Lucas 1
1. Sino ang tagapaghanda ng daan para kay Jesus?
Si Juan na Tagapagbautismo.
2. Sino ang mga magulang ni Juan?
Sina Zacarias at Elisabeth.
3. Sino ang nagsabi kay Zacarias na ipapanganak si Juan?
Ang anghel na si Gabriel.
4. Ano ang ginagawa ni Zacarias nang magpakita sa kanya ang anghel?
Nag-aalay siya ng insenso sa templo.
5. Pinaniwalaan ba ni Zacarias ang anghel?
Hindi po, dahil pareho na silang matanda ni Elisabeth.
6. Ano ang nangyari sa kanya dahil sa kanyang hindi paniniwala?
Naging bingi at pipi siya.
7. Gaano katagal naging pipi si Zacarias?
Hanggang ipanganak si Juan.
8. Ano ang ginawa ni Zacarias nang muli siyang makapagsalita?
Pinuri niya ang Diyos sa pagdating ng Tagapagligtas.
9. Bakit tinawag si Juan na Tagapagbautismo?
Dahil nangaral siya at nagbautismo.
Memory Project: "Narito, sinusugo ko ang aking sugo upang ihanda ang daan sa unahan ko." Malakias 3:1
Lucas 2
1. Sino ang iyong Tagapagligtas?
Si Jesus, ang Anak ng Diyos.
2. Sino ang ina ni Jesus?
Ang birheng si Maria.
3. Sino ang nagsabi kay Maria na isisilang si Jesus?
Ang anghel na si Gabriel.
4. Saan ipinanganak si Jesus?
Sa Betlehem, ang lunsod ni David.
5. Isinilang ba si Jesus na mayaman at marangal?
Hindi po, ipinanganak Siya sa tirahan ng mga hayop.
6. Kanino ipinahayag ng mga anghel ang kapanganakan ni Jesus?
Sa mga pastol na nagbabantay sa kanilang mga kawan sa gabi.
7. Pinaniwalaan ba ng mga pastol ang mga anghel?
Opo, at nagtungo sila sa Betlehem upang makita ang sanggol.
8. Sino pa ang sinabihan tungkol sa kapanganakan ni Jesus?
Ang mga Pantas, mula sa Silangan, na nakita ang Kanyang bituin.
9. Ano ang ginawa ng mga Pantas nang matagpuan nila si Jesus?
Sinamba nila Siya at hinandugan ng mga regalo.
Memory Project: "Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon." Lucas 2:11
Mateo 2, Lucas 2
1. Sino ang nais pumatay kay Jesus?
Ang masamang haring si Herodes.
2. Paano tinangkang patayin ni Herodes si Jesus?
Pinatay niya ang lahat ng sanggol sa Betlehem.
3. Paano nakatakas si Jesus?
Itinakas siya ng kanyang mga magulang tungong Ehipto.
4. Gaano katagal silang nanatili sa Ehipto?
Hanggang mamatay si Herodes.
5. Ilang taon si Jesus nang isama Siya ng Kanyang mga magulang sa templo?
Siya ay labindalawang taong gulang.
6. Ano ang ginawa ni Jesus nang umuwi na sina Jose at Maria?
Naiwan Siya sa templo.
7. Ano ang ginagawa ni Jesus nang matagpuan Siya ng Kanyang mga magulang?
Nakikipag-usap Siya sa mga guro.
8. Ano ang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga magulang?
"Hindi ba ninyo nalalaman na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?"
9. Ano ang sinasabi sa atin ng Bibliya tungkol sa kabataan ni Jesus?
Na palagi Niyang sinunod ang Kanyang mga magulang.
Memory Project: "At lumaki ang bata, lumakas, napuno ng karunungan, at sumasakanya ang biyaya ng Diyos." Lucas 2:40
Lucas 3
1. Saan nangaral si Juan na Tagapagbautismo?
Sa ilang malapit sa Ilog Jordan.
