Lucas 1
1. Kanino nagpakita si anghel Gabriel?
Kay Zacarias sa templo.
2. Ano ang sinabi ng anghel kay Zacarias?
Sinabi sa kanya ng anghel na magkaka-anak siya ng lalaki.
3. Ano ang inutos na ipangalan ni Zacarias sa kanyang anak?
Sinabi kay Zacarias na tawagin siyang Juan.
4. Bakit hindi pinaniwalaan ni Zacarias ang anghel?
Dahil siya at si Elisabeth ay napakatanda na.
5. Paano pinarusahan si Zacarias dahil sa hindi niya paniniwala sa anghel?
Hindi siya makakapagsalita at makakarinig hanggang ipanganak si Juan.
6. Bakit napakabigat na parusa ito kay Zacarias?
Hindi masabi ni Zacarias ang balitang dala ng anghel.
7. Ano ang ginawa ni Zacarias nang makapagsalita na siya?
Pinuri niya ang Diyos dahil sa napakahalagang batang binigay sa kanya.
8. Ano ang napakahalaga tungkol kay Juan na Tagapagbautismo?
Tinawag siya upang ihanda ang daan ng darating nating Tagapagligtas.
9. Paano inihanda ni Juan ang daan?
Sinabihan ni Juan ang mga tao na magsisi at hanapin ang ipinangakong Tagapagligtas.
10. Bakit tinawag si Juan na "Ang Tagapagbautismo"?
Dahil binautismuhan ni Juan ang mga nagsisi at sumampalataya sa dumarating na Tagapagligtas.
Memory Project: "Narito, sinusugo ko ang aking sugo upang ihanda ang daan sa unahan ko." Malakias 3:1
Lucas 1
1. Sino ang iyong Tagapagligtas?
Si Jesus, na ang pangalan ay nangangahulugang Tagapagligtas.
2. Bakit Siya tinawag na Jesus, na ang ibig sabihin ay Tagapagligtas?
Dahil ililigtas Niya ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.
3. Sino ang sinugo upang ipahayag ang kapanganakan ni Jesus?
Ang anghel na si Gabriel na sinugo mula sa langit.
4. Kanino sinugo si Gabriel?
Kay Maria, na mula sa makaharing angkan ni David.
5. Ano ang sinabi ni anghel Gabriel kay Maria?
Na siya ang magiging ina ni Jesus.
6. Ano pa ang sinabi ni Gabriel kay Maria?
Na si Jesus ang Anak ng Diyos, na ipapanganak na katulad natin.
7. Bakit nagtungo si Maria kay Elisabeth?
Sinabihan ng anghel si Maria na si Elisabeth ay magkakaroon ng anak na lalaki.
8. Ano ang nangyari nang makita ni Elisabeth si Maria?
Gumalaw sa tuwa ang sanggol na si Juan sa kanyang sinapupunan.
9. Gaano katagal nanatiling kasama ni Maria si Elisabeth?
Tatlong buwan, hanggang ipanganak si Juan.
10. Paano ipinakita ni Elisabeth ang kanyang tuwa sa pagdating ng Tagapagligtas?
Pinuri niya ang Diyos sa lahat ng kahanga-hanga Niyang gawa.
Memory Project: "Kaya't ang batang banal ay tatawaging Anak ng Diyos." Lucas 1:35
Lucas 2
1. Ano ang nangyari bago isilang si Jesus?
Inutos ni Augusto Cesar na dapat singilin ng buwis ang buong sanlibutan.
2. Bakit itinakda ng Diyos na magawa ang utos na ito?
Nais ng Diyos na isilang si Jesus sa Betlehem.
3. Bakit nais ng Diyos na isilang si Jesus sa Betlehem?
Nais ipakita ng Diyos na si Jesus ay buhat sa makaharing angkan ni David.
4. Bakit isinilang si Jesus sa tirahan ng mga hayop?
Dahil walang silid sa bahay-panuluyan.
5. Ano ang ipinapakita sa atin ng pagkasilang ni Jesus sa tirahan ng mga hayop?
Kinailangan Niyang maging dukha upang tayo ay Kanyang payamanin.
6. Kanino isinugo ng Diyos ang mga anghel upang ipahayag ang kapanganakan ni Jesus?
Sa mga pastol na nagbabantay sa kanilang kawan sa gabi.
7. Ano ang sinabi ng anghel sa mga pastol?
"Ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon."
Lucas 2:11
8. Ano ang ipinahayag ng hukbo ng mga anghel?
"Luwalhati sa Diyos sa kataas-taasan, at sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya." Lucas 2:14
9. Sino pa ang nakaalam ng pagsilang ni Jesus?
Mga pantas na nakita ang bituin ni Jesus sa Silangan.
10. Ano ang ginawa ng mga pantas nang makita nila si Jesus?
Sinamba nila Siya at pinagkalooban ng mga regalo.
Memory Project: "Subalit alang-alang sa inyo ay naging dukha, upang sa pamamagitan ng kanyang kadukhaan ay maging mayaman kayo." 2 Corinto 8:9
Mateo 2, Lucas 2
1. Saan dinala si Jesus ng Kanyang mga magulang pagkapanganak sa Kanya?
Dinala Siya ng Kanyang mga magulang sa templo.
2. Sino ang kumatagpo kay Jesus sa templo?
Si Simeon, na sinabihan na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Tagapagligtas.
3. Ano ang sinabi ni Simeon nang kargahin niya si Jesus?
"Panginoon, ngayon ay hayaan mong ang iyong alipin ay pumanaw na … sapagkat nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas." Lucas 2:29, 30
4. Sino pa ang dumating sa templo noong panahon ding iyon?
Si Ana, isang propetesa mula sa angkan ni Aser, na napakatanda na.
