Covenant Protestant Reformed Church
Bookmark and Share

Pormularyo ng Subskripsyon

 

Kami, na mga nakalagdang ministro ng ebanghelyo ng ___________________ Church, mga obispo at diakono ng ________________ Church of ……………………………………………, Classis ng …………………………., sa pamamagitan nito, ay nagpapahayag, nang tapat at may mabuting budhi sa harapan ng Panginoon, ng aming pagsang-ayon na taos-puso naming sinasampalatayanan at kami’y nahikayat na ang lahat ng mga artikulo at mga punto ng doktrina na nilalaman ng Kapahayagan at Katesismo ng mga iglesyang Reformed, kasama ng mga paliwanag sa ilang punto sa mga nasabing doktrina na pinagtibay ng Pambansang Sinod ng Dordrecht, 1618-’19, ay ganap na sumasang-ayon sa Salita ng Diyos.

Kaya, kami’y nangangako na sisikapin naming ituro at matapat na ipagtatanggol ang mga nasabing doktrina, na hindi sasalungatin ang mga ito, nang tuwiran o hindi man tuwiran, sa pamamagitan ng aming publikong pangangaral o panulat.

Bukod dito, idinedeklara namin, na hindi lamang namin tatanggihan ang mga kamaliang sumasalungat sa doktrinang ito, at partikular yaong mga kinundina namin sa pamamagitan ng nabanggit na sinod, kundi handa kaming pabulaanan at salungatin ang mga ito, at pagsisikapang panatilihin ang iglesya na malaya sa mga gayong kamalian. At kung pagkatapos nito ay mayroong lumitaw sa aming mga isipan na suliranin o ibang pagkaunawa tungkol sa mga nabanggit na doktrina, ipinapangako namin na, publiko man o pribado, ay hindi namin ipapanukala, ituturo, o ipagtatanggol ang mga ito, sa pamamagitan man ng pangangaral o panulat, malibang ipahayag muna namin ang mga paniniwalang ito sa consistory, classis at synod, upang ito ay masuri roon, na handang laging may kagalakang magpasakop sa hatol ng consistory, classis at synod, sa ilalim ng kaparusahan, sakaling kami’y tumanggi, ng suspensyon sa aming panunungkulan.

At bukod pa rito, kung sa anumang oras ay kailangang hingan kami ng consistory, classis o synod, bunsod ng paghihinala at upang mapanatili ang pagkakaisa at kadalisayan sa doktrina, ng ibayong paliwanag sa aming paniniwala tungkol sa anumang partikular na artikulo ng Kapahayagan ng Pananampalataya, ng Katesismo, o ng mga paliwanag ng pambansang sinod, kami ay nangangako na laging magkukusa at magiging handa na sundin ang gayong pag-uutos, sa ilalim ng nabanggit na parusa, bagamang, naglalaan para sa aming sarili, ng karapatang umapela, tuwing inaakala naming kami’y napagkaitan ng katarungan sa pamamagitan ng hatol ng consistory, ng classis o ng synod, at hangga’t wala pang pasiyang nagagawa para sa gayong pag-apela, sasang-ayon kami sa pasiya at hatol na nauna nang pinairal.

………………………………………… Lagda sa Ibabaw ng Pangalan

………………………………………... Petsa

Para sa karagdagang babasahin sa wikang Tagalog, i-click dito

http://www.bereanprcp.org/html/tagalogsection.htm

http://prcaphilippinesaudio.wordpress.com/tagalog/