2. Ano ang suot ni Juan?
Nagsuot siya ng damit na gawa sa balahibo ng kamelyo.
3. Ano ang kinain ni Juan?
Kumain siya ng mga balang at pulot-pukyutan.
4. Ano ang sinabi ni Juan sa mga tao?
Na pagsisihan nila ang kanilang mga kasalanan.
5. Ano ang ginawa ni Juan doon sa mga nagsisi?
Binautismuhan niya sila sa Ilog Jordan.
6. Sino ang nagtungo kay Juan habang siya ay nangangaral?
Dumating si Jesus upang magpabautismo kay Juan.
7. Ano ang ipinagawa ni Juan sa kanyang mga alagad?
Sundin nila si Jesus.
8. Ano ang nangyari kay Juan?
Ipinakulong siya ni Herodes.
9. Paano namatay si Juan?
Pinapugutan ni Herodes ang kanyang ulo sa bilangguan.
Memory Project: "Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!" Juan 1:29
Mateo 3, 4
1. Ilang taon si Jesus nang magsimula Siyang mangaral?
Siya ay tatlumpung taong gulang.
2. Saan unang pumunta si Jesus?
Kay Juan upang magpabautismo sa kanya.
3. Ano ang nangyari nang mabautismuhan si Jesus?
Bumaba sa Kanya ang Espiritu Santo sa anyo ng kalapati.
4. Ano ang sinabi ng tinig mula sa langit?
"Ito ang minamahal kong Anak, sa kanya ako lubos na nalulugod."
5. Saan dinala ng Espiritu si Jesus matapos Siyang bautismuhan?
Sa ilang upang tuksuhin.
6. Gaano katagal si Jesus sa ilang?
Naroon Siya apatnapung araw at apatnapung gabing walang pagkain.
7. Sino ang lumapit kay Jesus pagkatapos ng apatnapung araw?
Lumapit si Satanas upang tuksuhin Siya nang tatlong beses.
8. Ano ang sinagot ni Jesus sa kanya?
"Lumayas ka, Satanas!’
9. Nagkasala ba si Jesus?
Hindi po, hindi Siya maaaring magkasala, dahil Siya ang Anak ng Diyos.
Memory Project: "Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos, at siya lamang ang iyong paglingkuran." Lucas 4:8
Juan 2
1. Ano ang naging gawain ni Jesus?
Siya ay nagturo at nangaral.
2. Ano ang itinuro ni Jesus?
Na Siya ang ipinangakong Tagapagligtas.
3. Paano Niya ipinakita na Siya ang Tagapagligtas?
Sa pamamagitan ng maraming himala.
4. Saan ginawa ni Jesus ang una Niyang himala?
Sa isang kasalan sa Cana.
5. Ano ang unang himala?
Ginawa Niyang alak ang tubig.
6. Bakit nagtungo si Jesus sa Jerusalem?
Nagtungo Siya upang ipagdiwang ang Paskuwa.
7. Ano ang ginawa ni Jesus nang dumating Siya sa Templo?
Pinalabas Niya sa Templo ang mga bumibili at nagtitinda roon.
8. Sumampalataya ba ang mga Judio sa Kanya?
Hindi po, marami ang nagalit sa Kanya.
9. Nagalit din ba ang Kanyang mga alagad?
Hindi po, sila at marami pang iba ay sumampalataya na Siya ang Cristo.
Memory Project: "Gibain ninyo ang templong ito at aking itatayo sa loob ng tatlong araw." Juan 2:19
Juan 3, 4
1. Sino ang nakikipagtagpo kay Jesus kapag gabi?
Si Nicodemo, isang pinuno ng mga Judio.
2. Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa paraan ng kaligtasan?
Na dapat tayong ipanganak muli upang sampalatayanan si Jesus.
3. Ano ang sinabi Niya kay Nicodemo tungkol sa Kanyang sarili?
Na sinugo ng Diyos ang Kanyang Anak upang maging ating Tagapagligtas.