5. Ano ang ginawa ni Ana nang makita niya si Jesus?
Pinasalamatan niya ang Diyos sa pagdating ng Tagapagligtas.
6. Paano natuklasan ni haring Herodes ang kapanganakan ni Jesus?
Dumating ang mga pantas na hinahanap ang hari ng mga Judio.
7. Ano ang ginawa ni Herodes nang hindi na bumalik sa kanya ang mga pantas?
Pinatay ni Herodes lahat ng mga sanggol sa Betlehem na dalawang taon ang gulang pababa.
8. Paano iningatan ng Diyos si Jesus?
Sinabihan ng Diyos si Jose na itakas si Jesus tungong Ehipto.
9. Ano ang ginawa ni Jesus sa templo nang Siya ay labindalawang taong gulang?
Nakipag-usap si Jesus sa mga guro, nagtatanong at sumasagot sa mga mahihirap na tanong.
10. Ano ang sinabi ni Jesus kay Maria nang matagpuan Siya nito roon?
"Hindi ba ninyo nalalaman na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?" Lucas 2:49
Memory Project: "Mula sa Ehipto ay tinawag ko ang aking anak." Mateo 2:15
LESSON 5
Binautismuhan ni Juan si Jesus
Lucas 3, Mateo 3, 4
1. Saan nangaral si Juan na Tagapagbautismo?
Nangaral si Juan sa ilang malapit sa Ilog Jordan.
2. Ano ang kanyang suot?
Nagsuot siya ng damit na gawa sa balahibo ng kamelyo at pambigkis na balat.
3. Ano ang kinain niya?
Kumain siya ng balang at pulot-pukyutan.
4. Bakit siya pinuntahan ng mga tao upang pakinggan?
Nabalitaan ng mga tao na may lumitaw na isang dakilang propeta sa gitna nila.
5. Ano ang ipinangaral ni Juan?
Sinabihan niya ang mga tao na dumating na ang Tagapagligtas.
6. Ano ang pinagawa niya sa mga tao?
Sinabihan niya silang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at hanapin ang Tagapagligtas.
7. Sino ang lumapit kay Juan habang siya’y nangangaral?
Lumapit si Jesus upang magpabautismo kay Juan.
8. Ano ang nangyari nang mabautismuhan si Jesus?
Bumaba sa Kanya ang Espiritu Santo sa anyo ng kalapati.
9. Saan dinala ng Espiritu si Jesus?
Sa ilang upang tuksuhin ng diablo.
10. Ano ang ginawa ni Jesus pagkatapos ng pangatlong panunukso?
Pinalayas Niya si Satanas, at sinabi: "Lumayas ka, Satanas!"
Memory Project: "Lumayas ka, Satanas! sapagkat nasusulat, ‘Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos, at siya lamang ang iyong paglingkuran.’" Mateo 4:10
LESSON 6
Sinimulan ni Jesus ang Kanyang Ministerio
Juan 2, 3
1. Saan nagtungo si Jesus kasama ang anim Niyang alagad?
Nagtungo si Jesus sa isang kasalan sa Cana sa Galilea.
2. Sino ang naroon na kamag-anak ni Jesus?
Naroon si Maria, na ina ni Jesus.
3. Ano ang sinabi ni Maria kay Jesus sa piging?
Sinabi niya sa Kanya na naubos na ang alak nila.
4. Ano ang ipinagawa ni Jesus sa mga lingkod?
Inutusan Niya ang mga lingkod na punuin ang anim na banga ng tubig.
5. Ano ang ginawa ni Jesus pagkatapos niyon?
Ginawang alak ni Jesus ang tubig.
6. Ano ang naging bunga ng unang himala?
Nanalig ang mga alagad na Siya ang ipinangakong Cristo.
7. Saan nagtungo si Jesus pagkatapos niyon?
Nagtungo si Jesus sa Jerusalem upang ipagdiwang ang pista ng Paskuwa.
8. Ano ang ginawa ni Jesus sa Templo?
Gumawa si Jesus ng latigo at pinalabas Niya mula sa Templo ang mga bumibili at nagtitinda roon.
9. Nagalit ba ang mga pinunong Judio dahil dito?
Opo, tinanong nila kung anong karapatan Niya na gawin iyon.
10. Ano ang sinagot ni Jesus sa kanila?
"Gibain ninyo ang templong ito at aking itatayo sa loob ng tatlong araw." Juan 2:19
Memory Project: "Huwag ninyong gawing bahay-pamilihan ang bahay ng aking Ama." Juan 2:16
LESSON 7
Si Jesus sa Balon sa Samaria
Juan 4
1. Saan nagtungo si Jesus mula sa Jerusalem?
Dumaan si Jesus sa Samaria patungong Galilea.
2. Sino ang nakatagpo ni Jesus sa balon sa Samaria?
Nakatagpo Niya ang isang babaeng Samaritana na nag-iigib ng tubig.
3. Ano ang hiningi ni Jesus sa babae?
Sinabi Niya, "Bigyan mo ako ng inumin."
4. Ano ang sinabi ni Jesus sa babae?
Sinabi Niya sa kanya na Siya ang Tubig ng buhay.
5. Ano ang kahulugan nito?
Nangangahulugan ito na Siya ang Tagapagligtas na dumating upang iligtas tayo sa kasalanan at kamatayan.
6. Ano ang ginawa ni Jesus habang nakikipag-usap sa babae?
Kumilos Siya sa Kanya upang sampalatayanan Siya bilang kanyang Tagapagligtas.
7. Ano ang ginawa ng babae pagkatapos niyon?
Pumunta siya sa lunsod at tinawag ang iba upang pakinggan si Jesus.
