
Kaya ba tayong tubusin ng ibang nilalang rin
lamang? |
|
S. |
Hindi. Una sa lahat, hindi paparusahan ng
Diyos ang iba pang nilalang para sa kasalanang tao ang may gawa.
1 Bukod rito, walang sinumang nilalang lamang
ang makakakaya ng tindi ng walang hanggang pagkapoot ng Diyos
laban sa kasalanan at iligtas ang iba mula rito. 2 |
|
1 |
Ezekiel 18:4, 20; Hebreo 2:14-18 |
|
2 |
Awit 130:3; Nahum 1:6 |
|
|
|
15. |
T. |
Anong uri ng Tagapamagitan at Tagpagligtas
ang dapat nating hanapin? |
|
S. |
Dapat siya ay tunay na tao 1
at tunay na matuwid 2 at higit na mas
makapangyarihan kay sa lahat ng mga nilalang, samakatuwid, Siya
ay dapat ring maging tunay na Diyos.3 |
|
1 |
1 Corinto 15:21; Hebreo 2:17 |
|
2 |
Isaias 53:9; 2 Corinto 5:21; Hebreo 7:26 |
|
3 |
Isaias 7:14; 9:6; Jeremias 23:6; Juan 1:1;
Roma 8:3-4 |
ARAW NG PANGINOON VI
|
16. |
T. |
Bakit kinakailangan na siya ay maging tunay
na tao at tunay na matuwid? |
|
S. |
Siya ay kinakailangang maging tunay na tao
sapagkat ito ang hinihingi ng katarungan ng Diyos na ang
parehong kalikasang tao na nagkasala ang siyang dapat magbayad
para sa kasalanan. 1 Kinakailangan rin na siya
ay maging matuwid sapagkat hindi kayang bayaran ng makasalanan
ang kasalanan ng iba.2 |
|
1 |
Roma 5:12, 15; 1 Corinto 15:21; Hebreo
2:14-16 |
|
2 |
Hebreo 7:26, 27; 1 Pedro 3:18 |
|
|
|
17. |
T. |
Bakit kinakailangang siya’y maging tunay na
Diyos rin? |
|
S. |
Siya ay dapat maging tunay na Diyos upang sa
pamamagitan ng kapangyarihang taglay ng kanyang kalikasan bilang
Diyos 1 ay mabata niya sa kanyang kalikasang
tao ang tindi ng poot ng Diyos, 2 ng sa gayon
ay makamtan at maibalik niya sa atin ang katuwiran at buhay. 3 |
|
1 |
Isaias 53:8; Gawa 2:24 |
|
2 |
Deuteronomio 4:24; Nahum 1:6; Awit 130:3 |
|
3 |
Isaias 53:5, 11; Juan 3:16; 2 Corinto 5:21 |
|
|
|
18. |
T. |
Ngunit sino ang tagapamagitang ito na tunay
na Diyos at tunay na taong matuwid? |
|
S. |
Ang ating panginoong Jesu-Cristo, 1 na
siyang ginawa ng Diyos na maging ating karunungan, katuwiran,
kabanalan at katubusan. 2 |
|
1 |
Mateo 1:21-23; Lukas 2:11; 1 Timoteo 2:5;
3:16 |
|
2 |
1 Corinto 1:30 |
|
|
|
19. |
T. |
Saan mo nakuha ang kaalamang ito? |
|
S. |
Mula sa banal na ebanghelyo, kung saan ang
Diyos mismo ang nagpahayag nito doon sa paraiso. 1
nang maglaon, inihayag niya rin ito sa pamamagitan ng mga
patriarka 2 at mga propeta 3
at ipinahiwatig sa pamamagitan ng mga haing handog at iba pang
mga seremonya ng kautusan 4 sa wakas, ito’y
kanyang ipinatupad sa pamamagitan ng kanyang bugtong na anak. 5 |
|
1 |
Genesis 3:15 |
|
2 |
Genesis 12:3; 22:18; 49:10 |
|
3 |
Isaias 53; Jeremias 23:5, 6; Mikas 7:18-20;
Gawa 10:43; Hebreo 1:1 |
|
4 |
Levitico 1:7; Juan 5:46; Hebreo 10:1-10 |
|
5 |
Roma 10:4; Galacia 4:4, 5; Colosas 2:17 |
ARAW NG PANGINOON VII
|
20. |
T. |
Kung gayon, ang lahat ba ng tao ay iniligtas
ni Cristo katulad ng kanilang pagkapahamak sa pamamagitan ni
Adan? |
|
S. |
Hindi. Ang maliligtas ay yun lamang sa
pamamagitan ng tunay na pananampalataya ay nahugpong kay Cristo
at tumanggap ng lahat ng Kanyang pagpapala. 1 |
|
1 |
Mateo 7:14; Juan 1:12; 3:16, 18, 36; Roma
11:16-21 |
|
|
|
21. |
T. |
Ano nga ba ang tunay na pananampalataya? |
|
S. |
Ang tunay na pananampalataya ay tiyak na
kaalaman na kung saan ay tinatanggap kong totoo ang lahat ng
inihayag ng Diyos sa atin sa Kanyang Salita. 1
At saka ito rin ay matatag na paninindigan 2 Na
hindi lamang sa iba kundi pati ako 3 ay
pinagkalooban ng Diyos ng kapatawaran ng mga kasalanan, walang
hanggang katuwiran at kaligtasan 4 buhat
lamang sa biyaya at alang-alang lamang sa kabutihang dulot ni
Cristo. 5 Ang pananamplatayang ito ay
isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa aking puso sa
pamamagitan ng Ebanghelyo. 6 |
|
1 |
Juan 17:3, 17; Hebreo 11:1-3; Santiago 2:19 |
|
2 |
Roma 4:18-21; 5:1; 10:10; Hebreo 4:14-16 |
|
3 |
Galacia 2:20 |
|
4 |
Roma 1:17; Hebreo 10:10 |
|
5 |
Roma 3:20-26; Galacia 2:16; Efeso 2:8-10 |
|
6 |
Gawa 16:14; Roma 1:16; 10:17; 1 Corinto 1:21 |
|
|
|
22. |
T. |
Kung gayon, ano nga ba ang dapat na
panampalatayanan ng isang Kristiyano? |
|
S. |
Lahat ng ipinangako sa atin sa ebanghelyo 1
Na siyang itinuturo sa atin ng mga artikulo ng ating laganap at
walang-alinlangang pananampalatayang Kristiyano sa binuod na
pamaraan. |
|
1 |
Mateo 28:18-20; Juan 20:30-31, 2 Timoteo 3:15 |
|
|
|
23. |
T. |
Anu-ano ang mga artikulong ito? |
|
S. |
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa.
Ako’y sumasampalataya kay Jesu-Cristo,
Kanyang Bugtong na Anak at ating Panginoon; na ipinaglihi sa
kapangyarihan ng Banal na Espiritu at isinilang ng birheng si
Maria, nagdusa sa sa ilalim ng paglilitis ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog Siya sa impiyerno;
sa ikatlong araw ay nabuhay na muli mula sa mga patay; umakyat
Siya sa langit at naluklok sa kanang kamay ng Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat; mula roon ay babalik Siyang muli upang
hatulan ang mga buhay at ang mga patay.
Ako’y sumasampalataya sa Banal na Espiritu,
sa Banal na Iglesyang Laganap, sa kapulungan ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng katawan,
at sa buhay na walang hanggan. |
ARAW NG PANGINOON VIII
|
24. |
T. |
Paano nahahati ang mga artikulong ito? |
|
S. |
Sa tatlong bahagi: ang una ay patungkol sa
Diyos Ama at ang ating pagkalikha; ang pangalawa ay patungkol sa
Diyos Anak at ang ating kaligtasan; ang pangatlo ay patungkol sa
Diyos Espiritu Santo at ang ating pagiging banal.1 |
|
1 |
1 Pedro 1:2; 1 Juan 5:7 |
|
|
|
25. |
T. |
Kung iisa lang nga ang Diyos 1,
bakit may binabanggit kang tatlong persona, Ama, Anak, at Banal
na Espiritu? |
|
S. |
Sapagkat sa ganitong pamaraan ipinakilala ng
Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang Salita 2:
ang tatlong magkakaibang mga persona na ito ay Siyang nag-iisa,
tunay at walang pasimula’t walang hanggang Diyos. |
|
1 |
Deuteronomio 6:4; Isaias 44:6; 45:5; 1
Corinto 8:4, 6 |
|
2 |
Genesis 1:2, 3; Isaias 61:1; 63:8-10; Mateo
3:16, 17; 28:18, 19; Lukas 4:18; Juan 14:26; 15:26; 2 Corinto
13:14; Galacia 4:6; Tito 3:5, 6 |
ARAW NG PANGINOON IX
|
26. |
T. |
Ano ang pinaniniwalaan mo kapag sinasabi mong:
sumasampalataya ako sa Diyos amang makapangyarihan sa lahat na
lumalang ng langit at lupa? |
| |
S. |
Na ang walang pasimula’t walang hanggang
ama ng ating panginoong Jesu-Cristo, na siya ring lumikha mula
sa wala ng langit at ng lupa at ang lahat ng naroroon 1 at
patuloy na nag-aalalay at namamahala ng mga ito sa pamamagitan
ng kanyang walang hanggang payo at pagkalinga, 2
ay aking Diyos at ama alang-alang kay Cristo na kanyang anak. 3
sa kanya ako ay tiwalang lubos kung kayat wala akong
pag-aalinglangan na ipagkakaloob niya sa akin ang lahat ng bagay
na kailangan ng aking katawan at kaluluwa 4 at
gagamitin rin niya para sa aking ikabubuti ang anumang pagsubok
na ipapadala niya sa akin sa mapighating buhay na ito. 5
kaya niyang gawin ito dahil siya ay ang makapangyarihang Diyos 6
at ibig niya ring gagawin ito dahil sa siya’y isang matapat na
ama 7
|
| |
1 |
Genesis 1 and 2; Exodo 20:11; Job 38, 39; Awit 33:6; Isaias
44:24; Gawa 4:24; 14:15 |
| |
2 |
Awit 104:27-30; Mateo 6:30; 10:29; Efeso 1:11 |
| |
3 |
Juan 1:12, 13; Roma 8:15, 16; Galacia 4:4-7; Efeso 1:5 |
| |
4 |
Awit 55:22; Mateo 6:25, 26; Lukas 12:22-31 |
| |
5 |
Roma 8:28 |
| |
6 |
Genesis 18:14; Roma 8:31-39 |
| |
7 |
Mateo 6:32, 33; 7:9-11 |
ARAW NG PANGINOON X
|
27. |
T. |
Ano ang nauunawaan mo tungkol sa pagkalinga
ng Diyos? |
|
S. |
Ang paagkalinga ng Diyos ay ang Kanyang
makapangyarihan at namamalaging lakas, 1 kung
papaanong, parang sa pamamagitan ng Kanyang kamay mismo, ay
patuloy Niyang pinangangalagaan ang langit at ang lupa at ang
lahat ng nilalang, 2 at Kanyang pinamamahalaan
ang mga ito ng sa gayon ang dahon at damo, tag-ulan at tag-tuyot,
mabunga at tigang na panahon, pagkain at inumin, kalusugan at
karamdaman, kasaganahan at kawalan 3 sa
katunayan, ang lahat ng bagay, ay hindi dumarating ng ayon sa
sapalaran 4 kundi sa pamamagitan ng Kanyang
mapagpalang kamay bilang Ama. 5 |
|
1 |
Jeremias 23:23, 24; Gawa 17:24-28 |
|
2 |
Hebreo 1:3 |
|
3 |
Jeremias 5:24; Gawa 14:15-17; Juan 9:3; Kawikaan 22:2 |
|
4 |
Kawikaan 16:33 |
|
5 |
Mateo 10:29 |
|
|
|
28. |
T. |
Ano ang kapakinabangan para sa atin na
malaman na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at patuloy Niyang
inaalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng Kanyang pagkalinga? |
|
S. |
Tayo ay magiging mapagtiis sa pagsubok, 1
Mapagpasalamat sa kasaganaan, 2 At sa pagharap
sa kinabukasan ay magkaroon tayo ng matatag na katiyakan sa
ating matapat na Diyos at Ama na walang anumang nilikha ang
makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig; 3
Sapagkat ang lahat ng nilikha ay lubusang nasa ilalim ng Kanyang
kapangyarihan at maliban sa Kanyang kalooban ay ni hindi sila
makakikilos.4 |
|
1 |
Job 1:21, 22; Awit 39:10; Santiago 1:3 |
|
2 |
Deuteronomio 8:10; 1 Tesalonica 5:18 |
|
3 |
Awit 55:22; Roma 5:3-5; 8:38, 39 |
|
4 |
Job 1:12; 2:6; Kawikaan 21:1; Gawa 17:24-28 |
ARAW NG PANGINOON XI
|
29. |
T. |
Bakit tinawag na Jesus ang Anak ng Diyos na
ang ibig sabihin ay Tagapagligtas? |
|
S. |
Sapagkat inililigtas Niya tayo sa lahat ng
ating mga kasalanan 1 At sapagkat ang
kaligtasan ay hindi matatagpuan o masusumpungan kaninuman. 2 |
|
1 |
Mateo 1:21; Hebreo 7:25 |
|
2 |
Isaias 43:11; Juan 15:4-5; Gawa 4:11-12; 1 Timoteo 2:5 |
|
|
|
30. |
T. |
Naniniwala nga ba sa tanging Tagapagligtas na
si Jesus ang mga naghahanap ng kanilang kaligtasan at
katiwasayan sa mga santo, sa kanilang sarili o sa kung saan pa
man? |
|
S. |
Hindi. Bagamat ipinagmamalaki nila Siya sa