4. Saan dumaan si Jesus mula sa Jerusalem patungong Galilea?
Dumaan Siya sa Samaria.
5. Sino ang nakatagpo ni Jesus sa Samaria?
Isang babae na nasa balon ni Jacob.
6. Ano ang inihayag ni Jesus sa babaeng ito?
Na siya ay makasalanan.
7. Tungkol saan ang sinabi ni Jesus sa kanya?
Tungkol sa tubig ng buhay.
8. Sino ang makapagbibigay sa kanya ng tubig ng buhay na iyon?
Si Jesus, dahil Siya ang ipinangakong Tagapagligtas.
9. Sumampalataya ba siya sa Kanya?
Opo, at gayon din ang ginawa ng iba.
Memory Project: "Ang Diyos ay espiritu, at ang mga sumasamba sa kanya ay kailangang sumamba sa espiritu at katotohanan" (Juan 4:24)
Lucas 4, 5
1. Ano ang pangalawang himala na ginawa ni Jesus sa Cana?
Pinagaling Niya ang anak ng isang pinuno.
2. Bakit isa itong dakilang himala?
Ang anak ay maysakit sa Capernaum.
3. Sumampalataya ba ang pinuno kay Jesus?
Opo, siya at ang kanyang pamilya ay sumampalataya.
4. Ano ang ginawa ni Jesus sa Nazareth?
Tinuruan ni Jesus ang mga tao.
5. Ano ang ipinakita Niya sa kanila mula sa mga propeta?
Na Siya ang ipinangakong Cristo.
6. Sumampalataya ba sa Kanya ang mga tao?
Hindi po, tinangka nila Siyang patayin.
7. Paano Siya tinangkang patayin ng mga tao?
Sinikap nilang ihulog Siya mula sa taas ng burol.
8. Paano nakatakas si Jesus mula sa kanila?
Dumaan Siya sa kalagitnaan nila.
Memory Project: "Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan tungo sa pagsisisi." (Lucas 5:32)
Juan 5
1. Bakit umalis si Jesus sa Galilea?
Upang magdiwang ng isang kapistahan sa Jerusalem.
2. Saan nagtungo si Jesus sa araw ng Sabbath?
Nagtungo Siya sa tipunan ng tubig sa Bethesda.
3. Ano ang Kanyang nakita sa tipunan ng tubig?
Maraming maysakit ang naghihintay sa tipunan ng tubig.
4. Ano ang kanilang hinihintay?
Ang pagdating ng isang anghel at pagkalawkaw nito sa tubig.
5. Ano ang nangyayari kapag kinalawkaw ang tubig?
Ang unang lumusong sa tubig ay gumagaling sa kanyang karamdaman.
6. Sino ang kinausap ni Jesus sa tipunan ng tubig?
Isang lalaking lumpo na walang tumutulong na ilusong siya sa tubig.
7. Ano ang pinagawa ni Jesus sa lalaking lumpo?
Sinabihan siya ni Jesus na buhatin ang kanyang higaan at lumakad.
8. Sumampalataya ba ang mga Judio kay Jesus nang makita nilang gumaling ang lalaking ito?
Hindi po, nagalit sila kay Jesus.
9. Bakit nagalit ang mga Judio?
Dahil pinagaling Niya ang lalaki sa araw ng Sabbath.
Memory Project: "Kaya’t ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Sabbath." (Marcos 2:28)
Lucas 7, 8
1. Ano ang nangyari nang tawirin ng mga alagad ang Dagat ng Galilea?
Nagkaroon ng malakas na unos sa dagat.
2. Nasaan si Jesus nang mangyari ang unos?
Natutulog Siya sa bangka.
3. Natakot ba ang mga alagad?
Opo, akala nila ay malulunod sila.
4. Ano ang ginawa ni Jesus nang gisingin Siya ng mga alagad?
Inutusan Niya ang dagat na pumayapa.
5. Sino ang sumalubong kay Jesus sa kabila ng dagat?
Dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo.