8. Niligtas din ba ni Jesus ang iba na taga-lunsod?
Opo, marami ang sumampalataya sa Kanya bilang kanilang Tagapagligtas.
9. Ano ang ipinakita nito sa Kanyang mga alagad?
Ipinakita nito na titipunin ng Diyos ang Kanyang bayan mula sa mga Hentil.
10. Ilang araw tumigil si Jesus sa Samaria?
Nanatili si Jesus nang dalawang araw, pagkatapos ay nagtungo sa Galilea.
Memory Project: "Ang aking kaluluwa ay nauuhaw sa Diyos, sa buhay na Diyos." (Awit 42:2)
LESSON 8
Nangaral si Jesus sa Galilea
Juan 4, Lucas 4
1. Natuwa ba ang mga Judio nang makita nila si Jesus sa Galilea?
Opo, dahil nais pa nilang makakita ng mga himala.
2. Anong pangalawang himala ang ginawa ni Jesus sa Cana?
Pinagaling ni Jesus ang anak ng isang pinuno, na malubha ang sakit.
3. Saan nakatira ang pinuno?
Nakatira ang pinuno sa Capernaum, dalawampung milya ang layo.
4. Paano pinagaling ni Jesus ang anak?
Sinabi lamang ni Jesus ang salita, at ang anak ay gumaling.
5. Saan nagtungo si Jesus mula sa Cana?
Nagtungo si Jesus sa Nazareth, kung saan Siya lumaki.
6. Ano ang tinuro ni Jesus sa mga tao roon?
Sinabi Niya sa kanila na Siya ang ipinangakong Cristo, na tinutukoy ni propeta Isaias.
7. Sinampalatayanan ba ng mga taga-Nazareth si Jesus?
Hindi po, hindi sila sumampalataya na Siya ang ipinangakong Cristo.
8. Bakit nagalit ang mga tao kay Jesus?
Dahil sinabi Niya sa kanila na dadalhin ang ebanghelyo sa mga Hentil.
9. Ano ang ginawa ng mga tao nang marinig nila ito?
Sinikap nilang ihulog si Jesus mula sa taluktok ng burol.
10. Paano nakatakas sa kanila si Jesus?
Dumaan si Jesus sa gitna nila, at wala man lang nakahipo sa Kanya.
Memory Project: "Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, sapagkat ako'y hinirang niya upang ipangaral ang magandang balita sa mga dukha." (Lucas 4:18)
LESSON 9
Juan 5
1. Bakit muling nagtungo si Jesus sa Jerusalem?
Nagtungo si Jesus upang ipagdiwang ang isang kapistahan sa Jerusalem.
2. Saan nagtungo si Jesus sa araw ng Sabbath?
Nagtungo si Jesus sa tipunan ng tubig sa Bethesda, kung saan maraming taong maysakit.
3. Bakit nasa tipunan ng tubig ang mga taong ito na maysakit?
Kapag kinalawkaw ng anghel ang tubig, ang taong unang lumusong sa tubig ay gumagaling.
4. Sino ang kinausap ni Jesus sa tipunan ng tubig?
Isang lalaking lumpo sa loob ng 38 taon.
5. Ano ang inilalarawan ng lalaking ito?
Siya ay naglalarawan sa atin na mga walang kakayahan dahil sa ating mga kasalanan.
6. Ano ang sinabi ni Jesus sa lalaki?
"Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka."
7. Natuwa ba ang mga Fariseo dahil gumaling ang lalaki?
Hindi po, nagalit sila sa pagbubuhat niya ng higaan sa araw ng Sabbath.
8. Ano ang sinabi nila nang marinig nilang pinagaling ni Jesus ang lalaki?
Sinabi nila na nilabag ni Jesus ang Sabbath.
9. Ano ang tinuturo ni Jesus sa atin sa himalang ito?
Tinuturo Niya sa atin na Siya lamang ang makapagbibigay sa atin ng kapahingahan.
Memory Project: "Kaya’t ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Sabbath." (Marcos 2:28)
Lucas 8
1. Ano ang nangyari nang tawirin ni Jesus at ng mga alagad ang dagat ng Galilea?
Nagkaroon ng malakas na unos sa dagat.
2. Bakit natakot ang mga alagad?
Natakot sila na baka lumubog ang bangka.
3. Ano ang ginagawa ni Jesus habang umuunos?
Mahimbing na natutulog si Jesus sa bangka.
4. Ano ang ginawa ni Jesus nang gisingin siya ng kanyang mga alagad?
Inutusan Niya ang hangin na tumahimik at ang dagat na pumayapa.
5. Ano ang tinuro ni Jesus sa mga alagad sa pamamagitan ng unos na ito?
Tinuruan Niya sila na palagi silang ligtas kapag Siya ay kasama nila.
6. Sino ang sumalubong kay Jesus sa kabila ng dagat?
Dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo. Mateo 8:28
7. Ano ang pinagawa ni Jesus sa mga demonyong ito?
Lumabas sa mga lalaking ito.
8. Ano ang nangyari nang pahintulutan ni Jesus ang mga demonyo na lumipat sa mga baboy sa tabi ng burol?
Lumusong ang mga baboy na ito sa dagat at nalunod.
9. Ano ang tinuturo ni Jesus sa kapangyarihan Niyang ito sa ibabaw ng mga demonyo?
Tinuturo Niya sa atin na kahit mga demonyo ay walang magagawa maliban sa kapangyarihang ibigay sa kanila ng Diyos.
10. Nanalig ba ang mga Gadareno kay Jesus nang makita nila ang mga tandang ito ng Kanyang kapangyarihan?
Hindi po, mas mahalaga pa sa kanila ang kanilang mga baboy kaysa kay Jesus.