kanilang pananalita, sa katunayan ay ipinagkakaila nila ang
tanging Tagapagligtas na si Jesus. 1 sapagkat
isa sa dalawang bagay lamang ang maaaring maging totoo: na si
Jesus ay hindi ganap na Tagapagligtas, o yung mga tumanggap sa
pamamagitan ng tunay na pananampalataya sa Tagapagligtas na ito
ay dapat sa Kanya lamang hanapin ang lahat ng kailangan para sa
kanilang ikaliligtas. 2 |
|
1 |
1 Corinto 1:12, 13; Galacia 5:4 |
|
2 |
Colosas 1:19, 20; 2:10; 1 Juan 1:7 |
ARAW NG PANGINOON XII
|
31. |
T. |
Bakit Siya tinatawag na Cristo na ang ibig
sabihin ay pinahiran ng langis? |
|
S. |
Sapagkat Siya ay itinalaga ng Diyos Ama, at
hinirang sa pamamagitan ng Banal na Espiritu 1
na maging ating Punong Propeta at Guro 2 na
Siyang lubos na nagpahayag sa atin ng lihim na payo at kalooban
ng Diyos tungkol sa ating katubusan; 3 na
maging ating tanging Punong Saserdote 4 na
Siyang nagtubos sa atin sa pamamagitan ng minsanang pag-alay ng
Kanyang buhay bilang handog 5 at Siyang
nagpapatuloy na namamagitan para sa atin sa harapan ng Ama; 6
at maging ating walang hanggang Hari 7 na
Siyang namamahala sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita at
Espiritu, at Siyang nagtatanggol at nag-iingat sa atin sa
katubusang tinamo Niya para sa atin. 8 |
|
1 |
Awit 45:7 (Hebreo 1:9); Isaias 61:1 (Lukas 3:21-22; 4:18) |
|
2 |
Deuteronomio 18:15 (Gawa 3:22) |
|
3 |
Juan 1:18; 15:15 |
|
4 |
Awit 110:4 (Hebreo 7:17) |
|
5 |
Hebreo 9:12; 10:11-14 |
|
6 |
Roma 8:34; Hebreo 9:24; 1 Juan 2:1 |
|
7 |
Zacarias 9:9 (Matt. 21:5); Lukas 1:33 |
|
8 |
Mateo 28:18-20; Juan 10:28; Apocalipsis 12:10, 11 |
|
|
|
32. |
T. |
Bakit ka tinatawag na Kristiyano? |
|
S. |
Sapagkat ako ay kasapi kay Cristo sa
pamamagitan ng pananampalataya 1 at dahil dito
ako ay nakikibahagi sa Kanyang pagkahirang 2 ng
sa gayon, bilang propeta ay maaari kong ipahayag ang Kanyang
pangalan 3 bilang saserdote ay ialay ko ang
aking sarili bilang haing buhay ng pasasalamat sa Kanya, 4
at bilang hari ay magpursigi ng may malaya at mabuting budhi
laban sa kasalanan at sa diyablo sa buhay na ito 5 at
sa susunod na buhay magharing kasama Niya magpakailanman sa
lahat ng mga nilikha. 6 |
|
1 |
1 Corinto 12:12-27 |
|
2 |
Joel 2:28 (Gawa 2:17); 1 Juan 2:27 |
|
3 |
Mateo 10:32; Roma 10:9, 10; Hebreo 13:15 |
|
4 |
Roma 12:1; 1 Pedro 2:5, 9 |
|
5 |
Galacia 5:16, 17; Efeso 6:11; 1 Timoteo 1:18, 19 |
|
6 |
Mateo 25:34; 2 Timoteo 2:12 |
ARAW NG PANGINOON XIII
|
33. |
T. |
Bakit Siya tinawag na bugtong na Anak ng
Diyos yamang tayo rin naman ay mga anak ng Diyos? |
|
S. |
Sapagkat si Cristo lamang ang walang pasimula
at walang hanggang, likas na Anak ng Diyos. 1
Sa ganang atin nama’y mga anak tayo ng Diyos sa pagka-ampon sa
pamamagitan ng biyaya at para kay Cristo. 2 |
|
1 |
Juan 1:1-3, 14, 18; 3:16; Roma 8:32; Hebreo 1; 1 Juan 4:9 |
|
2 |
Juan 1:12; Roma 8:14-17; Galacia 4:6; Efeso 1:5, 6 |
|
|
|
34. |
T. |
Bakit mo Siya tinatawag na ating Panginoon? |
|
S. |
Sapagkat tayo ay Kanyang tinubos, katawan at kaluluwa, 1
mula sa ating mga kasalanan, hindi sa pamamagitan ng pilak o
ginto kundi sa pamamagitan ng Kanyang napakahalagang dugo, 2
at pinalaya Niya tayo mula sa lahat ng kapangyarihan
ng diyablo upang gawing Kanyang sariling pag-aari. 3 |
|
1 |
1 Corinto 6:20; 1 Timoteo 2:5, 6 |
|
2 |
1 Pedro 1:18, 19 |
|
3 |
Colosas 1:13, 14; Hebreo 2:14, 15 |
ARAW NG PANGINOON XIV
|
35. |
T.
|
Ano ang iyong ipinapahayag kapag sinasabi
mong: Siya ay ipinaglihi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
at ipinanganak ng Birheng si Maria? |
|
S. |
Ang walang pasimula at walang hanggang Anak
ng Diyos, na Siya rin naman at nananatiling tunay na Diyos na
walang pasimula at walang hanggan, 1 ay nag-ako
sa Kanyang sarili ng tunay na kalikasang tao mula sa laman at
dugo ng birheng si Maria, 2 sa pamamagitan ng
pagkilos ng Banal na Espiritu. 3 Kung kayat
Siya rin ang tunay na binhi ni David, 4 at
katulad ng Kanyang mga kapatid sa lahat ng bagay 5
ngunit walang kasalanan. 6 |
|
1 |
Juan 1:1; 10:30-36; Roma 1:3; 9:5; Colosas
1:15-17; 1 Juan 5:20 |
|
2 |
Mateo 1:18-23; Juan 1:14; Galacia 4:4; Hebreo
2:14 |
|
3 |
Lukas 1:35 |
|
4 |
2 Samuel 7:12-16; Awit 132:11; Mateo 1:1;
Lukas 1:32; Roma 1:3 |
|
5 |
Filipos 2:7; Hebreo 2:17 |
|
6 |
Hebreo 4:15; 7:26, 27 |
|
|
|
36. |
T. |
Anong pakinabang ang iyong matatanggap mula
sa banal na pagkakalihi at pagkapanganak ni Cristo? |
|
S. |
Siya ang ating Tagapamagitan, 1
at sa pamamagitan ng Kanyang kawalang-sala at ganap na kabanalan
ay tinatakpan Niya mula sa paningin ng Diyos ang aking minanang
kasalanan kung saan ako ay ipinaglihi at ipinanganak. 2 |
|
1 |
1 Timoteo 2:5, 6; Hebreo 9:13-15 |
|
2 |
Roma 8:3, 4; 2 Corinto 5:21; Galacia 4:4, 5;
1 Pedro 1:18, 19 |
ARAW NG PANGINOON XV
|
37. |
T.
|
Ano ang iyong ipinapahayag kapag sinasabi
mong Siya ay nagdusa? |
|
S. |
Sa lahat ng panahong namuhay Siya sa daigdig,
at mas lalo na noong bandang huli, pinagtiisan ni Cristo sa
Kanyang katawan at kaluluwa ang pagkapoot ng Diyos laban sa
kasalanan ng buong sanlibutan. 1 Kung kaya sa
pamamagitan ng kanyang pagdurusa bilang tanging handog na
pantubos, 2 tinubos Niya ang ating katawan at
kaluluwa mula sa walang hanggang kapahamakan, 3 at
natamo Niya para sa atin ang biyaya ng Diyos, katuwiran at buhay
na walang hanggan. 4 |
|
1 |
Isaias 53; 1 Timoteo 2:6; 1 Pedro 2:24; 3:18 |
|
2 |
Roma 3:25; 1 Corinto 5:7; Efeso 5:2; Hebreo
10:14; 1 Juan 2:2; 4:10 |
|
3 |
Roma 8:1-4; Galacia 3:13; Colossas 1:13;
Hebreo 9:12; 1 Pedro 1:18, 19 |
|
4 |
Juan 3:16; Roma 3:24-26; 2 Corinto 5:21;
Hebreo 9:15 |
|
|
|
38. |
T. |
Bakit Siya nagdusa sa ilalim ng paglilitis ni
Poncio Pilato bilang hukom? |
|
S. |
Bagama’t walang-sala, si Cristo ay
hinatulan ng isang hukom na tao, 1 at sa
gayong paraan ay pinalaya Niya tayo mula sa mabigat na kahatulan
ng Diyos na ipapataw sana sa atin. 2 |
|
1 |
Lukas 23:13-24; Juan 19:4, 12-16 |
|
2 |
Isaias 53:4, 5; 2 Corinto 5:21; Galacia 3:13 |
|
39. |
T. |
Mayroon bang mahalagang kahulugan ang
pagkapako ni Cristo sa krus sa halip na mamatay Siya sa ibang
pamaraan? |
|
S. |
Oo. Sa gayong pamaraan ako ay nakatitiyak na
inako Niya sa Kanyang sarili ang sumpang nararapat para sa akin,
sapagkat sinumpa ng Diyos ang sinumang ipinako sa krus upang
mamamtay. 1 |
|
1 |
Deuteronomio 21:23; Galacia 3:13 |
ARAW NG PANGINOON XVI
|
40. |
T. |
Bakit kinakailangang magpakumbaba pa si
Cristo hanggang kamatayan? |
| |
S. |
Sapagkat ito ang hinihingi ng katarungan at
katotohanan ng Diyos 1 Ang bayad-pinsala para
sa ating mga kasalanan ay hindi magagawa sa ibang paraan maliban
sa kamatayan ng Anak ng Diyos. 2 |
| |
1 |
Genesis 2:17 |
| |
2 |
Roma 8:3; Filipos 2:8; Hebreo 2:9, 14-15 |
|
41. |
T. |
Bakit Siya inilibing? |
| |
S. |
Ang Kanyang paglibing ay patotoo na tunay nga
Siyang namatay. 1 |
| |
1 |
Isaias 53:9; Juan 19:38-42; Gawa 13:29; 1
Corinto 15:3-4 |
|
42. |
T. |
Kung si Cristo ay namatay na para sa atin,
bakit kinakailangan pa nating mamatay? |
| |
S. |
Ang ating kamatayan ay hindi bayad para sa
ating mga kasalanan, sa halip tinatapos nito ang ating
pagkakasala at siyang daan patungo sa buhay na walang hanggan. 1 |
| |
1 |
Juan 5:24; Filipos 1:21-23; I Tesalonica
5:9-10 |
|
43. |
T. |
Ano pang pakinabang ang natatanggap natin
mula sa pagpapakasakit at kamatayan ni Cristo sa krus? |
| |
S. |
Sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo ang
ating lumang pagkatao ay napako sa krus, namatay at nailibing ng
kasama Niya 1 Upang ang masasamang pita ng
laman ay hindi na maghari sa atin, 2 Kundi ma-iaalay
na natin ang ating mga sarili sa Kanya bilang isang handog ng
pasasalamat. 3 |
| |
1 |
Roma 6:5-11; Colosas 2:11-12 |
| |
2 |
Roma 6:12-14 |
| |
3 |
Roma 12:1; Efeso 5:1-2 |
|
44. |
T. |
Bakit idinagdag ang katagang, "nanaog
Siya sa impiyerno?" |
| |
S. |
Ng sa gitna ng aking matinding kabalisahan at
tukso, ako ay makatiyak at maaliw sa katotohanang ang aking
Panginoong Jesu-Cristo sa pamamagitan ng Kanyang hindi
maisalarawang hapis, sakit, takot, at paghihirap na Kanyang
tiniis sa lahat ng Kanyang pagdurusa 1 at mas
higit pa noong Siya ay nasa krus, ay iniligtas na Niya ako mula
sa hapis at pagdurusa ng impiyerno. 2 |
| |
1 |
Awit 18:5, 6; 116:3; Mateo 26:36-46; 27:45,
46; Hebreo 5:7-10 |
| |
2 |
Isaias 53 |
ARAW NG PANGINOON XVII
|
45. |
T. |
Paano ba tayo makikinabang sa muling
pagkabuhay ni Cristo? |
| |
S. |
Una, sa pamamagitan ng kanyang muling
pagkabuhay ay nagapi niya ang kamatayan, ng sa gayon ay magawa
niya tayong makabahagi sa katuwiran na kanyang tinamo para sa
atin sa pamamagitan ng kanyang kamatayan. 1 Pangalawa,
sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan tayo rin ay ibinangon sa
isang bagong buhay. 2 Pangatlo, ang muling
pagkabuhay ni Cristo ay isang tiyak na pangako sa atin ng ating
maluwalhating muling pagkabuhay. 3 |
| |
1 |
Roma 4:25; 1 Corinto 15:16-20; 1 Pedro 1:3-5 |
| |
2 |
Roma 6:5-11; Efeso 2:4-6; Colosas 3:1-4 |
| |
3 |
Roma 8:11; 1 Corinto 15:12-23; Filipos
3:20-21 |
|
46. |
T. |
Ano ang iyong ipinapahayag kapag sinasabi
mong umakyat siya sa langit? |
| |
S. |
Na si Cristo, sa harapan mismo ng kanyang mga
alagad, ay itinaas mula lupa patungo sa langit, 1
at siya’y mananatili doon para sa ating kapakinabangan 2
hanggang sa kanyang muling pagbabalik upang hatulan ang mga
buhay at ang mga patay. 3 |
| |
1 |
Marcos 16:19; Lukas 24:50, 51; Gawa 1:9-11 |
| |
2 |
Roma 8:34; Hebreo 4:14; 7:23-25; 9:24 |
| |
3 |
Mateo 24:30; Gawa 1:11 |
|
47. |
T. |
Kung gayon, ibig bang sabihin nito na hindi
natin kasama ngayon si Cristo hanggang sa katapusan ng mundo
tulad ng ipinangako niya? 1 |
| |
S. |
Si Cristo ay tunay na tao at tunay na Diyos.