6. Ano ang pinagawa ni Jesus sa mga espiritung ito?
Lumabas sa mga lalaking ito.
7. Saan sila pinahintulutan ni Jesus na lumipat?
Sa kawan ng mga baboy.
8. Ano ang nangyari sa mga baboy?
Nalunod ang mga ito sa dagat.
9. Naniwala na ba ang mga tao kay Jesus dahil doon?
Hindi po, pinakiusapan nila Siyang umalis sa kanilang lugar.
Memory Project: "Anong uring tao ito na maging ang mga hangin at ang dagat ay sumusunod sa kanya?" Mateo 8:27b
Juan 6
1. Anong himala ang ginawa ni Jesus malapit sa Capernaum?
Pinakain Niya ang limang libong katao, bukod pa sa mga babae at bata.
2. Bakit napakadakilang himala nito?
Dahil mayroon lamang Siyang limang piraso ng tinapay at dalawang isda.
3. May natira pa bang pagkain?
Opo, may labindalawa pang basket na puno.
4. Saan nagtungo si Jesus pagkatapos ng himala?
Nagtungo Siya sa isang bundok upang manalangin.
5. Saan pinapunta ni Jesus ang Kanyang mga alagad?
Pinatawid Niya sila sa dagat na sila lamang.
6. Ano ang nangyari habang tumatawid ang mga alagad sa dagat?
Dumating ang isang malakas na unos.
7. Dumating ba si Jesus upang tulungan sila?
Opo, lumakad Siya sa tubig palapit sa kanila.
8. Ano ang nais gawin ng mga tao sa mga oras na ito?
Nais ng mga tao na gawing hari si Jesus.
9. Handa ba Siyang maging hari nila?
Hindi po, dahil ang Kanyang kaharian ay makalangit.
10. Nagalit ba ang mga tao sa Kanya?
Opo, marami ang hindi na sumunod sa Kanya.
Memory Project: "Panginoon, kanino kami pupunta? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan." Juan 6:68
Mateo 16, 17
1. Ano ang sinimulang banggitin ni Jesus sa Kanyang mga alagad?
Na kailangan Niyang maghirap at mamatay.
2. Ano pa ang sinabi Niya sa kanila?
Na babangon Siyang muli mula sa mga patay.
3. Saan nagtungo si Jesus kasama ang tatlo Niyang alagad?
Nagtungo Siya sa isang bundok upang manalangin.
4. Sino sa mga alagad ang kasama Niya?
Sina Pedro, Santiago, at Juan.
5. Ano ang nangyari sa bundok?
Nakita ng mga alagad si Jesus sa Kanyang makalangit na kaluwalhatian.
6. Sino ang nagpakitang kasama ni Jesus doon?
Sina Moises at Elias, na nakipag-usap sa Kanya.
7. Ano ang kanilang pinag-usapan?
Tungkol sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay.
8. Ano ang sinabi ng tinig mula sa langit?
"Ito ang minamahal kong Anak; sa kanya ako'y lubos na nalulugod. Makinig kayo sa kanya."
9. Anong dakilang himala ang ginawa ni Jesus pagbaba Niya sa bundok?
Pinagaling Niya ang isang batang lalaki na sinapian ng demonyo.
Memory Project: "Sumagot si Simon Pedro at sinabi, ‘Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay.’" Mateo 16:16
Juan 8, 9
1. Sino ang sumalubong kay Jesus sa Kanyang paglalakbay tungo sa Jerusalem?
Sampung mga ketongin, na humiling kay Jesus na pagalingin sila.
2. Pinagaling ba ni Jesus ang sampung ketongin na ito?
Opo, gumaling sila habang papunta sila sa pari.
3. Ilan ang bumalik upang pasalamatan si Jesus?
Isa lang po, at siya ay isang Samaritano.
4. Paano ipinakita ng mga Judio sa Jerusalem na kinamuhian nila si Jesus?
Pumulot sila ng bato upang patayin Siya.
5. Bakit hindi Siya napatay ng mga Judio?
Nawala Siya sa kanilang paningin.