Memory Project: "Anong uring tao ito na maging ang mga hangin at ang dagat ay sumusunod sa kanya?" Mateo 8:27b
Juan 6
1. Anong himala ang ginawa ni Jesus sa ilang malapit sa Capernaum?
Pinakain ni Jesus ang limang libong lalaki, maliban pa sa mga babae at mga bata.
2. Bakit ito isang dakilang himala?
Pinakain sila ni Jesus mula sa limang piraso ng tinapay at dalawang isda, at may natira pang labindalawang basket
na puno.
3. Ano ang tinuro ni Jesus sa pamamagitan ng tandang ito?
Tinuro ni Jesus na Siya ang tunay na Tinapay na nagbuhat sa langit.
4. Ano ang nangyari sa mga alagad kinagabihan?
Nagdala si Jesus ng unos sa dagat, upang hindi sila makaabot sa lupa.
5. Paano sila tinulungan ni Jesus?
Naglakad si Jesus sa dagat papalapit sa kanila, at pinatigil ang unos.
6. Ano ang tinuro ni Jesus sa kanila sa pamamagitan ng tandang ito?
Bagamang dumaan ang iglesia sa maraming unos, palagi nitong kasama si Jesus.
7. Ano ang hiniling ng mga tao kay Jesus kinabukasan?
Hiniling ng mga tao na Siya ay maging kanilang makalupang hari.
8. Ganito ba ang nais ni Jesus?
Hindi po, sinabi Niya sa kanila na ang kaharian Niya ay makalangit.
9. Paano ipinakita ng mga tao na ayaw nila ng gayong kaharian?
Marami ang umalis at hindi na muling sumunod sa Kanya.
10. Ano ang sinagot ng mga alagad kay Jesus nang tanungin Niya sila kung nais din ba nila Siyang iwan?
Sinabi nila, "Panginoon, kanino kami pupunta? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan." Juan 6:68
Memory Project: "Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit." Juan 6:51
LESSON 12
Si Jesus ay Nagbagong-anyo sa Bundok
Mateo 16, 17
1. Ano ang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad sa mga sandaling ito?
Sinabi Niya sa kanila na kailangan Siyang maghirap at mamatay.
2. Ano pa ang sinabi Niya sa kanila?
Sinabi Niya sa kanila na babangon Siyang muli mula sa mga patay.
3. Ano ang nangyari habang nananalangin si Jesus sa bundok?
Nagningning ang mukha ni Jesus na parang araw, at ang Kanyang damit ay singputi ng niyebe.
4. Sinu-sino ang nagpakita kay Jesus doon?
Sina Moises at Elias, na kinausap Siya tungkol sa Kanyang paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay.
5. Ano ang sinabi ng tinig mula sa langit?
Sinabi nito, "Ito ang minamahal kong Anak; sa kanya ako'y lubos na nalulugod. Makinig kayo sa kanya." Mateo 17:5
6. Sino ang nandoon nang mangyari ito?
Tatlo sa mga alagad ni Jesus, sina Pedro, Santiago, at Juan.
7. Anong dakilang himala ang ginawa ni Jesus kinaumagahan?
Pinagaling Niya ang isang batang lalaki na sinapian ng demonyo.
8. Ano ang kapansin-pansin sa himalang ito?
Sinikap ng mga alagad ngunit hindi nila mapagaling ang batang lalaki.
9. Paano tumugon ang ama kay Jesus?
Sinabi niya, "Nananampalataya ako; tulungan mo ang kawalan ko ng pananampalataya!" Marcos 9:24
10. Ano ang tinuturo nito sa atin?
Na walang anumang kasamaan, gaano man ito kalaki, na hindi madadaig ni Jesus.
Memory Project: "Ang lahat ay namangha sa kadakilaan ng Diyos." Lucas 9:43
Juan 8, 9
1. Saan madalas manirahan si Jesus kapag dumadalo Siya sa isang pista sa Jerusalem?
Nanirahan Siya sa tahanan nina Maria, Marta at Lazaro sa Betania.
2. Paano ipinakita ni Marta ang kanyang pagmamahal sa Panginoon?
Kasiyahan ni Marta na ipagluto ng pagkain si Jesus at pagsilbihan Siya.
3. Paano ipinakita ni Maria ang pagmamahal niya sa Panginoon?
Nakinig si Maria kay Jesus habang tinuturuan siya Nito tungkol sa kaharian ng langit.
4. Ano ang sinabi ni Jesus tungkol kay Maria?
Sinabi ni Jesus na pinili ni Maria ang mas mabubuting bagay.
5. Ano ang ipinangaral ni Jesus sa templo?
Tinuro ni Jesus sa kanila na Siya ang Tagapagligtas, ang Ilaw ng sanlibutan.
6. Bakit nagalit ang mga pinuno dahil dito?
Natakot sila na talikuran sila ng mga tao, at susunod na kay Jesus.
7. Paano nakatakas si Jesus nang tangkain nila Siyang batuhin?
Lumakad si Jesus sa kalagitnaan nila, at hindi nila Siya makita.
8. Anong himala ang ginawa ni Jesus sa mga oras na ito?
Pinagaling ni Jesus ang isang bulag na nagpapalimos sa pintuan ng templo.
9. Ano ang sinabi ng mga pinuno sa lalaking ito?
Sinabi nilang hindi kailan man naging bulag ang lalaking ito.
10. Ano pa ang ginawa ni Jesus sa lalaking ito?
Binigyan Niya ito ng espiritwal na mata upang makita na si Jesus ang Ilaw ng sanlibutan.
Memory Project: "Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay hindi kailanman lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay." Juan 8:12
LESSON 14
Binuhay ni Jesus si Lazaro mula sa mga Patay
Juan 11
1. Saan nagtungo si Jesus nang tinangka Siyang patayin ng mga Judio?
Nagtungo si Jesus sa Perea, sa kabila ng Jordan.