Sa kanyang kalikasang tao, si Cristo ay wala ngayon sa mundo, 2
ngunit sa kanyang pagka-diyos, karingalan, biyaya, at espiritu
siya ay hindi nawawala sa atin. 3 |
| |
1 |
Mateo 28:20 |
| |
2 |
Mateo 26:11; Juan 16:28; 17:11; Gawa 3:19-21;
Hebreo 8:4 |
| |
3 |
Mateo 28:18-20; Juan 14:16-19; 16:13 |
|
48. |
T. |
Ngunit hindi ba nahihiwalay sa isa’t-isa
ang dalawang kalikasan ni Cristo kung ang kanyang kalikasang tao
ay hindi nakakasama ng kanyang pagka-diyos saan man ito maparoon? |
| |
S. |
S. Tunay na hindi, sapagkat ang kanyang
pagka-diyos ay walang hangganan at sumasalahat ng dako. 1
Samakatuwid ang Kanyang pagka-diyos ay mas nakahihigit pa kay sa
Kanyang kalikasang tao. Gayun pa man ang Kanyang pagka-diyos ay
nananatiling kasama at kaisa ng Kanyang kalikasang tao. 2 |
| |
1 |
Jeremias 23:23, 24; Gawa 7:48-49 |
| |
2 |
Juan 1:14; 3:13; Colosas 2:9 |
ARAW NG PANGINOON XVIII
|
49. |
T. |
Paano tayo nakikinabang sa pag-akyat ni
Cristo sa langit? |
| |
S. |
Una, siya ang ating Tagapagtanggol sa harap
ng kaniyang Ama sa langit. 1 Pangalawa, ang
ating kasin-laman ay nasa langit bilang tiyak na kasiguruhan na
Siya, na ating Pinuno, ay dadalhin tayo, na Kaniyang mga kasapi,
sa Kaniyang sarili. 2 Pangatlo, sinugo Niya
ang Kaniyang Espiritu sa atin bilang isa pang kasiguruhan 3
na sa pamamagitan ng tulong Niya ay pinagsusumakitan
natin ang mga bagay na makalangit, kung saan naroroon si Cristo
na nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos, at hindi ang mga bagay
na makasanlibutan. 4 |
| |
1 |
Roma 8:34; 1 Juan 2:1 |
| |
2 |
Juan 14:2; 17:24; Efeso 2:4-6 |
| |
3 |
Juan 14:16; Gawa 2:33; 2 Corinto 1:21, 22;
5:5 |
| |
4 |
Colosas 3:1-4 |
|
50. |
T. |
Bakit idinugtong ang katagang, at Siya’y
naluklok sa kanang kamay ng Diyos? |
| |
S. |
Si Cristo’y umakyat sa langit upang
ipamalas ang sarili doon na Siya ang ulo ng kaniyang iglesiya 1
na sa pamamagitan Niya ay pinamamahalaan ng Ama ang
lahat ng bagay. 2 |
| |
1 |
Efeso 1:20-23; Colosas 1:18 |
| |
2 |
Mateo 28:18; Juan 5:22, 23 |
ARAW NG PANGINOON XIX
|
51. |
T. |
Paanong ang kaluwalhatian ni Cristo na ating
Ulo ay nagiging pakinabang sa atin? |
| |
S. |
Una, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay
ibinubuhos Niya ang mga kaloob na mula sa langit sa atin na mga
bahagi ng Kanyang katawan. 1 Pangalawa, sa
pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan ay ipinagsasanggalang at
iniingatan Niya tayo laban sa lahat ng kaaway. 2 |
| |
1 |
Gawa 2:33; Efeso 4:7-12 |
| |
2 |
Awit 2:9; 110:1, 2; Juan 10:27-30; Apokalipsis 19:11-16 |
|
52. |
T. |
Anong kaaliwan ang idinudulot sa iyo na
muling babalik si Cristo upang hatulan ang mga buhay at ang mga
patay? |
| |
S. |
Sa lahat ng kapighatian at pag-uusig na aking
nararanasan ay taas-noo at may pananabik akong naghihintay sa
Hukom na mula sa langit na siya rin namang nagpasa-ilalim sa
kahatulan ng Diyos alang-alang sa akin, at sa gayong pamaraan ay
inalis ang lahat ng sumpa mula sa akin. 1 Isasadlak
Niya ang lahat ng Kanyang kaaway at aking kaaway sa walang
hanggang paghatol, ngunit ako at ang lahat ng Kanyang hinirang
ay daldalhin Niya sa Kanyang presensiya sa kagalakan at
kaluwalhatian ng langit. 2 |
| |
1 |
Lukas 21:28; Roma 8:22-25; Filipos 3:20,21;
Tito 2:13, 14 |
| |
2 |
Mateo 25:31-46; 1 Tesalonica 4:16, 17; 2
Tesalonica 1:6-10 |
ARAW NG PANGINOON XX
|
53. |
T. |
Ano ang iyong pinaniniwalaan tungkol sa Banal
na Espiritu? |
| |
S. |
Una, na Siya, kasama ng Ama at ng Anak, ay
tunay at walang-pasimula at walang-hanggang Diyos. 1
Pangalawa, Siya ay ibinigay din sa akin, 2
upang sa pamamagitan ng tunay na pananampalatya ako ay
makibahagi kay Cristo at sa lahat ng Kaniyang pakinabang 3
upang aliwin ako 4 at upang makasama ko
magpakailanman. 5 |
| |
1 |
Genesis 1:1, 2; Mateo 28:19; Gawa 5:3, 4; 1 Corinto 3:16 |
| |
2 |
1 Corinto 6:19; 2 Corinto 1:21, 22; Galacia 4:6; Efeso 1:13 |
| |
3 |
Galacia 3:14; 1 Peter 1:2 |
| |
4 |
Juan 15:26; Gawa 9:31 |
| |
5 |
Juan 14:16, 17; 1 Pedro 4:14 |
ARAW NG PANGINOON XXI
|
54. |
T. |
Ano ang iyong pinaniniwalaan tungkol sa banal
na Cristianong iglesyang laganap? |
| |
S. |
Nananamplataya ako na ang Anak ng Diyos,
1 mula sa kabuuhan ng lahi ng sangkatauhan, 2
mula sa pasimula ng sanlibutan hanggang sa katapusan nito, 3
ay tinitipon, ipinagsasanggalang at iningatan para sa Kanyang
sarili, 4 sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu
at Salita 5 sa pagkaka-isa ng tunay na
pananampalataya, 6 ang iglesyang itinalaga sa
buhay na walang hanggan. 7 At ako’y
nananampalatya na ako ngayon 8 at
magpakailanman ay mamamalaging buhay na kaanib nito. 9 |
| |
1 |
Juan 10:11; Gawa 20:28; Efeso 4:11-13;
Colosas 1:18 |
| |
2 |
Genesis 26:4; Apokalipsis 5:9 |
| |
3 |
Isaias 59:21; 1 Corinto 11:26 |
| |
4 |
Awit 129:1-5; Mateo 16:18; Juan 10:28-30 |
| |
5 |
Roma 1:16; 10:14-17; Efeso 5:26 |
| |
6 |
Gawa 2:42-47; Efeso 4:1-6 |
| |
7 |
Roma 8:29; Efeso 1:3-14 |
| |
8 |
1 Juan 3:14, 19-21 |
| |
9 |
Awit 23:6; Juan 10:27, 28; 1 Corinto 1:4-9; 1
Pedro 1:3-5 |
|
55. |
T. |
Ano ang iyong pagkaunawa sa kapulungan ng mga
banal? |
| |
S. |
Una, na ang mga mananampalataya, ang lahat at
ang bawat isa, bilang mga kaanib kay Cristo ay may kaugnayan sa
Kanya at nakikibahagi sa lahat ng Kanyang kayamanan at mga
kaloob.1 Pangalawa, na ang bawat isa ay may
tungkuling gamitin ang kanyang mga kaloob ng walang
pag-alinlangan at may kagalakan para sa pakinabang ng iba pang
mga kaanib. 2 |
| |
1 |
Roma 8:32; 1 Corinto 6:17; 12:4-7, 12, 13; 1
Juan 1:3 |
| |
2 |
Roma 12:4-8; 1 Corinto 12:20-27; 13:1-7;
Filipos 2:4-8 |
|
56. |
T. |
Ano ang iyong pinaniniwalaan tungkol sa
kapatawaran ng kasalanan? |
| |
S. |
Nananampalataya ako na ang Diyos, bunga ng
kasiyahang dulot ni Cristo, ay hindi na aalalahanin pa ang aking
mga kasalanan, 1 pati na ang pagkamakasalanan
ko na siyang kinakailangan kong labanan sa buong buhay ko 2
sa halip buong giliw Niyang ipinagkakaloob sa akin ang katuwiran
ni Cristo ng hindi na ako umabot pa sa paghatol.3 |
| |
1 |
Awit 103:3, 4, 10, 12; Mikas 7:18, 19; 2
Corinto 5:18-21; I Juan 1:7; 2:2 |
| |
2 |
Roma 7:21-25 |
| |
3 |
Juan 3:17, 18; 5:24; Roma 8:1, 2 |
ARAW NG PANGINOON XXII
|
57. |
T. |
Anong kaaliwan ang idinudulot sa iyo ng
muling pagkabuhay ng katawan? |
| |
S. |
Hindi lamang ang aking kaluluwa matapos ng
buhay na ito ang dadalhin kaagad kay Cristo, na siyang aking ulo
1 kundi pati itong aking katawan, binuhay sa
pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo ay muling pagsasamahin sa
aking kaluluwa at gagawing katulad ng niluwalhating katawan ni
Cristo. 2 |
| |
1 |
Lukas 16:22; 23:43; Filipos 1:21-23 |
| |
2 |
Job 19:25, 26; 1 Corinto 15:20, 42-46, 54;
Filipos 3:21; 1 Juan 3:2 |
|
58. |
T. |
Anong kaaliwan ang iyong natatanggap sa
artikulong tungkol sa buhay na walang hanggan? |
| |
S. |
Dahil sa ngayon pa lamang ay nadarama ko na
sa aking puso ang panimula ng kagalakang walang hanggan, 1
aking tatamasahin matapos ng buhay na ito ang ganap na
kaligayahan na wala pang matang nakakita, o ng taingang
nakarinig o nalirip ng puso ninuman – isang kaligayahang
magpupuri sa Diyos magpakailanman. 2 |
| |
1 |
Juan 17:3; Roma 14:17; 2 Corinto 5:2, 3 |
| |
2 |
Juan 17:24; 1 Corinto 2:9 |
ARAW NG PANGINOON XXIII
|
59. |
T. |
Ngunit anong tulong ang maidudulot nito sa
iyo ngayong pinanampalatayanan mo ang lahat ng ito? |
| |
S. |
Kay Cristo ako ay matuwid sa harapan ng Diyos
at tagapagmana ng buhay na walang hanggan. 1 |
| |
1 |
Habakuk 2:4; Juan 3:36; Roma 1:17; 5:1, 2 |
|
60. |
T. |
Paano ka naging matuwid sa harapan ng Diyos? |
| |
S. |
Sa pamamagitan lamang ng tunay na
pananamplataya kay Jesu-Cristo. 1 Kahit na ako’y
sinusumbatan ng aking budhi na ako’y lubhang nagkasala laban
sa lahat ng kautusan ng Diyos, na hindi ko sinunod ang alin man
sa mga ito, 2 At na ako’y nakakiling pa rin
sa lahat ng kasamaan 3 Ngunit ang Diyos, kahit
wala akong angking kabutihan 4 mula sa biyaya
lamang 5 Ay inilagak sa akin ang ganap na
kasiyahan, katuwiran at kabanalan ni Cristo 6 Ipinagkaloob
Niya ang mga ito sa akin na parang hindi ako nagkasala ni minsan
o nagkaroon man ng anumang kasalanan at parang ako mismo ang
gumanap ng lahat ng pagsunod na siyang ginawa ni Cristo para sa
akin. 7 Kung aking tatanggapin lamang ang
kaloob na ito ng may pusong nananampalataya. 8 |
| |
1 |
Roma 3:21-28; Galacia 2:16; Efeso 2:8, 9;
Filipos 3:8-11 |
| |
2 |
Roma 3:9, 10 |
| |
3 |
Roma 7:23 |
| |
4 |
Deuteronomio 9:6; Ezekiel 36:22; Tito 3:4, 5 |
| |
5 |
Roma 3:24; Efeso 2:8 |
| |
6 |
Roma 4:3-5; 2 Corinto 5:17-19; 1 Juan 2:1, 2 |
| |
7 |
Roma 4:24, 25; 2 Corinto 5:21 |
| |
8 |
Juan 3:18; Gawa 16:30, 31; Roma 3:22 |
|
61. |
T. |
Bakit mo sinasabing ikaw ay matuwid sa
pamamagitan lamang ng pananampalataya? |
| |
S. |
Hindi dahil sa ako’y naging
katanggap-tanggap sa Diyos bunga ng pagiging karapat-dapat ng
aking sariling pananampalataya, sapagkat tanging ang kasiyahan,
katuwiran, at kabanalan lamang ni Cristo ang aking katuwiran sa
harapan ng Diyos. 1 Maaari kong tanggapin ang
katuwirang ito at gawing sariling akin sa pamamagitan lamang ng
pananampalataya. 2 |
| |
1 |
1 Corinto 1:30, 31; 2:2 |
| |
2 |
Roma 10:10; 1 Juan 5:10-12 |
ARAW NG PANGINOON XXIV
|
62. |
T. |
Ngunit bakit hindi maaaring ang ating
mabubuting gawa ang siyang maging ating katuwiran sa harapan ng
Diyos o kahit na maliit na bahagi man lang nito? |
| |
S. |
Sapagkat ang katuwirang maaaring makapasa sa
pagsusuri ng Diyos ay yun lamang lubusang ganap at puspusang
sumasang-ayon sa kautusan ng Diyos. 1 Kung
tutuusin kahit ang pinakamabuti nating mga gawa sa buhay na ito
ay di-ganap at nadungisan ng kasalanan. 2 |
| |
1 |
Deuteronomio 27:26; Galacia 3:10 |
| |
2 |
Isaias 64:6 |
|
63. |
T. |
Subalit wala nga bang maitutulong sa atin ang
ating mabubuting gawa kahit na nangako naman ang Diyos na
gagantimpalaan Niya ang mga ito ngayon at sa susunod na buhay? |
| |
S. |
Ang gantimpalang ito ay hindi mapagsisikapan.