6. Sino ang pinagaling ni Jesus sa Jerusalem?
Isang lalaking ipinanganak na bulag.
7. Bakit nagalit ang mga Judio tungkol dito?
Dahil namumuhi sila kay Jesus.
8. Bakit sinabi ng mga Judio na hindi maaaring Siya ang Cristo?
Dahil pinagaling Niya ang isang lalaki sa araw ng Sabbath.
9. Sumampalataya ba kay Jesus ang lalaking gumaling?
Opo, at sinamba niya si Jesus.
Memory Project: "Kaya't kung kayo'y palayain ng Anak, kayo'y magiging tunay na malaya." Juan 8:36
Juan 11
1. Saan madalas nagtigil si Jesus?
Sa tahanan nina Maria at Marta.
2. Saan nakatira sina Maria at Marta?
Sa Betania, malapit sa Jerusalem.
3. Ano ang pangalan ng kapatid nilang lalaki?
Lazaro.
4. Ano ang minsang nangyari kay Lazaro?
Siya ay nagkasakit.
5. Bakit pinatawag ng kanyang mga kapatid si Jesus?
Pinatawag nila si Jesus upang pagalingin si Lazaro.
6. Dumating ba kaagad si Jesus?
Hindi po, naghintay Siya hanggang mamatay si Lazaro.
7. Ano ang ginawa Niya nang dumating na Siya?
Binuhay ni Jesus si Lazaro mula sa mga patay.
8. Bakit isa itong dakilang himala?
Dahil si Lazaro ay apat na araw nang patay.
9. Sumampalataya ba noon ang mga masasamang Judio kay Jesus?
Hindi po, lalo pa nilang sinikap na Siya ay patayin.
Memory Project: "Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay." Juan 11:25
Lucas 19, Juan 12
1. Ano ang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad sa mga panahong ito?
Na Siya ay maghihirap at mamamatay sa Jerusalem.
2. Sino ang Kanyang nakatagpo nang malapit na Siya sa Jerico?
Nakatagpo Niya ang isang pulubing bulag na nasa tabing daan.
3. Paano tinawag ng pulubing bulag na ito si Jesus?
"Jesus! Anak ni David, maawa ka sa akin."
4. Kinaawaan ba siya ni Jesus?
Opo, pinagaling Niya ito upang makakita.
5. Sino pa ang nakatagpo ni Jesus sa Jerico?
Si Zaqueo po, na umakyat sa isang puno upang makita si Jesus.
6. Ano ang sinabi sa kanya ni Jesus?
"Dali ka at bumaba ka; sapagkat kailangang ako'y tumuloy sa bahay mo ngayon."
7. Nagalit ba ang ibang tao dahil dito?
Opo, dahil tinawag nila si Zaqueo na makasalanan.
8. Ano ang nangyari sa Betania?
Pinahiran ni Maria ang Kanyang paa ng mamahaling langis.
9. Bakit pinahiran ni Maria si Jesus ng langis?
Dahil naniwala siya na mabubuhay Siyang muli mula sa mga patay.
Memory Project: "Sapagkat ang Anak ng Tao ay dumating upang hanapin at iligtas ang nawala." (Lucas 19:10)
Mateo 21-26
1. Saan nagtungo si Jesus nang araw ng Linggo?
Nagtungo Siya sa Jerusalem.
2. Ano ang sinakyan ni Jesus patungong Jerusalem?
Sumakay Siya sa isang asno.
3. Ano ang sinigaw ng mga tao?
"Hosana sa Anak ni David!"
4. Ano ang inaasahan ng mga tao sa panahong ito?
Na si Jesus ay magiging hari na nila.
5. Ano ang ginawa ni Jesus nang araw ng Lunes?
Itinaboy Niya ang mga nagtitinda at bumibili palabas ng templo.
6. Gumawa ba Siya ng himala?
Opo, pinagaling Niya ang isang bulag at lumpo sa templo.