2. Paano tinuruan ni Jesus ang mga tao roon?
Tinuruan ni Jesus ang mga tao sa pamamagitan ng maraming talinhaga.
3. Banggitin ang tatlong talinhaga na tinuro ni Jesus sa mga panahong ito.
Ang talinhaga ng nawawalang tupa, ng nawawalang pilak, at ng alibughang anak. Lucas 15
4. Sino ang dumating kay Jesus nang Siya’y nasa Perea?
Mga mensaherong nagsabi sa Kanya na ang kaibigan Niyang si Lazaro ay malubha ang sakit.
5. Bakit natatakot ang mga alagad na magtungo si Jesus sa dakong Jerusalem?
Natatakot sila dahil nais patayin ng mga Judio si Jesus.
6. Ano ang sinabi ni Tomas?
"Pumunta rin tayo upang mamatay na kasama niya." Juan 11:16
7. Bakit hinintay pa ni Jesus na mamatay si Lazaro?
Nais ipakita ni Jesus na may kapangyarihan Siyang bumuhay ng mga patay.
8. Ano ang ginawa ni Jesus sa libingan ni Lazaro?
Binuhay ni Jesus si Lazaro sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya.
9. Ano ang tinuro ni Jesus sa dakilang himalang ito?
Tinuturo ni Jesus na may kapangyarihan Siyang dalhin ang Kanyang mga hinirang sa makalangit na kaluwalhatian.
10. Ano ang naging epekto ng himalang ito sa mga pinuno?
Lalong nagsikap ang mga pinuno na patayin si Jesus.
Memory Project: "Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, ay mabubuhay." Juan 11:25
Lucas 18, 19; Juan 12
1. Saan nagtungo si Jesus pagkatapos Niyang buhayin si Lazaro?
Nagtungo si Jesus sa probinsya ng Efraim, hindi kalayuan sa Jerusalem.
2. Anong daan ang nilakbay ni Jesus patungong Jerusalem?
Dumaan si Jesus sa Jerico, kung saan maraming manlalakbay ang dumadaan habang patungo sila sa pista ng Paskuwa.
3. Sino ang nakatagpo ni Jesus sa labas ng Jerico?
Nakatagpo ni Jesus ang bulag na si Bartimeo, na tumawag ng, "Jesus! Anak ni David, maawa ka sa akin."
4. Ano ang ginawa ni Bartimeo nang pagalingin ni Jesus ang kanyang pagkabulag?
Sinundan niya si Jesus, na niluluwalhati ang Diyos.
5. Sino ang umakyat sa puno ng sikamoro upang makita si Jesus?
Si Zaqueo po, isang maniningil ng buwis, na napakayaman.
6. Ano ang sinabi ni Jesus nang lumapit Siya kay Zaqueo?
"Zaqueo, dali ka at bumaba ka; sapagkat kailangang ako'y tumuloy sa bahay mo ngayon."
7. Ano ang inisip ng mga taga-Jerico sa pagpunta ni Jesus sa bahay ni Zaqueo?
Galit na galit sila, dahil galit sila kay Zaqueo, na isang maniningil ng buwis.
8. Paano sinagot ni Jesus ang mga tao?
Sinabi Niya sa kanila na naghahatid Siya ng kaligtasan sa isang tunay na anak ni Abraham.
9. Paano ipinakita ni Maria ang kanyang pananampalataya kay Jesus?
Pinahiran ni Maria ang mga paa ni Jesus ng mamahaling langis.
10. Bakit niya ginawa ito?
Dahil naniniwala siya na mamamatay si Jesus, ngunit mabubuhay ding muli mula sa mga patay.
Memory Project: "Sapagkat ang Anak ng Tao ay dumating upang hanapin at iligtas ang nawala." (Lucas 19:10)
Mateo 21, Lucas 19
1. Ano ang ginawa ni Jesus noong Linggo bago Siya mamatay?
Nagtungo si Jesus sa Jerusalem na nakasakay sa anak ng isang babaeng asno.
2. Ano ang ginawa ng mga tao nang Siya ay makita nila?
Winagayway ng mga tao ang mga dahon ng palma at inilatag ang kanilang damit sa daanan.
3. Ano ang sinigaw ng mga tao?
Sumigaw sila, "Hosana sa Anak ni David!"
4. Bakit ginawa ito ng mga tao?
Sinabi ng mga propeta na darating ang kanilang hari na nakasakay sa isang asno. Zacarias 9:9; Isaias 62:11
5. Paano nagkamali ang mga tao sa pag-asa nila sa isang hari?
Nais pa rin ng mga tao ng makasanlibutang hari.
6. Ano ang ipinapakita ni Jesus sa mga tao?
Ipinapakita sa kanila ni Jesus na Siya ang makalangit na Hari.
7. Bakit ipinakita ni Jesus ito sa panahong ito?
Malapit na Siyang pumasok sa Kanyang kaharian.
8. Bakit dumating si Jesus na sakay ng isang batang asno imbis na malakas na kabayo?
Ipinakita Niya na dapat Siyang magpakababa at maghirap upang makapasok sa Kanyang kaharian.
9. Bakit kailangang magdusa ni Jesus?
Kailangang magdusa ni Jesus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan at dalhin tayo sa langit.
10. Magpapakita ba si Jesus sa buong mundo bilang ating Hari?
Opo, si Jesus ay Hari ngayon sa Langit, at magpapakita bilang ating Hari sa Kanyang pagbabalik.