1 Ito ay kaloob na biyaya. 2 |
| |
1 |
Mateo 5:12; Hebreo 11:6 |
| |
2 |
Lukas 17:10; 2 Timoteo 4:7, 8 |
|
64. |
T. |
Di nga ba ginagawang pabaya at masama ang mga
tao ng katuruang ito? |
| |
S. |
Hindi. Imposible para sa mga nakahugpong kay
Cristo sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya ang hindi
mamunga ng mga bunga ng pasasalamat. 1 |
| |
1 |
Mateo 7:18; Lukas 6:43-45; Juan 15:5 |
ARAW NG PANGINOON XXV
|
65. |
T. |
Samakatuwid kung sa pamamagitan lamang ng
pananampalataya tayo makababahagi kay Cristo at sa lahat ng
Kanyang kapakinabangan, saan naman nagmumula ang
pananampalatayang ito? |
| |
S. |
Sa Banal na Espiritu 1 na
Siyang nagpapagana nito sa ating mga puso sa pamamagitan ng
pangangaral ng ebanghelyo 2 at pinapatibay
Niya ito sa pamamagitan ng mga sakramento.3 |
| |
1 |
Juan 3:5; 1 Corinto 2:10-14; Efeso 2:8; Filipos 1:29 |
| |
2 |
Roma 10:17; 1 Pedro 1:23-25 |
| |
3 |
Mateo 28:19, 20; 1 Corinto 10:16 |
|
66. |
T. |
Ano nga ba ang mga sakramento? |
| |
S. |
Ang mga sakramento ay mga banal na tanda at
tatak na nakikita natin. Ang mga ito’y itinalaga ng Diyos
upang sa pamamagitan ng mga ito ay mas ganap pa Niyang
maipahayag sa atin at maitatak sa atin ang pangako ng ebanghelyo.
1 At ito ang pangako: na ang Diyos ay buong
giliw tayong pinatawad sa ating mga kasalanan at binigyan ng
buhay na walang hanggan dahil sa nag-iisang pagpapakasakit ni
Cristo sa krus. 2 |
| |
1 |
Genesis 17:11; Deuteronomio 30:6; Roma 4:11 |
| |
2 |
Mateo 26:27, 28; Gawa 2:38; Hebreo 10:10 |
|
67. |
T. |
Ang Salita ba at mga sakramento ay parehong
inilaan upang ituon ang ating pananampalataya sa pagpapakasakit
ni Jesu-Cristo sa krus bilang tanging saligan ng ating
kaligtasan? |
| |
S. |
Tunay ngang totoo. Itinuturo sa atin ng Banal
na Espiritu sa ebanghelyo at tayo’y binibigyan Niya ng
katiyakan sa pamamagitan ng mga sakramento na ang kabuuhan ng
ating kaligtasan ay nakasalalay sa nag-iisang pagpapakasakit ni
Cristo sa krus para sa atin. 1 |
| |
1 |
Roma 6:3; 1 Corinto 11:26; Galacia 3:27 |
|
68. |
T. |
Ilang sakramento ba ang itinalaga ni Cristo
sa Bagong Tipan? |
| |
S. |
Dalawa: ang banal na pagbawtismo at ang banal
na hapunan. 1 |
| |
1 |
Mateo 28:19, 20; 1 Corinto 11:23-26 |
ARAW NG PANGINOON XXVI
|
69. |
T. |
Papaanong ang banal na bautismo ay
nagpapaalala at nagtitiyak sa iyo na ang nag-iisang
pagpapakasakit ni Cristo sa krus ay napapakinabangan mo? |
|
|
S. |
Sa ganitong paraan: Si Cristo ang nagtatag
nitong panlabas na paglilinis na ito 1 at
kalakip nito ay ang pangako na kung paanong tiyak na nililinis
ng tubig ang dumi sa katawan gayon di naman katiyak na ang
Kanyang dugo at Espiritu ay naglilinis sa karumihan ng aking
kaluluwa kung baga lahat ng aking kasalanan. 2 |
| |
1 |
Mateo 28:19 |
| |
2 |
Mateo 3:11; Marcos 16:16; Juan 1:33; Gawa
2:38; Roma 6:3, 4; 1 Pedro 3:21 |
|
70. |
T. |
Ano ang ibig sabihin ng mahugasan sa dugo at
Espiritu ni Cristo? |
| |
S. |
Ang ibig sabihin ng mahugasan sa dugo ni
Cristo ay ang tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan mula sa
Diyos dahil sa dugo ni Cristo na nabubo para sa atin sa
pamamagitan ng Kanyang pagpapakasakit sa krus. 1 Ang
ibig naman sabihin ng mahugasan sa pamamagitan ng Kanyang
Espiritu ay yaong pagbabago na dulot ng Banal na Espiritu at
pagiging banal upang maging kaanib kay Cristo ng sa gayon ay
lalo tayong mamatay sa kasalanan at mamuhay ng may kabanalan at
walang kapintasan. 2 |
| |
1 |
Ezekiel 36:25; Zecarias. 13:1; Efeso 1:7;
Hebreo 12:24; 1 Pedro 1:2; Apocalipsis 1:5; 7:14 |
| |
2 |
Juan 3:5-8; Roma 6:4; 1 Corinto 6:11; Colosas
2:11, 12 |
|
71. |
T. |
Saan ipinangako ni Cristo na tayo ay Kanyang
huhugasan ng Kanyang dugo at Espiritu kapag tayo ay nahugasan ng
tubig ng bautismo? |
| |
S. |
Sa pagtatatag ng bautismo kung saan sinabi
Niya: Kaya’t sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat
ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng
Anak at ng Espiritu Santo. 1 Ang
sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; ngunit ang hindi
sumasampalataya ay parurusahan. 2 Ang
pangakong ito ay inulit kung saan tinawag ang bautismo na
paghuhugas ng muling kapanganakan at paghuhugas ng mga kasalanan.
3 |
| |
1 |
Mateo 28:19 |
| |
2 |
Marcos 16:16 |
| |
3 |
Tito 3:5; Gawa 22:16 |
ARAW NG PANGINOON XXVII
|
72. |
T. |
Ang panlabas na paghuhugas ba na ito ng tubig
ay nakalilinis ng mga kasalanan? |
| |
S. |
Hindi, tanging ang dugo ni JesuCristo at ang
Banal na Espiritu lamang ang nakalilinis sa atin sa lahat ng
ating mga kasalanan.1 |
| |
1 |
Mateo 3:11; 1 Pedro 3:21; 1 Juan 1:7 |
|
73. |
T. |
Bakit tinatawag ng Banal na Espiritu ang
bautismo na paghuhugas ng muling kapanganakan at paghuhugas ng
mga kasalanan? |
| |
S. |
Ang Diyos ay nagsasalita sa ganitong pamaraan
ng may magandang kadahilanan. Nais Niyang ituro sa atin na ang
dugo at Espiritu ni Cristo ang nag-aalis ng mga kasalanan sa
atin tulad ng pagtanggal ng tubig sa dumi mula sa katawan. 1
Ngunit, higit pa rito, nais Niyang tiyakin sa atin sa
pamamagitan ng banal na pangako at tanda na ito na tayo nga’y
tunay na nilinis mula sa ating mga kasalanan sa espirituwal na
pamaraan ng ang ating katawa’y nililinis ng tubig. 2 |
| |
1 |
1 Corinto 6:11; Apokalipsis 1:5; 7:14 |
| |
2 |
Marcos 16:16; Gawa 2:38; Roma 6:3, 4; Galacia
3:27 |
|
74. |
T. |
Ang mga sanggol ba’y dapat ding bautismuhan? |
| |
S. |
Oo. Ang mga sanggol tulad ng mga matatanda ay
kasama sa tipan ng Diyos at ng Kaniyang kongregasyon. 1 Sa
pamamagitan ng dugo ni Cristo ang pagtubos mula sa kasalanan at
ang Banal na Espiritu, na Siyang gumagawa ng pananampalataya, ay
ipinangako sa kanila tulad ng sa mga matatanda. 2 Samakatuwid,
sa pamamagitan ng bautismo, bilang tanda ng tipan, sila ay dapat
maihugpong sa iglesiyang Cristiano at kilalaning bukod sa mga
anak ng mga hindi mananampalataya. 3 Ito ay
ginawa sa lumang tipan sa pamamagitan ng pagtutuli 4 na
ang naging kapalit nito, ang pagbautismo ang itinalaga sa bagong
tipan. 5 |
| |
1 |
Genesis 17:7; Mateo 19:14 |
| |
2 |
Awit 22:11; Isaias 44:1-3; Gawa 2:38, 39;
16:31 |
| |
3 |
Gawa 10:47; 1 Corinto 7:14 |
| |
4 |
Genesis 17:9-14 |
| |
5 |
Colosas 2:11-13 |
ARAW NG PANGINOON XXVIII
|
75. |
T. |
Papaanong ang hapunan ng Panginoon ay
nagpapaalala at nagtitiyak sa iyo na nakikibahagi ka
sa nag-iisang pagpapakasakit ni Cristo sa krus at sa lahat ng
Kanyang mga kaloob? |
| |
S. |
Sa ganitong paraan: Inutusan ako ni Cristo at
ang lahat ng mga mananampalataya na kainin itong
pinagpira-pirasong tinapay at uminom sa kopang ito bilang
pag-alaala sa Kanya. Kalakip ng utos na ito ay ibinigay Niya ang
mga pangakong ito: 1 Una, kung paanong
nakikita ng aking mga mata ang tinapay ng Panginoon na
pinagpira-piraso para sa akin at ang kopa ay ibinigay sa akin,
gayon din katiyak na ang Kanyang katawan ay inialay para sa akin
at ang Kanyang dugo ay nabubo para sa akin doon sa krus.
Pangalawa, kung paanong tinatanggap ko mula sa kamay ng ministro
at natitikman ng aking bibig ang tinapay at ang kopa ng
Panginoon bilang mga tunay na tanda ng katawan at dugo ni Cristo,
gayon din katiyak na Siya mismo ang magpapalakas at magbabago sa
aking kaluluwa tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan
ng kanyang katawang ipinako sa krus at dugong nabubo doon. |
| |
1 |
Mateo 26:26-28; Marcos 14:22-24; Lukas 22:19,
20; 1 Corinto 11:23-25 |
|
76. |
T. |
Ano ang ibig sabihin ng kainin ang katawan ni
Cristong napako sa krus at inumin ang Kanyang dugong nabubo doon? |
| |
S. |
Una, na tanggapin ng may pusong nananalig ang
kabuuhan ng pagpapakasakit at kamatayan ni Cristo at sa gayong
paraan ay tanggapin ang kapatawaran ng mga kasalanan at buhay na
walang hanggan. 1 Pangalawa, na lubos-lubusang
makikiisa sa Kanyang banal na katawan sa pamamagitan ng Banal na
Espritu na nananahang pareho kay Cristo at sa atin. 2 Samakatuwid
kahit na si Cristo ay nasa langit 3 at tayo
nama’y nasa lupa, gayunpaman tayo ay laman ng Kanyang laman at
buto ng Kanyang buto, 4 At
magpasawalang-hanggan tayong mabubuhay at pangangasiwaan ng nag-iisang
Espiritu kagaya ng mga sangkap ng ating katawan na nasasakop ng
nag-iisang kaluluwa.5 |
| |
1 |
Juan 6:35, 40, 50-54 |
| |
2 |
Juan 6:55, 56; 1 Corinto 12:13 |
| |
3 |
Gawa 1:9-11; 3:21; 1 Corinto 11:26; Colosas
3:1 |
| |
4 |
1 Corinto 6:15, 17; Efeso 5:29, 30; 1 Juan
4:13 |
| |
5 |
Juan 6:56-58; 15:1-6; Efeso 4:15, 16; 1 Juan
3:24 |
|
77. |
T. |
Saan ipinangako ni Cristo na palalakasin at
babaguhin Niya ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng Kanyang
katawan at dugo sa tuwing kakain sila ng pinagpira-pirasong
tinapay at uminom sa kopang ito? |
| |
S. |
Sa pagtatatag ng hapunan ng Panginoon: Ang
Panginoong Jesus noong gabing Siya’y ipinagkanulo ay kumuha ng
tinapay at matapos na magpasalamat ay pinagpira-piraso ito at
sinabi, "Ito’y aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo.
Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin." Sa gayunding
paraan ay kinuha Niya ang kopa, pagkatapos maghapunan, na
sinasabi, "Gawin ninyo ito tuwing kayo’y iinom nito, sa
pag-aalaala sa akin." Sapagkat sa tuwing kainin ninyo ang
tinapay na ito at inuman ang kopa, ipinahahayag ninyo ang
kamatayan ng Panginoon hanggang sa dumating Siya. Ang pangakong
ito ay inulit ni Pablo kung saan ay sinabi niya: Ang kopa ng
pagpapala na ating pinagpapala, hindi ba ito’y pakikisalo sa
dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputul-putol, hindi
ba ito’y pakikisalo sa katawan ni Cristo? Sapagkat may isang
tinapay, tayong marami ay iisang katawan, sapagkat tayong lahat
ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay. 1 |
| |
1 |
1 Corinto 11:23-26; 10:16-17 |
ARAW NG PANGINOON XXIX
|
78. |
T. |
Ang tinapay at alak nga ba ay nagiging tunay
na katawan at dugo ni Cristo? |
| |
S. |
Hindi. Kung paanong ang tubig ng bautismo ay
hindi nagiging dugo ni Cristo at hindi ito ang mismong nag-aalis
ng kasalanan kundi isa lamang itong tanda at pangako ng Diyos, 1
gayun din naman ang tinapay sa hapunan ng Panginoon ay hindi
nagiging katawan mismo ni Cristo, 2 kahit na
ito ay tinatawag na katawan ni Cristo 3 na
sang-ayon sa kalikasan at pag-gamit ng mga sacramento. 4 |
| |
1 |
Efeso5:26; Tito 3:5 |
| |
2 |
Mateo 26:26-29 |
| |
3 |
1 Corinto 10:16, 17; 11:26-28. |
| |
4 |
Genesis 17:10, 11; Exodo 12:11, 13; 1 Corinto
10:3, 4; 1 Pedro 3:21. |
|
79. |
T. |
Kung gayon bakit tinatawag ni Cristo ang
tinapay na Kanyang katawan at ang kopa na Kanyang dugo, o ang
bagong tipan sa Kanyang dugo, at bakit sinasabi rin ni Pablo ang
pakikibahagi sa katawan at dugo ni Cristo? |
| |
S. |
Si Cristo ay nagsasalita ng ganito ng may
magandang dahilan: Nais Niya tayong turuan sa pamamagitan ng
Kanyang hapunan na kung paanong ang tinapay at alak ay
nagbibigay-lakas sa ating makalupang buhay gayon din naman ang
Kanyang katawang napako sa krus at dugong nabubo ay tunay na
pagkain at inumin ng ating mga kaluluwa tungo sa buhay na walang
hanggan. 1 Ngunit, at higit pang mas mahalaga,
nais Niyang tiyakin sa atin sa pamamagitan nitong nakikitang
tanda at pangako, una, na sa pamamagitan ng pagkilos ng Banal na
Espiritu tayo ay nakikibahagi sa Kanyang tunay na katawan at
dugo gaya ng pagtanggap natin sa ating mga bibig ng mga banal na
tandang ito bilang pag-aalaala sa Kanya, 2 at,
pangalawa, na ang lahat ng Kanyang paghihirap at pagsunod ay
tiyak na para sa atin na para ngang tayo mismo ang naghirap at
nagbayad para sa ating mga kasalanan. 3 |
| |
1 |
Juan 6:51, 55 |
| |
2 |
1 Corinto 10:16, 17; 11:26 |
| |
3 |
Roma 6:5-11 |
|
80. |
T. |
Ano ang pagkakaiba ng hapunan ng Panginoon sa
misa ng papa (ng mga Romano Katoliko)? |
| |
S. |
Pinatototohanan ng hapunan ng Panginoon sa
atin, una, na tayo ay may lubos na kapatawaran sa lahat ng ating
mga kasalanan sa pamamagitan ng nag-iisang paghandog ni
JesuCristo na Siya mismong gumanap sa krus minsan para sa lahat;
1 at, pangalawa, na sa pamamagitan ng Banal na
Espiritu tayo ay inihugpong na kay Cristo, 2
na sa Kanyang tunay na katawan ay ngayo’y nasa langit sa
kanang kamay ng Ama, 3 at dito Niya ninanais
na Siya’y sambahin 4 Subalit itinuturo ng
misa, una, na ang mga buhay at ang mga patay ay walang
kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng paghandog ni
Cristo malibang Siya’y ialay muli araw-araw ng mga pari; at,
pangalawa, na si Cristo sa Kanyang katawan ay nasa anyo ng
tinapay at alak, at doon ay dapat sambahin. Samakatuwid ang misa
ay walang iba kundi pagtanggi sa nag-iisang paghandog ni
JesuCristo at isang kasumpa-sumpang pagsamba sa mga
Diyos-Diyosan. |
| |
1 |
Mateo 26:28; Juan 19:30; Hebreo 7:27; 9:12,
25, 26; 10:10-18 |
| |
2 |
1 Corinto 6:17; 10:16, 17 |
| |
3 |
Juan 20:17; Gawa 7:55, 56; Hebreo 1:3; 8:1 |
| |
4 |
Juan 4:21-24; Filipos 3:20; Colosas 3:1; 1
Tesalonica 1:10 |
ARAW NG PANGINOON XXX
|
80. |
T. |
Ano ang pagkakaiba ng hapunan ng Panginoon sa
misa ng papa (ng mga Romano Katoliko)? |
|
|
S. |
Pinatototohanan ng hapunan ng Panginoon sa
atin, una, na tayo ay may lubos na kapatawaran sa lahat ng ating
mga kasalanan sa pamamagitan ng nag-iisang paghandog ni
JesuCristo na Siya mismong gumanap sa krus minsan para sa lahat;
1 at, pangalawa, na sa pamamagitan ng Banal na
Espiritu tayo ay inihugpong na kay Cristo, 2
na sa Kanyang tunay na katawan ay ngayo’y nasa langit sa
kanang kamay ng Ama, 3 at dito Niya ninanais
na Siya’y sambahin 4 Subalit itinuturo ng
misa, una, na ang mga buhay at ang mga patay ay walang
kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng paghandog ni
Cristo malibang Siya’y ialay muli araw-araw ng mga pari; at,
pangalawa, na si Cristo sa Kanyang katawan ay nasa anyo ng
tinapay at alak, at doon ay dapat sambahin. Samakatuwid ang misa
ay walang iba kundi pagtanggi sa nag-iisang paghandog ni
JesuCristo at isang kasumpa-sumpang pagsamba sa mga
Diyos-Diyosan. |
|
|
1 |
Mateo 26:28; Juan 19:30; Hebreo 7:27; 9:12,
25, 26; 10:10-18 |
|
|
2 |
1 Corinto 6:17; 10:16, 17 |
|
|
3 |
Juan 20:17; Gawa 7:55, 56; Hebreo 1:3; 8:1 |
|
|
4 |
Juan 4:21-24; Filipos 3:20; Colosas 3:1; 1
Tesalonica 1:10 |
|
81. |
T. |
Sino ang nararapat makisalo sa hapag kainan
ng Panginoon? |
|
|
S. |
Yun lamang mga tunay na di nasisiyahan sa
kanilang sarili gawa ng kanilang mga kasalanan subalit
nanampalataya rin namang ang mga ito’y pinatawad na at ang
kanilang patuloy na kahinaan ay tinakpan na ng pagpapakasakit at
kamatayan ni Cristo, at sila ring nagnanais na lubos-lubusang
pagtibayin ang kanilang pananampalataya at magbagong-buhay.
Samantalang ang mga hipokrito at lahat ng mga hindi nagsisisi ay
kumakain at umiinom ng hatol sa kanilang sarili. 1 |
|
|
1 |
1 Corinto 10:19-22; 11:26-32 |
|
82. |
T. |
Tatanggapin din ba sa hapunan ng Panginoon
ang mga taong nagpapahayag sa pamamagitan ng kanilang pananalita
at pamumuhay na sila’y di nananampalataya at di maka-Diyos? |
|
|
S. |
Hindi, sapagkat nilalapastangan nila ang
tipan ng Diyos at ang Kanyang poot ay magniningas laban sa buong
kongregasyon. 1 Dahil dito, ayon sa utos ni
Cristo at ng Kanyang mga apostol, ang iglesyang Cristiano ay
obligadong itiwalag ang mga taong ito sa pamamagitan ng mga susi
ng kaharian ng langit hanggang sila’y magbagong buhay. |
|
|
1 |
Awit 50:16; Isaias 1:11-17; 1 Corinto
11:17-34 |
ARAW NG PANGINOON XXXI
|
83. |
T. |
Ano ang mga susi sa kaharian ng langit? |
| |
S. |
Ang pagpapahayag ng banal na ebanghelyo at
disiplinang pang-iglesya. Sa pamamagitan ng dalawang ito
nabubuksan ang kaharian ng langit sa mga mananampalataya at
isinasarado sa mga hindi mananampalataya. 1 |
| |
1 |
Mateo 16:19; Juan 20:21-23 |
|
84. |
T. |
Paano nabubuksan at nasasarhan ang kaharian
ng langit sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ebanghelyo? |
| |
S. |
Ayon sa utos ni Cristo, ang kaharian ng
langit ay nabubuksan kapag ito ay ipinapahayag at hayagang
pinatototohanan sa bawat isa at sa lahat ng mga mananampalataya
na tunay ngang pinatawad ng Diyos ang lahat ng kanilang mga
kasalanan dahil sa kabutihan ni Cristo at tuwing tinatanggap
nila ang pangako ng ebanghelyo sa pamamagitan ng tunay na
pananampalataya. Ang kaharian ng langit ay sinasarhan kapag ito
ay ipinapahayag at pinatototohanan sa mga di mananampalataya at
mga hipokrito na ang poot ng Diyos at ang walang hanggang sumpa
ay nananatili sa kanila hanggat hindi sila nagsisisi. Ayon sa
patotoo ng ebanghelyong ito, parehong hahatulan ng Diyos ang
mananampalataya at di mananapalataya sa buhay na ito at pati na
rin sa darating. 1 |
| |
1 |
Mateo 16:19; Juan 3:31-36; 20:21-23 |
|
85. |
T. |
Paanong ang kaharian ng Diyos ay nabubuksan
at nasasarhan ng disiplinang pang-iglesya? |
| |
S. |
Ayon sa utos ni Cristo, ang mga taong
nagsasabing sila’y Cristiano ngunit ipinamamalas na hindi
maka-cristiano ang kanilang pinaniniwalaan o pamumuhay ay una sa
lahat paulit-ulit munang pinagsasabihan sa pamaraang pang-magkapatid.
Kung hindi nila tatalikdan ang kanilang kamalian o kasamaan ay
ipapaalam ito sa iglesya, na ang ibig sabihin ay sa mga
matatanda ng iglesya. Kung hindi pa rin nila papakinggan ang
kanilang mga payo, sila’y pagbabawalan na tumanggap ng mga
sakramento at sila’y ititiwalag ng mga matatanda sa samahan ng
mga Cristiano at ng Diyos mismo sa kaharian ni Cristo. 1
Sila ay muling tatanggapin bilang kaanib ni Cristo at
ng iglesia kapag sila’y nangako at nagpakita ng tunay na
pagbabago. 2 |
| |
1 |
Mateo. 18:15-20; 1 Corinto 5:3-5; 11-13; 2
Tesalonica 3:14, 15 |
| |
2 |
Lukas 15:20-24; 2 Corinto 2:6-11 |
ARAW NG PANGINOON XXXII
|
86. |
T. |
Dahil tayo nga ay iniligtas na sa ating
kapighatian sa tulong ng biyaya lamang sa pamamagitan ni Cristo,
at hindi ayon sa anumang ginawa natin, bakit kinakailangan pa
rin nating gumawa ng mga mabubuting gawa? |
| |
S. |
Sapagkat si Cristo, matapos Niya tayong
tubusin sa pamamagitan ng Kanyang dugo ay binabago rin tayo sa
pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu upang maging kawangis
Niya, ng sa gayon sa pamamagitan ng ating buong buhay ay
maipakita natin na tayo nga ay nagpapasalamat sa Diyos para sa
lahat ng Kanyang biyaya 1 at ng Siya ay
purihin natin. 2 Higit pa rito, na tayo mismo
ay makatiyak sa ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga
bunga nito 3 at ng sa pamamagitan ng ating
maka-Diyos na pamumuhay ay maakit natin ang ating kapwa kay
Cristo. 4 |
| |
1 |
Roma 6:13; 12:1, 2; 1 Pedro 2:5-10 |
| |
2 |
Mateo 5:16; 1 Corinto 6:19, 20 |
| |
3 |
Mateo 7:17, 18; Galacia 5:22-24; 2 Pedro
1:10, 11 |
| |
4 |
Mateo 5:14-16; Roma 14:17-19; 1 Pedro 2:12;
3:1, 2 |
|
87. |
T. |
Maliligtas ba yung mga taong hindi
nagbabalik-loob sa Diyos mula sa kanilang pamumuhay na walang
utang na loob at walang pagsisisi? |
| |
S. |
Hindi maari sa anumang paraan. Sinasabi ng
Kasulatan na walang malaswang tao, sumasamba sa Diyos-Diyosan,
mangangalunya, sakim, lasenggo, maninirang-puri, magnanakaw o
sinumang gaya ng mga ito ang magmamana ng kaharian ng Diyos.1 |
| |
1 |
1 Corinto 6:9, 10; Galacia 5:19-21; Efeso
5:5, 6; 1 Juan 3:14 |
ARAW NG PANGINOON XXXIII
|
88. |
T. |
Sa ilang mga bagay nabubuo ang tunay na
pagsisisi o pagbabago ng tao? |
| |
S. |
Sa dalawang bagay: ang dahan-dahang
pagkamatay ng lumang pagkatao at ang pagbubuhay sa bago. 1 |
| |
1 |
Roma 6:1-11; 1 Corinto 5:7; 2 Corinto 5:17;
Efeso 4:22-24; Colosas 3:5-10 |
|
89. |
T. |
Ano ang dahan-dahang pagkamatay ng lumang
pagkatao? |
| |
S. |
Ito ay taos-pusong pagdadalamhati sa
kasalanan na tumutulak sa ating kamuhian at talikdan ito ng lagi
at lubus-lubusan. 1 |
| |
1 |
Awit 51:3, 4, 17; Joel 2:12, 13; Roma 8:12,
13; 2 Corinto 7:10 |
|
90. |
T. |
Ano ang pagbubuhay sa bagong pagkatao? |
| |
S. |
Ito ay taos-pusong kagalakan sa Diyos sa
pamamagitan ni Cristo 1 na naguudyok sa ating
ikalugod ang mamuhay ng ayon sa kalooban ng Diyos sa lahat ng
mabubuting gawa. 2 |
| |
1 |
Awit 51:8, 12; Is. 57:15; Roma 5:1; 14:17 |
| |
2 |
Roma 6:10, 11; Galacia 2:20 |
|
91. |
T. |
Ano ang mabubuting gawa? |
| |
S. |
Yun lamang nagmumula sa pamamagitan ng tunay
na pananampalataya 1 na naaayon sa Kautusan ng
Diyos 2 at para sa Kanyang kaluwalhatian 3
at hindi base sa ating sariling opinyon o katuruan ng tao. 4 |
| |
1 |
Juan 15:5; Roma 14:23; Hebreo 11:6 |
| |
2 |
Levitico 18:4; 1 Samuel 15:22; Efeso 2:10 |
| |
3 |
1 Corinto 10:31 |
| |
4 |
Deuteronomio 12:32; Isaias 29:13; Ezekiel
20:18, 19; Mateo 15:7-9 |
|
92. |
T. |
Ano ang Kautusan ng Diyos? |
| |
S. |
"Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang
ito, na sinasabi,"
Unang Utos
"Ako ang PANGINOON mong Diyos na
naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng
pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos sa harap ko."
Ikalawang Utos
"Huwag kang gagawa para sa iyong sarili
ng inukit na larawan o ng anumang kawangis ng anumang nasa
langit sa itaas, o ng nasa lupa sa ibaba, o ng nasa tubig sa
ilalim ng lupa. Huwag mo silang yuyukuran, o paglilingkuran man
sila; sapagkat akong PANGINOON mong Diyos ay Diyos na
mapanibughuin, na aking pinarurusahan ang mga anak dahil sa
kasamaan ng mga magulang hanggang sa ikatlo at ikaapat na
salinlahi ng mga napopoot sa akin ngunit pinagpapakitaan ko ng
wagas na pag-ibig ang libu-libong umiibig sa akin at tumutupad
ng aking mga utos."
Ikatlong Utos
"Huwag mong babanggitin ang pangalan ng
PANGINOON mong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat hindi
pawawalng-sala ng PANGINOON ang sinumang gumagamit ng kanyang
pangalan sa walang kabuluhan."
Ikaapat na Utos
"Alalahanin mo ang araw ng Sabbath,
upang ingatan itong banal. Anim na araw kang gagawa at iyong
gagawin ang lahat ng iyong gawain; ngunit ang ikapitong araw ay
Sabbath sa PANGINOON mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang
gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang
iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping
babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga
pintuan; sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng PANGINOON
ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at
nagpahinga sa ikapitong araw; kaya’t binasbasan ng PANGINOON
ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal."
Ikalimang Utos
"Igalang mo ang iyong ama at ang iyong
ina, upang ang iyong mga araw ay humaba sa lupaing ibinibigay sa
iyo ng PANGINOON mong Diyos."
Ikaanim na Utos
"Huwag kang papatay."
Ikapitong Utos
"Huwag kang mangangalunya"
Ikawalong Utos
"Huwag kang magnanakaw"
Ikasiyam na Utos
"Huwag kang magiging sinungaling na
saksi laban sa iyong kapwa."
Ikasampung Utos
"Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong
kapwa; huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapwa, o ang
kanyang aliping lalaki o ang kanyang aliping babae, o ang
kanyang baka, o ang kanyang asno, o ang anumang bagay ng iyong
kapwa." |
| |
1 |
Exodo 20:1-17; Deuteronomio 5:6-21 |
ARAW NG PANGINOON XXXIV
|
93. |
T. |
Paano nga ba nahahati ang mga kautusang ito? |
| |
S. |
Sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay
nagtuturo sa atin kung paano tayo dapat mamuhay ng ayon sa ating
kaugnayan sa Diyos; ang pangalawa nama’y kung ano ang tungkulin
natin sa ating kapwa. 1 |
| |
1 |
Mateo 22:37-40 |
| |
|
|
|
94. |
T. |
Ano ang hinihingi ng panginoon sa unang utos? |
| |
S. |
Na alang-alang sa aking sariling kaligtasan ay
iwasan ko at layuan ang lahat ng pagsamba sa Diyos-Diyosan,
1 pangkukulam, pamahiin 2 at
pananalangin sa mga santo o sa iba pang uri ng mga nilalang. 3
higit pa rito, na ako’y humantong sa tamang pagkilala sa nag-iisang
tunay na Diyos, 4 magtiwala sa Kanya lamang, 5
magpasakop sa Kanya ng may taos-pusong pagpapakumbaba 6
at pagtitiis,7 umasa sa Kanya lamang ng lahat ng
mabuting bagay 8 at ibigin 9
katakutan,10 at parangalan Siya 11
ng buong puso ko. Sa madaling salita, na talikuran ko ang lahat ng
nilalang kaysa gawin ang kaliit-liitang bagay na labag sa Kanyang
kalooban. 12 |
| |
1 |
1 Corinto 6:9, 10; 10:5-14; 1 Juan 5:21 |
| |
2 |
Levitico 19:31; Deuteronomio 18:9-12 |
| |
3 |
Mateo 4:10; Apokalipsis 19:10; 22:8, 9 |
| |
4 |
Juan 17:3 |
| |
5 |
Jeremias 17:5, 7 |
| |
6 |
1 Pedro 5:5, 6 |
| |
7 |
Roma 5:3, 4; 1 Corinto 10:10; Filipos 2:14;
Colosas 1:11; Hebreo 10:36 |
| |
8 |
Awit 104:27, 28; Isaias 45:7; Santiago 1:17 |
| |
9 |
Deuteronomio 6:5; (Mateo 22:37) |
| |
10 |
Deuteronomio 6:2; Awit 111:10; Kawikaan 1:7;
9:10; Mateo 10:28; 1 Pedro 1:17 |
| |
11 |
Deuteronomio 6:13; (Mateo 4:10); Deuteronomio
10:20 |
| |
12 |
Mateo 5:29, 30; 10:37-39; Gawa 5:29 |
| |
|
|
|
95. |
T. |
Ano ang pagsamba sa mga Diyos-Diyosan? |
| |
S. |
Ang pagsamba sa mga Diyos-Diyosan ay ang
pagkakaroon o pag-gawa ng anumang bagay na kung saan ay inilalagak
natin ang ating pagtitiwala sa halip na, o bilang karagdagan, sa
nag-iisang tunay na Diyos na nagpakilala ng Kanyang sarili sa
Kanyang salita. 1 |
| |
1 |
1 Cronica 16:26; Galacia 4:8, 9; Efeso 5:5;
Filipos 3:19 |
ARAW NG PANGINOON XXXV
|
96. |
T. |
Ano ang hinihingi ng Diyos sa ikalawang utos? |
| |
S. |
Hindi tayo dapat gumawa ng imahen ng Diyos sa
anumang paraan 1 O sambahin Siya sa anumang
pamaraan maliban sa Kanya nang iniutos sa Kanyang Salita. 2 |
| |
1 |
Deuteronomio 4:15-19; Isaias 40:18-25; Gawa
17:29; Roma 1:23 |
| |
2 |
Levitico 10:1-7; Deuteronomio 12:30; 1 Samuel
15:22, 23; Mateo 15:9; Juan 4:23, 24 |
| |
|
|
|
97. |
T. |
Hindi nga ba tayo maaaring gumawa ng anumang
imahen kahit kailan? |
| |
S. |
Ang Diyos ay hindi maisasalarawan at hindi
maaaring isalarawan sa anumang pamaraan na makikita. Ang mga
nilalang ay maaring maisalarawan, ngunit ipinagbabawal ng Diyos
ang gumawa tayo o magkaroon ng anumang imahen ng mga ito upang
sambahin sila o paglingkuran ang Diyos sa pamamagitan nila.