7. Ano ang ginawa ni Jesus nang araw ng Martes?
Tinuruan Niya ang mga tao sa huling pagkakataon.
8. Saan nagtungo si Judas nang araw ng Miyerkules?
Nagtungo si Judas sa mga punong-pari upang ipagkanulo si Jesus.
9. Magkano ang ibinigay ng mga punong-pari kay Judas?
Tatlumpung pirasong pilak.
Memory Project: "Mapalad ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!" Mateo 21:9
Mateo 26
1. Saan ipinagdiwang ni Jesus ang pista ng Paskuwa?
Sa isang silid na nasa itaas kasama ang Kanyang mga alagad.
2. Ano ang unang ginawa ni Jesus nang makarating sila sa silid na nasa itaas?
Hinugasan Niya ang paa ng Kanyang mga alagad.
3. Ano ang sinabi ni Jesus sa kanila sa pagdiriwang?
"Isa sa inyo ay magkakanulo sa akin."
4. Ano ang sinabi ni Jesus kay Judas?
"Gawin mong mabilis ang iyong gagawin."
5. Ano ang idinalangin ni Jesus sa Getsemani?
"Kung maaari, lumampas sana sa akin ang kopang ito."
6. Nagawa bang magpuyat ng mga alagad kasama Niya?
Hindi po, natulog sila habang nananalangin si Jesus.
7. Sino ang nagtungo sa Getsemani upang hanapin si Jesus?
Si Judas, kasama ang isang malaking pangkat ng mga sundalo.
8. Dinakip ba nila si Jesus?
Opo, dahil kusa Niyang isinuko ang Kanyang sarili.
9. Anong kasalanan ang nagawa ni Pedro nang gabing iyon?
Itinanggi niya si Jesus nang tatlong beses.
Memory Project: "Ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos para sa marami." Marcos 14:24
Mateo 27
1. Paano namatay si Jesus?
Namatay si Jesus sa krus.
2. Kailan ipinako si Jesus sa krus?
Ganap na ika-siyam ng Biernes.
3. Sino pa ang napako sa krus kasama ni Jesus?
Dalawang magnanakaw.
4. Ano ang sinabi ng isang magnanakaw kay Jesus?
"Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian."
5. Ano ang sinagot sa kanya ni Jesus?
"Ngayon ikaw ay makakasama ko sa Paraiso."
6. Ano ang nangyari noong tanghali?
Dumilim nang tatlong oras.
7. Ano ang isinigaw ni Jesus pagkatapos ng pagdilim?
"Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?"
8. Sino ang naglibing kay Jesus?
Inilibing Siya nina Jose at Nicodemo.
9. Bakit namatay si Jesus?
Upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan.
Memory Project: "Ibinibigay ko ang aking buhay para sa mga tupa." Juan 10:15
Lucas 24
1. Nanatili ba si Jesus sa libingan?
Hindi po, bumangon Siya nang ikatlong araw.
2. Sino ang dumating upang ipakitang si Jesus ay muling nabuhay?
Isang anghel, na iginulong palayo ang bato sa libingan.
3. Ano ang ginawa ng mga bantay nang makita nila ang anghel?
Lubha silang natakot at nagtakbuhan.
4. Sino ang dumating sa libingan nang napakaaga?
Mga babaeng nagmamahal kay Jesus.
5. Ano ang sinabi ng anghel sa mga babae?
"Wala siya rito, kundi muling nabuhay"
6. Sino ang kauna-unahang nakakita kay Jesus?
Si Maria Magdalena, na nakakita sa Kanya sa libingan.
7. Nakilala ba niya si Jesus?
Hindi po, inakala niyang Siya ang hardinero.
8. Kailan Siya nakilala ni Maria?
Nang tawagin Niya siya sa kanyang pangalan.
9. Nagpakita rin ba si Jesus sa iba?
Opo, sa mga alagad at sa marami pang iba.