Memory Project: "Hosanasa Anak ni David! Mapalad ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!" Mateo 21:9
LESSON 17
Mateo 26
1. Saan ipinagdiwang ni Jesus ang pista ng Paskuwa?
Ipinagdiwang ni Jesus ang pista ng Paskuwa kasama ang Kanyang mga alagad sa isang silid na nasa itaas.
2. Ano ang unang ginawa ni Jesus nang makarating sila sa silid na nasa itaas?
Hinugasan ni Jesus ang paa ng Kanyang mga alagad tulad ng isang mababang lingkod.
3. Bakit hinugasan ni Jesus ang kanilang paa?
Ipinakita Niya sa kanila na kailangan Niyang mamatay upang hugasan ang kanilang mga kasalanan.
4. Ano pang ibang dahilan ang ibinigay ni Jesus sa paghuhugas Niya ng kanilang paa?
Sinabi ni Jesus sa kanila na dapat nilang matutuhang paglingkuran ang isa’t isa.
5. Ano ang pangalawang mahalagang bagay na nangyari sa pista?
Sinabi ni Jesus kay Judas, "Gawin mong mabilis ang iyong gagawin."
6. Alam ba ni Judas kung anong ibig sabihin ni Jesus?
Opo, umalis si Judas upang ipagkanulo si Jesus.
7. Anong pangatlong mahalagang bagay ang ginawa ni Jesus sa pista?
Binigyan ni Jesus ang Kanyang mga alagad ng tinapay at alak bilang tanda ng nawasak Niyang katawan at nabuhos na dugo.
8. Bakit mahalaga ito?
Ibinigay sa atin ni Jesus ang mga tandang ito para sa pagdiriwang natin ng Banal na Hapunan.
9. Saan nagtungo si Jesus pagkatapos ng Hapunan?
Nagtungo si Jesus sa Getsemani upang manalangin.
10. Sino ang nagtungo sa Getsemani pagkatapos manalangin ni Jesus?
Si Judas, kasama ang malaking pangkat ng mga sundalo upang dakpin si Jesus.
Memory Project: "Ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos para sa marami." Marcos 14:24
LESSON 18
Ang Kamatayan ni Jesus sa Krus
Mateo 27; Lucas 23
1. Paano namatay si Jesus?
Ipinako si Jesus sa krus sa gitna ng dalawang mamamatay-tao.
2. Ano ang mga unang salitang sinabi ni Jesus sa krus?
"Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa." Lucas 23:34
3. Ano ang hiniling ng isa sa mga mamamatay-tao kay Jesus?
"Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian." Lucas 23:42
4. Ano ang sinagot ni Jesus sa mamamatay-taong ito?
"Ngayon ikaw ay makakasama ko sa Paraiso." Lucas 23:43
5. Ano ang nangyari noong tanghali?
Binalot ang mundo ng kadiliman, at lubhang natakot ang mga taong nakakita nito.
6. Ano ang isinigaw ni Jesus pagkatapos ng pagdilim?
"Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Mateo 27:46
7. Ano ang nangyari nang mamatay si Jesus?
Napunit ang tabing sa templo, lumindol ang lupa, at nabuksan ang mga libingan.
8. Sino ang naglibing kay Jesus?
Ibinaba nina Jose ng Arimatea at Nicodemo si Jesus mula sa krus at inilibing Siya sa isang bagong libingan.
9. Bakit kailangang mamatay si Jesus sa krus?
Dahil ang kamatayan sa krus ay isang isinumpang kamatayan.
10. Bakit kailangang mamatay ni Jesus sa isang isinumpang kamatayan?
Inako Niya ang galit ng Diyos laban sa ating mga kasalanan.
Memory Project: "Tunay na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan." Isaias 53:4
Mateo 28; Lucas 24
1. Saan inilibing si Jesus?
Inilibing si Jesus sa isang bagong libingan sa hardin ni Jose ng Arimatea.
2. Paano tinangka ng mga Judio na mapanatili si Jesus sa libingan?
Hiniling nila kay Pilato na maglagay ng bantay sa libingan.
3. Ano ang nangyari nang maaga ng Linggo?
Bumangon si Jesus mula sa mga patay sa isang bagong, makalangit na katawan.
4. Paano ipinakita ng Panginoon na Siya ay muling nabuhay?
Isang anghel ang bumaba mula sa langit at iginulong palayo ang bato.
5. Ano ang sinabi ng anghel sa mga babaeng nagtungo sa libingan?
"Wala siya rito, sapagkat siya'y binuhay, tulad ng sinabi niya. Halikayo, tingnan ninyo ang dakong hinigaan niya." Mateo 28:6.
6. Bakit mahalagang makita ang lugar kung saan inilibing ang Panginoon?
Naroon pa rin ang mga damit-panglibing, subalit nabuhay nang muli si Jesus.
7. Sino ang unang nakakita sa muling nabuhay na Tagapagligtas?
Si Maria Magdalena, na umiiyak sa libingan.
8. Nagpakita ba si Jesus sa Kanyang mga alagad nang araw na iyon?
Opo, nagpakita Siya kinagabihan noong nakakandado ang mga pintuan ng kanilang silid.
9. Ano ang kahalagahan sa atin ng muling pagkabuhay ni Jesus?
Bumangon si Jesus, upang ang ating mga katawan ay maibangon din.
10. Bakit mahalaga na nagbangon Siya sa unang araw ng sanglinggo?
Inilipat ni Jesus ang ating Sabat mula Sabado tungong Linggo, upang maipagdiwang natin ang muli Niyang pagkabuhay.
Memory Project: "Subalit ngayon, si Cristo ay binuhay mula sa mga patay, na siya ang unang bunga ng mga namatay." 1 Corinto 15:20
Mga Gawa 1, 2
1. Kailan umakyat si Jesus sa langit?
Umakyat si Jesus sa langit apatnapung araw pagkatapos Niyang mabuhay muli.