1 |
| |
1 |
Exodo 34:13, 14, 17; Bilang 33:52; 2 Hari 18:4,
5; Isaias 40:25 |
| |
|
|
|
98. |
T. |
Ngunit hindi ba maaaring gamitin ang mga imahen
sa mga iglesia bilang tulong sa pag-aaral ng mga pangkaraniwang
tao? |
| |
S. |
Hindi, hindi tayo dapat magmarunong ng higit pa
sa Diyos. Nais Niya na ang Kanyang mga hinirang ay turuan hindi sa
pamamagitan ng mga inutil na imahen 1 Kundi sa
pamamagitan ng buhay na pangangaral ng Kanyang Salita. 2 |
| |
1 |
Jeremias 10:8; Habakuk 2:18-20 |
| |
2 |
Roma 10:14, 15, 17; 2 Timoteo 3:16, 17; 2 Pedro
1:19 |
ARAW NG PANGINOON XXXVI
|
99. |
T. |
Ano ang hinihingi ng ikatlong utos? |
| |
S. |
Hindi natin dapat lapastanganin o abusuhin ang
pangalan ng Diyos sa pamamagitan ng pagmumura,1
sa panunumpa ng walang katotohanan,2 o sa
panunumpang hindi kinakailangan,3 o makibahagi
sa ganitong uri ng mga kakila-kilabot na kasalanan sa pamamagitan
ng tahimik na pagmamasid.4 sa madaling salita,
kinakailangang gamitin natin ang banal na pangalan ng Diyos ng may
pagkatakot at paggalang,5 ng maipahayag natin
siya ng tama,6 tumawag sa kanya,7
at purihin siya sa lahat ng ating pananalita at ginagawa.8 |
| |
1 |
Levitico. 24:10-17 |
| |
2 |
Levitico 19:12 |
| |
3 |
Mateo 5:37; Santiago 5:12 |
| |
4 |
Levitico 5:1; Kawikaan 29:24 |
| |
5 |
Awit 99:1-5; Isaias 45:23; Jeremias 4:2 |
| |
6 |
Mateo 10:32, 33; Roma 10:9, 10 |
| |
7 |
Awit 50:14, 15; 1 Timoteo 2:8 |
| |
8 |
Roma 2:24; Colosas 3:17; 1 Timoteo 6:1 |
| |
|
|
|
100. |
T. |
Ang paglapastangan ba sa pangalan ng Diyos sa
pamamagitan ng panunumpa at pagmumura ay tunay ngang malubhang
kasalanan na ang Diyos ay nagagalit pati na sa mga walang ginagawa
upang supilin at ipagbawal ang gawaing ito sa abot ng makakaya? |
| |
S. |
Walang pag-aalinlangang totoo nga,1 sapagkat
walang kasalanang hihigit pa rito o magpupukaw sa poot ng Diyos ng
higit pa kaysa paglapastangan sa kanyang pangalan. Yan nga ang
dahilan kung bakit iniutos niyang kamatayan ang kabayaran nito.2 |
| |
1 |
Levitico 5:1 |
| |
2 |
Levitico 24:16 |
ARAW NG PANGINOON XXXVII
|
101. |
T. |
Subalit maaari ba tayong manumpa na gamit ang
pangalan ng Diyos sa pamaraang may paggalang? |
| |
S. |
Oo, kapag hinihingi ito ng pamahalaan sa mga
nasasakupan nito, o kung hinihingi ng pagkakataon, upang
mapanatili at pag-ibayuhin ang katapatan at katotohanan, para sa
kaluwalhatian ng Diyos at ikabubuti ng ating kapwa. Ang ganitong
panunumpa ay nababatay sa Salita ng Diyos 1 At
samakatuwid ay ginamit nga ng tama ng mga banal sa Luma at Bagong
Tipan. 2 |
| |
1 |
Deuteronomio 6:13; 10:20; Jeremias 4:1, 2;
Hebreo 6:16 |
| |
2 |
Genesis 21:24; 31:53; Josue 9:15; 1 Samuel
24:22; 1 Hari 1:29, 30; Roma 1:9; 2 Corinto 1:23 |
| |
|
|
|
102. |
T. |
Maaari rin ba tayong manumpa sa pamamagitan ng
mga santo o ng ibang nilalang? |
| |
S. |
Hindi. Ang makatuwirang panunumpa ay pagtawag
sa Diyos, na Siyang tanging nakakakilala ng puso, na magpatotoo sa
katotohanan at parusahan ako kapag ako’y nanumpa ng mali. 1
Walang nilalang ang karapat-dapat sa ganitong karangalan. 2 |
| |
1 |
Roma 9:1; 2 Corinto 1:23 |
| |
2 |
Mateo 5:34-37; 23:16-22; Santiago 5:12 |
ARAW NG PANGINOON XXXVIII
|
103. |
T. |
Ano ang hinihingi ng Diyos sa ikaapat na utos? |
| |
S. |
Una, na ang ministeryo ng ebanghelyo at ng mga
paaralan ay mapanatili, 1 at lalong-lalo na sa
araw ng pamamahinga na ako’y buong sigasig na dadalo sa iglesya
ng Diyos 2 upang pakinggan ang Salita ng Diyos, 3
gamitin ang mga sakramento, 4 lantarang tumawag
sa Panginoon 5 at magbigay ng mga Kristiyanong
tulong para sa maralita. 6 Pangalawa, na sa
lahat ng araw ng aking buhay ako’y mamahinga sa aking masasamang
gawain at hayaang kumilos ang Panginoon sa pamamagitan ng Banal na
Espiritu at ng sa gayon masimulan sa buhay na ito ang walang
hanggang sabbath. 7 |
| |
1 |
Deuteronomio 6:4-9; 20-25; 1 Corinto 9:13, 14;
2 Timoteo 2:2; 3:13-17; Tito 1:5 |
| |
2 |
Deuteronomio 12:5-12; Awit 40:9, 10; 68:26;
Gawa 2:42-47; Hebreo 10:23-25 |
| |
3 |
Roma 10:14-17; 1 Corinto 14:26-33; 1 Timoteo
4:13 |
| |
4 |
1 Corinto 11:23, 24 |
| |
5 |
Colosas 3:16; 1 Timoteo 2:1 |
| |
6 |
Awit 50:14; 1 Corinto 16:2; 2 Corinto 8 at 9 |
| |
7 |
Isaias 66:23; Hebreo 4:9-11 |
ARAW NG PANGINOON XXXIX
|
104. |
T. |
Ano ang hinihingi ng Diyos sa ikalimang utos? |
| |
S. |
Na ipamalas ko ang paggalang, pag-ibig at
katapatan sa aking ama at ina at sa lahat ng mga may kapangyarihan
sa akin, magpasakop ng may nararapat na pagsunod sa kanilang
mabuting tuntunin at pagtutuwid, 1 At pati na
rin ang pagtitiyaga sa kanilang kahinaan at kakulangan 2
Dahil kalooban ng Diyos na tayo’y pangasiwaan sa pamamagitan ng
kanilang kamay. 3 |
| |
1 |
Exodo 21:17; Kawikaan 1:8; 4:1; Roma 13:1, 2;
Efeso 5:21, 22; 6:1-9; Colosas 3:18-4:1 |
| |
2 |
Kawikaan 20:20; 23:22; 1 Pedro 2:18 |
| |
3 |
Mateo 22:21, Roma 13:1-8; Efeso 6:1-9; Colosas
3:18-21 |
ARAW NG PANGINOON XL
|
105. |
T. |
Ano ang hinihingi ng Diyos sa ika-anim na utos? |
| |
S. |
Na hindi ko ilalagay sa kahihiyan, kamumuhian,
sasaktan, o papatayin ang aking kapwa sa isip, sa salita, o sa
pag-amba, at lalo na sa paggawa, sa pamamagitan ko man o ng iba; 1
sa halip, isasantabi ko ang lahat ng pagnanasang maghiganti. 2
Higit pa rito, hindi ko rin sasaktan o ilalagay sa panganib ang
aking sarili dahil sa kakulangan ng pag-iingat.3
Kung kaya ang pamahalaan din ay nasasandatahan upang pigilan ang
pagpatay. 4 |
| |
1 |
Genesis 9:6; Levitico 19:17, 18; Mateo 5:21,
22; 26:52 |
| |
2 |
Kawikaan 25:21, 22; Mateo 18:35; Roma 12:19;
Efeso 4:26 |
| |
3 |
Mateo 4:7; 26:52; Roma 13:11-14 |
| |
4 |
Genesis 9:6; Exodo 21:14; Roma 13:4 |
| |
|
|
|
106. |
T. |
Ang utos bang ito ay tumutukoy lamang sa
pagpatay? |
| |
S. |
Sa pagbabawal sa pagpatay itinuturo ng Diyos sa
atin na kinamumuhian niya ang ugat ng pagpatay, tulad ng inggit,
pagkamuhi, galit, at pagnanasang maghiganti,1 At
itinuturing Niya ang lahat ng ito bilang pagpatay. 2 |
| |
1 |
Kawikaan 14:30; Roma 1:29; 12:19; Galacia
5:19-21; Santiago 1:20; 1 Juan 2:9-11 |
| |
2 |
1 Juan 3:15 |
| |
|
|
|
107. |
T. |
Ngunit ito lang ba ang hinihingi: na hindi lang
natin patayin ang ating kapwa? |
| |
S. |
Hindi. Nang kinondena ng Diyos ang inggit,
pagkamuhi, at galit, iniuutos rin Niya sa atin na ibigin natin ang
ating kapwa tulad ng sa sarili,1 magpakita ng
pagtitiis, kapayapaan, kaamuhan, kaawaan, at pakikipagkaibigan sa
ating kapwa 2 Ingatan ang ating kapwa mula sa
sakuna sa abot ng ating makakaya, at gawan ng mabuti pati na ang
ating mga kaaway.3 |
| |
1 |
Mateo 7:12; 22:39; Roma 12:10 |
| |
2 |
Mateo 5:5; Lukas 6:36; Roma 12:10, 18; Galacia
6:1, 2; Efeso 4:2; Colosas 3:12; 1 Pedro 3:8 |
| |
3 |
Exodo 23:4, 5; Mateo 5:44, 45; Roma 12:20 |
ARAW NG PANGINOON XLI
|
108. |
T. |
Ano ang itinuturo sa atin ng ika-pitong utos? |
| |
S. |
Na ang lahat ng karumihang sekswal ay sinusumpa
ng Diyos. 1 Kung kaya nararapat natin itong
kamuhian ng buong puso 2 at mamuhay tayo ng
malinis at disiplinadong buhay sa loob man ng banal na samahan ng
mag-asawa o hindi.3 |
| |
1 |
Levitico 18:30; Efeso 5:3-5 |
| |
2 |
Judas 22, 23 |
| |
3 |
1 Corinto 7:1-9; 1 Tesalonica 4:3-8; Hebreo 13:4 |
| |
|
|
|
109. |
T. |
Ang Diyos ba sa utos na ito ay nagbabawal sa
pangangalunya lamang at anumang nakakahiyang kasalanang katulad
nito? |
| |
S. |
Dahil tayo, sa katawan at kaluluwa, ay templo
ng Banal na Espiritu, kalooban ng Diyos na panatilihin natin ang
ating sarili na dalisay at banal. Kaya nga ipinagbabawal Niya ang
lahat ng maruruming pagkilos, pagpapahiwatig, pananalita,
pag-iisip, pagnanasa1 At anumang maaaring
magtukso sa atin sa karumihan. 2 |
| |
1 |
Mateo 5:27-29; 1 Corinto 6:18-20; Efeso 5:3, 4 |
| |
2 |
1 Corinto 15:33; Efeso 5:18 |
ARAW NG PANGINOON XLII
|
110. |
T. |
Ano ang ipinagbabawal ng Diyos sa ika-walong
utos? |
| |
S. |
Ipinagbabawal ng Diyos hindi lamang ang
tahasang pagnanakaw 1 at panloloob na
pinarurusahan ng pamahalaan, 2 Kundi tinuturing
ng Diyos na pagnanakaw rin ang lahat ng masamang pakana at
pamaraan, na kung saan ay ninanais nating angkinin ang pag-aari ng
ating kapwa, sa pamamagitan man ng puwersa o panlilinlang, 3
tulad ng di tamang panimbang, 4 haba, panukat, 5
huwad na paninda o pera, at labis na patubo 6 O
anumang pamaraan na ipinagbabawal ng Diyos; pati na rin ang lahat
ng pagiimbot 7 At ang maling paggamit at
pag-aksaya sa kanyang mga kaloob. 8 |
| |
1 |
1 Corinto 6:10 |
| |
2 |
1 Corinto 5:10 |
| |
3 |
Lukas 3:14; 1 Tesalonica 4:6 |
| |
4 |
Kawikaan 11:1; 16:11 |
| |
5 |
Ezekiel 45:9-10; Deuteronomio 25:13-15. |
| |
6 |
Awit 15:5; Lukas 6:35 |
| |
7 |
1 Corinto 6:10 |
| |
8 |
Kawikaan 5:10; 1 Timoteo 6:10; 1 Juan 6:12 |
| |
|
|
|
111. |
T. |
Ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo sa utos na
ito? |
| |
S. |
Dapat kong pagibayuhin ang kabutihan ng aking
kapuwa sa abot ng aking makakaya saan man at kailan man, makitungo
ako sa kanya kung paano ko ninanais na pakitunguhan ako ng iba, at
magtrabaho ng tapat ng sa gayon ay makatulong ako sa mga
nangangailangan. 1 |
| |
1 |
Isaias 58:5-10; Mateo 7:12; Galacia 6:9, 10;
Efeso 4:28 |
ARAW NG PANGINOON XLIII
|
112. |
T. |
Ano ang hinihingi ng ika-siyam na utos? |
| |
S. |
Na ako ay hindi dapat magbigay ng maling
patotoo laban kaninuman, baluktutin ang salita ng iba,
makipagtsismisan o manirang-puri, o magkondena o sumali sa
paghatol kaninuman ng madalian at hindi napapakinggan man lang. 1
Sa halip, dapat kong iwasan ang lahat ng pagsisinungaling at
paglilinlang na siyang gawain mismo ng diyablo, kapalit ng
matinding poot ng Diyos. 2 Sa hukuman o saan pa
man, dapat kong ibigin ang katotohanan, 3
Salitain at ipahayag ito ng tapat, at gawin ang abot ng aking
makakaya upang ipagsanggalang at pagibayuhin ang karangalan at
reputasyon ng aking kapwa. 4 |
| |
1 |
Awit 15; Kawikaan 19:5, 9; 21:28; Mateo 7:1;
Lukas 6:37; Roma 1:28-32 |
| |
2 |
Levitico 19:11, 12; Kawikaan 12:22; 13:5; Juan
8:44; Apokalipsis 21:8 |
| |
3 |
1 Corinto 13:6; Efeso 4:25 |
| |
4 |
1 Pedro 3:8, 9; 4:8 |
ARAW NG PANGINOON XLIV
|
113. |
T. |
Ano ang hinihingi ng ika-sampung utos sa atin? |
| |
S. |
Na ang kaliit-liitan mang kaisipan o pagnanasa
na salungat sa anumang kautusan ng Diyos ay hindi dapat umusbong
sa ating puso. Sa halip, dapat lagi nating kamuhian ang lahat ng
kasalanan ng buong puso, at malugod tayo sa lahat ng katuwiran. 1 |
| |
1 |
Awit 19:7-14; 139:23, 24; Roma 7:7, 8 |
| |
|
|
|
114. |
T. |
Ngunit kaya ba ng mga nagbalik-loob sa Diyos na isakatuparan
ang mga utos na ito ng ganap? |
| |
S. |
Hindi. Sa buhay na ito, maging ang pinakabanal
ay mayroon lamang bahagyang panimula ng pagsunod na ito. 1
Gayunpaman, may taimtim na layuning sinisimulan nilang mamuhay
hindi lamang ayon sa ilan kundi ayon sa lahat ng utos ng Diyos. 2 |
| |
1 |
Eclesiastes. 7:20; Roma 7:14, 15; 1 Corinto
13:9; 1 Juan 1:8 |
| |
2 |
Awit 1:1, 2; Roma 7:22-25; Filipos 3:12-16 |
| |
|
|
|
115. |
T. |
Kung sa buhay na ito ay walang sinumang ganap
na makatutupad sa sampung utos, bakit ninanais pa ng Diyos na
ipangaral ito ng napakahigpit? |
| |
S. |
Una, upang sa tanang ating buhay ay
lubos-lubusan nating mamalayan ang ating makasalanang kalikasan,
at dahil dito ay mas may panananabik tayong hanapin ang
kapatawaran ng kasalanan at katuwiran kay Cristo. 1
Pangalawa, upang tayo ay mas maging masigasig sa mabubuting gawa
at patuloy na manalangin para sa biyaya ng Banal na Espiritu, na
tuloy-tuloy Niya tayong baguhin sang-ayon sa wangis ng Diyos
hanggang sa katapusan ng buhay na ito ay matamo natin ang
nilalayong kaganapan. 2 |
| |
1 |
Awit 32:5; Roma 3:19-26; 7:7, 24, 25; 1 Juan
1:9 |
| |
2 |
1 Corinto 9:24; Filipos 3:12-14; 1 Juan 3:1-3 |
ARAW NG PANGINOON XLV
|
116. |
T. |
Bakit kinakailangan ang panalangin para sa mga
Kristiyano? |
| |
S. |
Sapagkat ang panalangin ay ang pinakamahalagang
bahagi ng pasasalamat na hinihingi ng Diyos sa atin. 1 Higit
pa dito, ibibigay ng Diyos ang Kanyang biyaya at ang Banal na
Espiritu doon lamang sa mga nagpapatuloy at may taos-pusong
pag-asa na humihingi sa Kanya ng mga kaloob na ito at
nagpapasalamat sa Kanya para sa mga ito. 2 |
| |
1 |
Awit 50:14, 15; 116:12-19; 1 Tesalonica 5:16-18 |
| |
2 |
Mateo 7:7, 8; Lukas 11:9-13 |
| |
|
|
|
117. |
T. |
Ano ang kalakip ng panalanging kalugod-lugod sa
Diyos at Kanyang pinapakinggan? |
| |
S. |
Una, dapat mula sa puso tayong tumawag sa nag-iisang
tunay na Diyos lamang, na Siyang nagpahayag ng Kaniyang sarili sa
Kaniyang Salita, para sa lahat ng iniutos Niya sa ating
ipanalangin.1 Pangalawa, kinakailangnang lubus-lubusan
nating kilalanin ang ating pangangailangan at kapighatian, ng sa
gayon ay magpakumbaba tayo sa harapan ng Diyos. 2
Pangatlo, dapat tayong manangan sa matibay na sandigang ito na,
kahit hindi tayo karapat-dapat, ang Diyos ay tiyak na papakinggan
ang ating panalangin alang-alang kay Cristo na ating Panginoon,
tulad ng Kanyang ipinangako sa atin sa Kanyang Salita. 3 |
| |
1 |
Awit 145:18-20; Juan 4:22-24; Roma 8:26, 27;
Santiago 1:5; 1 Juan 5:14, 15; Apokalipsis 19:10 |
| |
2 |
2 Cronica 7:14; 20:12; Awit 2:11; 34:18; 62:8;
Isaias 66:2; Apokalipsis 4 |
| |
2 |
Daniel 9:17-19; Mateo 7:8; Juan 14:13, 14;
16:23; Roma 10:13; Santiago 1:6 |
| |
|
|
|
118. |
T. |
Ano ang iniutos ng Diyos sa atin na hilingin sa
Kanya? |
| |
S. |
Lahat ng bagay na kailangan ng katawan at
kaluluwa. 1 Na napapaloob sa panalanging itinuro sa
atin mismo ni Cristong ating Panginoon. |
| |
1 |
Mateo 6:33; Santiago 1:17 |
| |
|
|
|
119. |
T. |
Ano ang panalangin ng Panginoon? |
| |
S. |
Ama naming nasa langit, sambahin ang ngalan Mo.