Memory Project: "Subalit ngayon, si Cristo ay binuhay mula sa mga patay, na siya ang unang bunga ng mga namatay." 1 Corinto 15:20
Mga Gawa 2
1. Kailan umakyat si Jesus sa langit?
Apatnapung araw pagkatapos Niyang mabuhay muli.
2. Sino ang nakakita sa Kanyang umakyat?
Nakita Siya ng mga alagad na kinuha ng ulap.
3. Ano ang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad bago Siya umakyat?
Sinabi Niya sa kanila na hintayin ang Espiritu Santo sa Jerusalem.
4. Kailan ibinuhos ang Espiritu Santo?
Noong Pentecostes.
5. Kanino ibinuhos ang Espiritu?
Sa 120ng mananampalataya.
6. Ano ang tanda ng pagdating ng Espiritu?
May hugong ng malakas at humahagibis na hangin.
7. Ano pa ang ibang tanda?
May mga dilang parang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila.
8. Anong kapangyarihan ang ibinigay ng Espiritu sa mga alagad?
Ang makapagsalita sa iba’t ibang wika.
9. Tungkol saan ang winika ng mga alagad?
Winika nila ang mga dakilang gawa ng Diyos.
Memory Project: "Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman." Joel 2:28
Mga Gawa 3-5
1. Sino ang nakatagpo nina Pedro at Juan sa pintuan ng templo?
Isang pulubing apatnapung taon nang lumpo.
2. Ano ang sinabi ni Pedro sa pulubi?
"Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad."
3. Nagawa ba ito ng pulubi ayon sa sinabi ni Pedro?
Opo, nagtatalon siya at pinuri ang Diyos.
4. Ano ang ginawa ng mga pinuno ng mga Judio kina Pedro at Juan dahil sa pangangaral nila tungkol kay Jesus?
Ibinilanggo nila ang mga ito.
5. Ano ang iniutos ng mga pinuno ng mga Judio kina Pedro at Juan?
Inutusan nila sila na huwag nang magsalita sa pangalan ni Jesus.
6. Ano ang sagot nina Pedro at Juan?
Na hindi nila maaaring hindi ipangaral ang tungkol kay Jesus.
7. Ano ang nangyari nang mabilanggo ang lahat ng mga apostol?
Binuksan ng isang anghel ang pintuan ng bilangguan at pinakawalan sila.
8. Saan natagpuan ng mga pinuno ang mga apostol kinabukasan?
Sa templo kung saan tinuturuan nila ang mga tao.
9. Paano naghirap ang mga apostol dahil kay Cristo?
Pinagpapalo sila bago sila pinalaya.
Memory Project: "Kailangang sa Diyos kami sumunod, sa halip na sa mga tao." Mga Gawa 5:29 .
Mga Gawa 6-10
1. Sino si Esteban?
Isang diakono sa iglesya.
2. Paano nahirapan si Esteban alang-alang sa pangalan ni Jesus?
Pinagbabato siya ng mga Judio hanggang mamatay.
3. Saan sinugo ng Espiritu si Felipe?
Sa isang lalaking mula sa Etiopia na nagbabasa ng aklat ni Isaias.
4. Ano ang ipinaliwanag ni Felipe sa kanya?
Na binabanggit ni Isaias ang tungkol sa mga paghihirap ni Jesus.
5. Nagalak ba ang lalaki na marinig ang tungkol kay Jesus?
Opo, sumampalataya siya at nabautismuhan.
6. Anong pangitain ang nakita ni Pedro?
Isang pangitain ng mga hayop na ibinababa ng isang kumot.
7. Ano ang pinagawa kay Pedro ng tinig na mula sa langit?
"Tumindig ka, Pedro; magkatay ka at kumain."
8. Ano ang kahulugan ng pangitain para kay Pedro?
Na dapat siyang mangaral kay Cornelio, na isang Hentil.
9. Ano ang nangyari nang mangaral si Pedro kay Cornelio?
Si Cornelio at ang buo niyang sambahayan ay sumampalataya.
Memory Project: "Ang nilinis ng Diyos ay huwag mong ituring na marumi." Mga Gawa 10:15
Mga Gawa 9, 13, 14
1. Sino ang nanonood habang binabato si Esteban?
Si Saulo, na paglipas ng panahon ay tinawag na Pablo.
2. Bakit nagtungo si Saulo sa Damasco?
Upang usigin ang mga Cristiano roon.
3. Sino ang nagpakita kay Pablo sa daan?
Si Jesus, na nagsabing, "Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?"
4. Para saan tinawag ng Diyos si Pablo?
Tinawag siya ng Diyos upang maging apostol sa mga Hentil.
5. Sino ang sumama kay Pablo upang mangaral?
Sumama sa kanya si Bernabe.
6. Ano ang nangyari sa Antioquia?
Pinalayas ng mga Judio sina Pablo at Bernabe sa lunsod.
7. Sino ang pinagaling ni Pablo sa Listra?
Isang lalaking lumpo.
8. Ano ang inakala ng mga tao nang makita nila ang himalang ito?
Na sina Pablo at Bernabe ay mga diyos.
9. Paano naghirap si Pablo sa Listra para kay Cristo?
Pinagbabato siya ng mga Judio.
Memory Project: "Humayo kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha." Marcos 16:15
Mga Gawa 16-18
1. Ano ang nakita ni Pablo sa isang pangitain?
Isang lalaking taga-Macedonia.
2. Ano ang hiniling ng lalaki?
"Tumawid ka patungo sa Macedonia, at tulungan mo kami."
3. Sino ang unang sumampalataya sa Macedonia?
Si Lydia, na ang puso ay binuksan ng Panginoon.
4. Paano inusig sina Pablo at Silas?
Hinagupit sila at ibinilanggo pa.
5. Natakot ba sina Pablo at Silas?
Hindi po, umawit sila ng papuri sa Diyos sa gabi.
6. Ano ang nangyari habang umaawit sila?
Nabuksan ang mga pintuan ng bilangguan at nakalag ang kanilang mga tanikala.
7. Ano ang tinangkang gawin ng batay ng bilangguan?
Nais niyang patayin ang kanyang sarili.
8. Ano ang tinanong niya kina Pablo at Silas?
"Mga ginoo, ano ang kailangan kong gawin upang maligtas?"
9. Ano ang sinagot sa kanya ni Pablo?
"Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan."
Memory Project: "At sumampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan." Mga Gawa 13:48
Mga Gawa 19-28
Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito
1. Gaano katagal nanatili si Pablo sa Efeso?
Nanatili siya roon nang tatlong taon.
2. Ano ang ginawa ni Pablo roon?
Nangaral siya at gumawa ng mga himala.
3. Marami ba ang sumampalataya?
Opo, marami ang sumampalataya sa pamamagitan ng pangangaral ni Pablo.
4. Sino ang kumalaban kay Pablo sa Efeso?
Si Demetrio, na gumagawa ng dambanang pilak para kay Diana.
5. Bakit kinalaban ni Demetrio si Pablo?
Natakot siya na sisirain ng pangangaral ni Pablo ang kanyang hanap-buhay.
6. Ano ang kanyang itinuro sa mga tao na kanilang isigaw?
"Dakila si Diana na mga taga-Efeso."
7. Ano ang nangyari kay Pablo sa Jerusalem?
Ibinilanggo siya ng mga Judio.
8. Saan dinala si Pablo paglipas ng ilang panahon?
Dinala siya bilang isang bilanggo sa Roma.
9. Ano ang nangyari sa paglalakbay patungong Roma?
Nawasak ang barkong sinasakyan niya sa isang unos.
10. Ano ang ginawa ni Pablo sa Roma?
Nangaral siya, bagamang siya ay isang bilanggo.
Memory Project: "Nakipaglaban ako ng mabuting pakikipaglaban, natapos ko na ang aking takbuhin, iningatan ko ang pananampalataya." 2 Timoteo 4:7