2. Bago Niya sila iniwan, ano ang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad?
Sinabi Niya sa kanila na hintayin ang Espiritu Santo sa Jerusalem.
3. Ano ang ginagawa ngayon ni Jesus sa langit?
Namamahala si Jesus sa lahat ng bagay sa langit at sa lupa.
4. Ano pa ang ginagawa ni Jesus sa langit?
Dumadalangin si Jesus sa Ama para sa atin.
5. Paano sinasagot ng Ama ang mga panalangin ni Jesus?
Ibinibigay ng Ama kay Jesus ang lahat ng pagpapalang kailangan natin.
6. Ano ang unang pagpapala na ibinigay ni Jesus sa atin?
Ibinuhos ang Espiritu Santo noong Pentecostes.
7. Ano ang tanda na ibinuhos ang Espiritu?
May hugong ng malakas at humahagibis na hangin.
8. Ano pa ang ibang tanda na ibinigay?
Ang mga dila ng apoy ay nasa ulo ng 120 na nagtitipon sa silid na nasa itaas.
9. Anong kakaibang kapangyarihan ang ibinigay sa 120?
Kaya nilang magsalita ng maraming iba’t ibang wika.
10. Ano ang sinisimbulo ng pagsasalita sa iba’t ibang wika?
Tanda ito na titipunin ng Diyos ang Kanyang bayan mula sa lahat ng bansa ng sanlibutan.
Memory Project: "Itong si Jesus, na dinala sa langit mula sa inyo ay darating na gaya rin ng inyong nakitang pagpunta niya sa langit." Mga Gawa 1:11
Mga Gawa 3
1. Ano ang agad na ginawa nina Pedro at Juan pagkatapos ng Pentecostes?
Nagtungo sina Pedro at Juan sa templo upang manalangin.
2. Sino ang nakita nina Pedro at Juan sa pintuan ng templo?
Nakita nila ang isang pulubi na apatnapung taon nang lumpo.
3. Ano ang sinabi sa kanya ni Pedro?
Sinabihan niya ito na tumindig at lumakad.
4. Sa kaninong pangalan iniutos ni Pedro na gawin niya ito?
Sa pangalan ni Jesus, ang Panginoong muling nabuhay.
5. Sumampalataya ba ang lalaking lumpo na kaya siyang palakarin ni Jesus?
Opo, binigyan siya ng Diyos ng pananampalataya upang sampalatayanan si Jesus.
6. Gumaling ba ang lalaking lumpo?
Opo, nagtatalon siya at pinuri ang Diyos.
7. Ano ang naging bunga ng himalang ito?
Maraming tao ang nagtipon at pinakinggan ang pangangaral ni Pedro tungkol sa Panginoong muling nabuhay.
8. Nagalit ba ang mga pinuno dahil dito?
Opo, galit na galit sila kaya ipinabilanggo nila sina Pedro at Juan.
9. Ano ang iniutos ng mga pinuno kina Pedro at Juan kinabukasan?
Inutusan nila sila na huwag nang magsalita sa pangalan ni Jesus.
10. Ano ang sinagot sa kanila ni Pedro?
"Sapagkat hindi maaaring hindi namin sabihin ang aming nakita at narinig." Mga Gawa 4:20
Memory Project: "Kung matuwid sa paningin ng Diyos na makinig muna sa inyo sa halip na sa Diyos, kayo ang humatol." Mga Gawa 4:19
LESSON 22
Nangaral si Pedro kay Cornelio
Mga Gawa 10
1. Bakit nagtungo si Pedro sa Samaria?
Nagtungo si Pedro sa Samaria upang mangaral sa mga mananampalataya roon.
2. Paano ipinakita ni Cristo ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ni Pedro?
Pinagaling ni Pedro si Aeneas, na walong taon nang may sakit.
3. Anong dakilang himala ang ginawa ni Pedro sa Joppa?
Muling binuhay ni Pedro si Dorcas mula sa mga patay.
4. Anong pangitain ang nakita ni Pedro sa Joppa?
Nakita ni Pedro ang pangitain ng mga hayop at ibon na pinagbabawal sa mga Judio na kainin.
5. Ano ang sinagot ni Pedro sa Panginoon nang sabihin sa kanyang kumuha siya at kumain?
Sumagot si Pedro na hindi siya kailan man kumain ng anumang marumi o pangkaraniwan.
6. Ano ang sinabi ng Diyos kay Pedro?
Sinabi ng Diyos sa kanya, "Ang nilinis ng Diyos ay huwag mong ituring na marumi." Mga Gawa 10:15
7. Ano ang kahulugan ng pangitaing ito?
Ang pangitain ay nangangahulugang nais ng Diyos na mangaral si Pedro sa mga Hentil.
8. Paano nalaman ni Pedro na ito ang kahulugan ng pangitain?
May mga lalaking sinugo ni Cornelio, isang Hentil, na humihiling na mangaral si Pedro sa kanya.
9. Pumunta ba si Pedro?
Opo, nagtungo si Pedro at nangaral tungkol kay Jesus kina Cornelio at sa kanyang sambahayan at mga kaibigan.
10. Ano ang nangyari habang nangangaral si Pedro?
Bumaba ang Espiritu Santo sa mga Hentil, at nagsalita sila sa ibang mga wika, na nagpupuri sa Diyos.
Memory Project: "Maaalala ng lahat ng mga dulong lupa, at sa PANGINOON ay manunumbalik sila." Mga Awit 22:27
Mga Gawa 9, 13, 14
1. Sino ang nakatayo sa may malapit habang binabato si Esteban?
Si Saulo na taga-Tarsus, na sumang-ayon sa pagpatay kay Esteban.