Dumating nawa ang kaharian Mo, mangyari nawa ang Iyong kalooban,
dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw; at patawarin Mo kami sa aming mga utang,
tulad ng pagpapatawad namin sa mga may utang sa amin; at huwag Mo
kaming iadya sa tukso kundi iligtas Mo kami sa masama. Sapagkat sa
Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian,
magpakailan man. Siya nawa. 1 |
| |
1 |
Mateo 6:9-13; Lukas 11:2-4 |
ARAW NG PANGINOON XLVI
|
120. |
T. |
Bakit inutusan tayo ni Kristo na tawagin ang
Diyos na ating Ama? |
| |
S. |
Upang pukawin sa atin sa simula pa lamang ng
ating panalangin ang paggalang at pagtitiwala sa Diyos na tulad ng
sa isang bata na siyang nararapat na maging saligan ng ating
pananalangin: Ang Diyos ay naging ating Ama sa pamamagitan ni
Kristo at lalong hindi Niya ipagkakait sa atin ang hihilingin
natin sa Kanya sa pananampalataya na kung paanong hindi rin
ipinagkakait sa atin ng ating mga ama sa laman ang mga bagay sa
mundong ito. 1 |
| |
1 |
Mateo 7:9-11; Lukas 11:11-13. 121. |
| |
|
|
|
121. |
T. |
Bakit idinagdag ang, na nasa langit? |
| |
S. |
Ang mga katagang ito ay nagtuturo sa atin na
hindi natin dapat pag-isipan ang makalangit na karingalan ng Diyos
sa makamundong pamaraan, 1 At asahan mula sa
Kanyang makapangyarihang lakas ang lahat ng ating kinakailangan
para sa katawan at kaluluwa. 2 |
| |
1 |
Jeremias 23:23, 24; Gawa 17:24, 25 |
| |
2 |
Mateo 6:25-34; Roma 8:31, 32 |
ARAW NG PANGINOON XLVII
|
122. |
T. |
Ano ang unang pagsamo? |
| |
S. |
Sambahin nawa ang ngalan Mo. Iyon ay:
ipagkaloob Mo sa amin una sa lahat na makilala ka namin ng tama. 1
At sagraduhin, luwalhatiin, at purihin Ka sa lahat ng
Iyong mga gawa, kung saan ay nagliliwanag ang Iyong
makapangyarihang lakas, karunungan, kabutihan, katuwiran, kaawaan
at katotohanan. 2 Ipagkaloob Mo rin sa amin na
maituon namin sa ganito ang aming buong buhay – ang aming
pag-iisip, salita at mga gawa – ng ang Iyong pangalan ay hindi
malapastangan ng dahil sa amin sa halip ay laging maparangalan at
purihin. 3 |
| |
1 |
Jeremias 9:23, 24; 31: 33, 34; Mateo 16:17;
Juan 17:3 |
| |
2 |
Exodo 34:5-8; Awit 145; Jeremias 32:16-20;
Lukas 1:46-55, 68-75; Roma 11: 33-36 |
| |
3 |
Awit 115:1; Mateo 5:16 |
ARAW NG PANGINOON XLVIII
|
123. |
T. |
Ano ang ikalawang pagsamo? |
| |
S. |
Dumating nawa ang kaharian Mo na ang ibig
sabihi’y: pagharian Mo kami sa pamamagitan ng Iyong Salita at
Espiritu ng kami ay mas lalo pang magpasakop sa Iyo. 1 Ingatan
at palaguhin ang Iyong iglesiya. 2 Wasakin ang
mga gawa ng diyablo, bawat kapangyarihang nag-aaklas laban sa Iyo,
at bawat pakikipagsabwatan laban sa Iyong banal na Salita. 3
Pangyarihin ang lahat ng ito hanggang ang kabuuhan ng
Iyong kaharian ay dumating na kung saan Ikaw ay magiging lahat sa
lahat. 4 |
| |
1 |
Awit 119:5, 105; 143:10; Mateo 6:33 |
| |
2 |
Awit 51:18; 122:6-9; Mateo 16:18; Gawa 2:42-47 |
| |
3 |
Roma 16:20; 1 Juan 3:8 |
| |
4 |
Roma 8:22, 23; 1 Corinto 15:28; Apokalipsis 22:
17, 20 |
ARAW NG PANGINOON XLIX
|
124. |
T. |
Ano ang ikatlong pagsamo? |
| |
S. |
Mangyari nawa ang Iyong kalooban, dito sa lupa
tulad ng sa langit na ang ibig sabihin ay: Ipagkaloob Mo na kami
at ang lahat ng mga tao ay tumanggi sa aming sariling kalooban, at
walang kahit anong reklamo na sumunod sa Iyong kalooban, sapagkat
ito lamang ang mabuti.1 Ipagkaloob Mo rin na
maisakatuparan ng bawat isa ang kani-kaniyang tungkulin at
pagkatawag2 na kasing luwag sa kalooban at
kasing tapat ng sa mga anghel sa langit.3 |
| |
1 |
Mateo 7:21; 16:24-26; Lukas 22:42; Roma 12:1,
2; Tito 2:11, 12 |
| |
2 |
1 Corinto 7:17-24; Efeso 6:5-9 |
| |
3 |
Awit 103:20, 21 |
ARAW NG PANGINOON L
|
125. |
T. |
Ano ang ika-apat na pagsamo? |
| |
S. |
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakainin sa
araw-araw na ang ibig sabihin ay: Ipagkaloob Mo sa amin ang lahat
ng aming pangangailangang pangkatawan 1 ng sa
gayon kilalanin namin na Ikaw lamang ang tanging pinagmumulan ng
lahat ng mabubuting bagay. 2 At na ang aming
pag-iingat at pagsisikap, at pati na ang Iyong mga kaloob, ay
hindi makagagawa ng kabutihan sa amin ng wala ang Iyong
pagbabasbas. 3 Kung kaya’t ipagkaloob Mo sa
amin na talikuran namin ang pagtitiwala sa lahat ng mga nilikha at
ilagak lamang ito sa Iyo. 4 |
| |
1 |
Awit 104:27-30; 145:15, 16; Mateo 6:25-34 |
| |
2 |
Gawa 14:17; 17:25; Santiago 1:17 |
| |
3 |
Deuteronomio 8:3; Awit 37:16; 127:1, 2; 1
Corinto 15:58 |
| |
4 |
Awit 55:22; 62; 146; Jeremias 17:5-8; Hebreo
13:5, 6 |
ARAW NG PANGINOON LI
|
126. |
T. |
Ano ang ikalimang pagsamo? |
| |
S. |
"At patawarin Mo kami sa aming mga utang,
tulad ng pagpapatawad namin sa mga may utang sa amin," na ang
ibig sabihin ay: Alang-alang sa dugo ni Cristo, huwag Mong ibilang
sa aming mga hamak na makasalanan ang anumang pagsalansang o
kasamaang nananatili pa sa amin 1 kung papaanong
nakikita namin ang patotoong ito ng Iyong biyaya sa aming sarili
kung kaya kami ay puspusang nagpapasiya na taos-pusong magpatawad
sa aming kapuwa. 2 |
| |
1 |
Awit 51:1-7; 143:2; Roma 8:1; 1 Juan 2:1, 2 |
| |
2 |
Mateo 6:14, 15; 18:21-35 |
ARAW NG PANGINOON LII
|
127. |
T. |
Ano ang ika-anim na pagsamo? |
| |
S. |
"At huwag Mo kaming iadya sa tukso kundi
iligtas Mo kami sa masama" na ang ibig sabihin ay: Sa ganang
aming sarili, kami ay napakahina kung kaya’t hindi kami
makapanindigan kahit isang saglit 1 Higit pa
rito, ang aming mga kinikilalang kaaway - - ang diyablo, 2
Ang kamunduhan, 3 At ang aming sariling kalamnan
4 -- ay hindi tumitigil sa pag-atake laban sa
amin. Dahil dito, loobin Mo nawang katigan kami’t palakasin sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong Banal na Espiritu, ng sa
gayon sa espirituwal na pakikibakang ito 5 Hindi
kami malugmok sa pagkatalo, kundi parating matatag naming
mapaglabanan ang aming mga kaaway, hanggang sa wakas ay
mapasa-amin ang ganap na tagumpay. 6 |
| |
1 |
Awit 103:14-16; Juan 15:1-5 |
| |
2 |
2 Corinto 11:14; Efeso 6:10-13; 1 Pedro 5:8 |
| |
3 |
Juan 15:18-21 |
| |
4 |
Roma 7:23; Galacia 5:17 |
| |
5 |
Mateo 10:19, 20; 26:41; Marcos 13:33; Roma
5:3-5 |
| |
6 |
1 Corinto 10:13; 1 Tesalonica 3:13; 5:23 |
| |
|
|
|
128. |
T. |
Paano mo tinatapos ang iyong panalangin? |
| |
S. |
"Sapagkat sa Iyo ang kaharian, at ang
kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man" na ang
ibig sabihin ay: Ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa Iyo dahil
Ikaw bilang aming hari na may kapangyarihan sa lahat ng bagay ay
nagnanais at kayang-kayang magkaloob sa amin ng lahat ng mabuti. 1
At dahil hindi kami kundi ang Iyong banal na pangalan ang
nararapat tumanggap ng lahat ng kaluwalhatian magpasawalang
hanggan. 2 |
| |
1 |
Roma 10:11-13; 2 Pedro 2:9 |
| |
2 |
Awit 115:1; Jeremias 33:8, 9; Juan 14:13 |
| |
|
|
|
129. |
T. |
Ano ang ibig sabihin ng "Amen"? |
| |
S. |
Ang ibig sabihin ng "Amen" ay ito ay
totoo at tiyak. Sapagkat mas tiyak na pinakinggan ng Diyos ang
aking panalangin kay sa aking nararamdamang pagnanais na makamtan
ito mula sa Kanya. 1 |
| |
1 |
Isaias 65:24; 2 Corinto 1:20; 2 Timoteo 2:13
Para sa
karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito |
|
|