2. Bakit nagtungo si Saulo sa Damasco?
Nagtungo si Saulo sa Damasco upang dakpin ang mga Cristiano at dalhin sila sa Jerusalem.
3. Sino ang nagpakita kay Pablo sa daan?
Nagpakita si Jesus sa kanya at sinabi, "Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?" Mga Gawa 9:4
4. Para sa anong gawain tinawag ng Diyos si Saulo?
Tinawag siya ng Diyos upang ipangaral ang ebanghelyo sa mga Hentil.
5. Sino ang sumama kay Saulo sa kanyang unang pangmisyong paglalakbay?
Sumama sa kanya sina Bernabe at Juan Marcos.
6. Ano ang ipinalit sa pangalan ni Saulo?
Pinalitan ito ng Pablo.
7. Ano ang nangyari sa isla ng Cyprus?
Ang pinuno ng isla at ang iba pa ay naligtas.
8. Ano ang naging resulta ng pangangaral ni Pablo sa Antioquia sa Asia Minor?
Maraming Hentil ang sumampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo.
9. Paano ipinakita ng mga Judio ang kanilang pagkainggit laban kay Pablo?
Pinalayas ng mga Judio sina Pablo at Bernabe sa lunsod.
10. Ano ang ginawa ng mga paganong mamamayan sa Listra kina Pablo at Bernabe?
Una ay nais nilang sambahin sila bilang diyos, pagkatapos ay pinagbabato nila si Pablo at iniwang patay.
Memory Project: "Humayo kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha." Marcos 16:15
Mga Gawa 16-18
1. Saan nagtungo sina Pablo at Silas sa ikalawang pangmisyong paglalakbay?
Dinalaw nina Pablo at Silas ang mga iglesya sa Asia Minor.
2. Ano ang naging pangitain ni Pablo sa Asia Minor?
Nakita ni Pablo ang isang lalaking taga-Macedonia na nagsabing, "Tumawid ka patungo sa Macedonia, at tulungan
mo kami." Mga Gawa 16:9
3. Ano ang kahulugan ng pangitain?
Ang pangitain ay nangangahulugan na may hinirang ang Diyos sa Macedonia.
4. Sino ang unang naligtas sa Macedonia?
Si Lydia, na nabautismuhan kasama ang kanyang sambahayan.
5. Ano ang sinigaw ng batang babaing may masamang espiritu tungkol kina Pablo at Silas?
"Ang mga taong ito ay mga alipin ng Kataas-taasang Diyos, na nagpapahayag sa inyo ng daan ng kaligtasan." Mga
Gawa 16:17
6. Ano ang nangyari nang palayasin ni Pablo ang masamang espiritu?
Hinagupit sina Pablo at Silas at ibinilanggo.
7. Natakot ba sina Pablo at Silas sa bilangguan?
Hindi po, umaawit sila ng papuri sa Diyos kapag gabi.
8. Paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan sa bilangguang iyon?
Lumindol, bumukas ang mga pintuan ng bilangguan, at nakalag ang mga tanikla nina Pablo at Silas.
9. Ano ang ginawa ng bantay ng kulungan?
Nagmakaawa siya kina Pablo at Silas, "Mga ginoo, ano ang kailangan kong gawin upang maligtas?" Mga Gawa 16:30.
10. Ano ang ipinapakita ng pagbabalik-loob ng bantay sa kulungan?
Ipinapakita nito na naghatid ang Diyos ng kaligtasan sa bantay ng kulungan at sa kanyang sambahayan.
Memory Project: "Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan." Mga Gawa 16:31
LESSON 25
Ang Ikatlong Pangmisyong Paglalakbay ni Pablo
Mga Gawa 19-28
1. Saan nagtungo si Pablo sa kanyang ikatlong pangmisyong paglalakbay?
Nagtungo si Pablo sa Efeso, kung saan nagsikap siyang mangaral sa loob ng dalawang taon.
2. Paano ipinakita ng maraming tao ang kanilang pananampalataya sa Diyos?
Sinunog nila ang lahat ng kanilang mga masasamang aklat.
3. Sino ang kumalaban kay Pablo sa Efeso?
Si Demetrio, na gumagawa ng mga pilak na larawan ng diyos-diyosang si Diana.
4. Bakit kinalaban ni Demetrio si Pablo?
Natakot siya na sisirain ng pangangaral ni Pablo ang kanyang hanap-buhay.
5. Ano ang nangyari nang udyokan ni Demetrio ang mga tao laban kay Pablo?
Nagkaroon ng malaking kaguluhan sa lunsod, kaya kinailangang lisanin ni Pablo ang Efeso.
6. Mula sa Efeso, saan nagtungo si Pablo?
Nagtungo si Pablo sa Macedonia at sa Grecia.
7. Ano ang sinabi ng Espiritu Santo kay Pablo sa paglalakbay na ito?
Sinabi sa kanya ng Espiritu Santo na ibibilanggo siya sa Jerusalem.
8. Bakit ibinilanggo si Pablo sa Jerusalem?
Pinagbintangan siya ng mga Judio sa Jerusalem na nilabag niya ang mga kautusan ni Moises.
9. Saan dinala ng Panginoon si Pablo bilang isang bilanggo?
Dinala siya ng Panginoon sa Roma upang ipangaral ang ebanghelyo roon.
10. Ano ang naging resulta ng pangangaral ni Pablo?
Lumaganap ang ebanghelyo sa maraming bansa at marami ang sumampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo.
Memory Project: "Nakipaglaban ako ng mabuting pakikipaglaban, natapos ko na ang aking takbuhin, iningatan ko ang pananampalataya." 2 Timoteo 4:7
Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito