Ni: Prof. David J. Engelsma
Ang kilusang susuriin sa artikulong ito ay isang puwersang malakas at talamak sa mga simbahang Kristyano sa kasalukuyan. Ito ay tinataguriang kilusang Pentecostal sapagkat pinapanggap nito na siya ay ikalawang Pentecostes sa panahonng katapusan ng mundo. Ito ay tinataguriang kilusang “charismatic” sapagkat inaangkin nito ang pagbabalik ng mga bukd-tanging kaloob ng Espiritu na nasasalaysay sa aklat ng Mga Gawa at sa 1 Corinto 12-14 (Griego – charismata).
Sa loob lamang ng 100 taon ito ay kumalat mula sa iilang tao sa Topeka, Kansas at Los Angeles, California upang maging daang-milyong tao sa buong mundo. Sa pinakabagong pagsusuri, itinatayang umaabot ng halos halahating bilyon ang bilang ng tao na kinikilalang Pentecostal. Ang kilusang ito ay kinikilalang ikatlong puwersa sa Kristyanismo, kasama ang mga Protestante at Romano Katoliko.
Ang Pentecostalismo ay natatagpuan sa halos lahat ng simbahan. Napakaraming simbahan ang itinatag sa katuruang Pentecostal at umiiral upang ikalat ang Gawain Pentecostal. Marami sa mga simbahang ito at malaki at patuloy na lumalago. Subalit ang Pentecostalismo ay tinatanggap ng iba pang simbahan sa buhay nila at sa buhay ng kanilang mga miyembro. Tinanggap ng Iglesya Romano Katoliko ang kilusang Pentecostal, at daang-libo na ang mga miyembro nito na “charismatic.” Maging ang mga simbahang Protestante ay sumang-ayon sa kilusang “charismatic” at ito ay tinatanggap ng marami sa pangunahing tagapagturo sa mga simbahang Reformed. Noong 1973, tumugon ang iglesyang Christian Reformed Church sa lumalaganap ng kilusang charismatic, at sa isang ulat, sinabi nila:
Nananawagan kami sa iglesya na kilalanin ang kalaayan ng Espiritu upang ipagkaloob ang Kaniyang mga kaloob ayon sa Kanyang kagustuhan, yamang hindi kami naniniwala na naaayon sa turo ng Biblia na ang mga charismata ay para lamang sa kapanahunan ng mga Apostol. Maging bukas dapat ang iglesia upang kilanlin ang lahat ng uri ng kaloob ng Espiritu” ("Neo-Pentecostalism," in Acts of Synod 1973, Grand Rapids: Board of Publications of the Christian Reformed Church, p. 481)
Kabilang sa mga pangunahing ministro at teologong ebanghelikal na malugod na umayon sa kilusang Pentecostal ay sina J.I. Packer at Martyn Lloyd-Jones. Sa kanyang aklat na may pamagat na “Joy Unspeakable: Power & Renewal in the Holy Spirit” – (Ito ay inilimbag noong 1984, ngunit ang nilalaman ay mga sermon niya na ipinangaral sa Westminster Chapel sa taong 1964 at 1965), sinabi ni Lloyd-Jones na siya ay “lubos na naniniwala sa bautismo sa Espiritu Santo bilang isang karanasang bukod at hiwalay sa muling kapanganakan.” Naniniwala rin siya na umiiral pa sa kasalukuyan ang lahat ng mga kalood nga Espiritu at ang bautismo sa Espiritu ang “tanging nagbibigay sa atin ng anumang pag-asa sa kasalukuyan,” at ang sinumang kukakaila sa bautismo sa Espiritu Santo ay nagkasala ng pamumusong laban sa Espirit Santo (Wheaton, IL: Harold Shaw Publishers, 1984, pahina 13, 54, 278).
Dahil sa kasikatan ng kilusang charismatic, na tila hanging umiihip ng buong lakas, napakahirap makasumpong ng denominasyon na nakatangi sa inpluwensya nito. Sa librong The Pentecostals and Charismatics: A Confessional Lutheran Evaluation, matapos banggitin ng may-akda ang mga simbahang gumuho ang pagtanggi sa inpluwensya ng Pentecostalismo, buamggit siya ng isang denominasyon, ang iisang denominasyon na tumanggi sa Pentecostalismo: “Hindi lahat ng Simbahang Protestante ay tumangkilik ng kilusang charismatic. Pawang negatibo ang reaksyon dito ng mga simbahan ng Protestant Reformed Church” (Arthur J. Clement, The Pentecostals and Charismatics: A Confessional Lutheran Evaluation, Milwaukee, WI: Northwestern Publishing House, 2000, pahina 52, 53).
Talamak na ang impluwensya ng kilusang ito. Una, inilipat nito ang sentro ng mensahe ng Ebangheliyo mula sa pagtanggap sa pamamagitan ng pananampalataya ng kapatawaran ng mga kasalanan base sa krus ni Cristo, at ipinalit ito para sa di-maipaliwanag na karanasan na nagbibigay ng kapangyarihan para sa pablilingkod, lalo na sa pagbabahagi. At ang lahat ng ito at nababatay sa isang karanasan kasunod ng muling kapanganakan na binansagang Bautismo sa Espiritu Santo.
Ikalawa, lubos na binago ng Pentecostalismo ang anyo ng pangkalahatang pagsamba sa simbahan. Ang pangangaral ng dalisay na dooktrina at maayos na pangangasiwa ng mga sakramento at hindi na ngayon ang siyang puso ng gawain sa simbahan. Kundi ngayon, ang pangunahing bagay ay ang masiglang awitan at pag-iral ng sari-sari kaloob ng Espiritu, kung kaya ang kongregasyon ay may diwang magulo o walang kaayusan.
Pangatlo, ito ay may adhikaing ekumeniko. Tumatawid ito ng denominasyon at mga saligan ng paniniwala. Ayon sa tanyag na Dictionary of Pentecostal and Charismatic Movements (ed. Stanley Burgess, Gary McGee, and Patrick Alexander, Grand Rapids: Zondervan, 1988), ang kilusang Pentecostal o charismatic ay isang “pandaigdigang pagbuhos ng Espiritu ng Diyos na tumatawid ng denominasyon” (pahina 159). Nakikibahagi sa iisang “Espiritu” ang mga miymebro ng iba’t-ibang simbahan, maging Protestante man o Katliko, Calvinist o Arminian, Baptist o kobenental, sa kabila ng kani-kanila mga kaibahan sa doktrina. Kung kaya may nagaganap na mga konperensiya na nagnanais itaguyod ang isang organisadong pagkakaisa, nagkakaroon ng malalaking pagpupulong ng libu-libo upang mag-awitan, at nagkakaroon ng mga lingguhang pagtatagpo ng mga miyembro ng iba’t-ibang simbahan para sa pag-aaral at pagsasama – ikanga’y pagkakaisang “katutubo.”
Nadarama ang impluwensya ng Pentecostalismo kahit sa mga lugar na kung saan tinatanggihan ang mga pangunahing doktrina nito. Ang kilusang Pentecostalismo ang siyang sanhi ng talamak na kawalan ng pagpapahalaga sa pangangaral ng doktrina ng krus at ang matiim na pagkasabik para lalong pagbibigay-diin sa buhay-Kristiyano at gawaing pang-simbahan. Ang tao ay naiinip na sa may-kaayusang pagsambang Reformed ayon sa prinsipiyong regulatibo. Kaya nagkakaroon ng pagsisikap na baguhin ang pangkalahatang pagsamba upang maging sa masigla at upang mas marami ang isali dito. Bilang gawaing ekumeniko, malimit magsama ang mga tao mula sa iba’t-ibang denominasyon at nakikibahagi sa mga samahan kagaya ng Promise Keepers, isang organisasyong lubos na naimpluwensiyahan ng pinaka-radikal na kaanyuan ng kilusang charismatic – ang Vineyard Fellowship ni John Wimber.
Patuloy na nagkakaroon ng mga pag-aaral ng Biblia na sinasadyang walang doktrina (na parang possible iyon) at nagsasama ditto ang mga Protestante at Katoliko, mga Calvinist at Arminian, mga Baptist at Reformed, maski mga charismatic at di-charismatic.
Subalit, hindi nagtatapos ang usap dahil sa paglago, kasikatan at impluwensiya ng kilusang ito. Naririyan pa naman ang tanong, “Anong espiritu ang siyang espiritu ng kilusang Pentecostal?” Hindi naman porke sikat ang isang kilusan, ay nakaiiwas ito sa ating tanong. At hindi rin automatiko ang tugon. Una, inihahayag ng Banal na Kasulatan na magkakaroon ng isang malawakang pagtaliwakas sa mga huling araw, na may kasamang “buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan” (2 Mga Taga-Tesalonica 2:3, 9). Ikalawa, sa Matanda at Bagong Tipan, ang kinikilalang tunay na bayan at Iglesya ng Diyos ay ang hinahamak na “nalabi,” ang “munting kawan” (Isa. 1; Lucas 12:32). Ikatlo, inuutusan tayo ng Biblia na uriin, o subukin ang mga espiritu, kung ito ay sa Diyos (Deut. 13; 1 Juan 4:1). Sa Deuteronomio 13 binigyan ang Israel ng babala na maaaring gumawa ng kababalaghan ang isang bulaang propeta alangalang sa kanyang kilusang (tal. 1, 2).
Iyon ang ating ginagawa sa munting aklat na ito: sinusubok naton ang espiritu ng Pentecostalismo bilang pagsunod sa utos ng Biblia. Sa mga kabanatang sumusunod, susubukin ang espiritu ng Pentecostalismo tungkol sa mga piling turo, importanteng doktrina at kaugalian nitong kilusan. Sa unang kabanata, susubukin ang kalikasan ng kilusang ito batay sa kanyang kasaysayan.
Ang Pentecostalismo ay isang kilusang ngangayon lang lumitaw sa mga simbahang Kristiyano na nagtuturo na mayroon isang pangalawang tiyak at malinaw na karanasan ng paggawa ng Diyos sa buhay ng Kristiyano pagkatapos ng panunumbalik o muling kapanganakan, na tinataguriang Bautismo sa o ng Banal na Espiritu (tatawagin nating BBE). Layunin daw ng pangyayaring ito ang isang kamangha-manghang karansan ng Diyos at kapangyarihan para sa paglilingkod, lalo na sa pagbabahagi sa iba. Ang ebidensiya o katibayan nito bautismo ay ang pagsasalita sa ibang wika (tongues), na ayon sa mga Pentecostal, ay hindi ang kakayanang magsalita ng wika ng ibang bansa, bagamat ito ay hindi pinag-aralan, kundi ang kakayanang magsalita ng isang wikang makalangit.
Iyon na mismo ang pakahulugang binibigay ng mga Pentecostal sa kilusan nila. Ganito ang paliwanag ng Dictionary of Pentecostal and Charismatic Movements, “Naniniwala ang mga Pentecostal sa isang kilos ng biyaya sa buhay ng Kristiyano na kasunod pa ng muling kapanganakan na nahahayag sa glossolalia (pagsasalita sa ibang wika o tongues) (pahina 1). At ang kilusang charismatic ay ipinapaliwanag sa ganitong paraan: “Ito ang mga pagpapalang Pentecostal, bautismo sa Banal na Espiritu, kasama ang mga espirituwal na kaloob ng 1 Mga Taga Corinto 12:8-10, sa labas ng kinikilalang denominasong Pentecostal” (pahina 130).
Ayon sa paliwang ng manunulat at mangangaral na Pentecostal na si Don Basham, ang BBE, na siyang puso ng pangangaral ng mga Pentecostal: “Ang bautismo sa Banal na Espiritu ay isang ikalawang pakikitagpo sa Diyos (una ay ang muling kapanganakan), na kung saan tinatanggap ng Kristiyano ang kangayarihang sobrenatural mula sa Banal na Espiritu” (A Handbook on Holy Spirit Baptism, Monroeville, PA: Whitaker Books, 1969, pahina 10).
Bilang karagdagang paliwanag nitong pundamental na katuran ng Pentecostalismo tungkol sa BBE, itinuturo nila na sa gawa ng Diyos na ito tinatanggap ang Banal na Espiritu mismo, at ang taong iyon ay puspos ng Espiritu. Pinananahanan mismo ng Espiritu ang taong binautismuhan. Hindi sinasabing binautismuhan ng Espiritu, kundi sa Espiritu.
Pangalawa, naiiba ang BBE sa unang gawa ng Diyos upang iligtas ang isang makasalanan, sa makatuwid, ang panunumbalik, o muling kapanganakan. Pinagsasaligan ng Pentecostalismo ang katuruan na mayroong dalawang magkaibang gawa ng biyaya sa buhay at karanasan ng isang tao. Sa una, gumagawa ang Banal na Espiritu upang ibigay si Jesus at ang kaligatasan Niya, lalo na ang kapatawaran ng mga kasalanan. Ang ikalawang gawa ng biyaya, na siyang binibigyang-diin ng Pentecostalismo, ay gawa ni Jesu-Cristo na kung saa’y ipinagkakaloob Niya ang Banal na Espiritu.
Dahil ang unang gawa – ang kaligtasan ay inilalarawan ng bautismo sa tubig, nagtuturo ang Pentecostalismo na may dalawang bautismo. Lumilitaw tuloy ang tanong kung bakit sinabi ni Pablo sa Efeso 4:5 na ang Iglesiya ay may iisang bautismo? Kaya naman mahalaga ang isyu na ito para sa Pentecostalismo ay dahil ayon sa Efesa 4:5 ang pagkakaroon ng iisang bautismo ang siyang saligan ng pagkakaisa ng Iglesiya. Sa Pentecostalismo naman, mayroon mga tao sa Iglesiya na miminsan lamang nabautismuhan, samantalang mayroon iba na nakaranas ng ikalawang bautismo na nagbibigay kuno ng bukod-tanging karanasan at karagdagang kapangyarihan. Higit pa roon, ang ikalawang bautismo na ito ang siyang ginagawang batayan ng pagkakaisa ng Iglesiya. Samantala, ayon kay Pablo, yung unang bautismo ang siya batayan ng pagkakaisa.
Ayon sa Pentecostalismo, itong ikalawang gawa ng biyaya – ang BBE – ay para sa lahat ng Kristiyano. Ninanais daw ng Diyos na makamit ito ng lahat. Laan ito sa lahat, subalit kailangan natin hanapin ito ay kumpletuhin ang ilang kundisyon upang ito at matamo. Ang tanging kumpletong ebangheliyo (full gospel) ay ang katuruan na mayroon una at ikalawang bautismo. Ang anumang mensahe daw na hindi naglalaman ng BBE, ayon sa katururan ng Pentecostalismo, ay hindi itinuturing na kumplentong ebangheliyo (full gospel). Sila lang daw ang may kumpletong ebangheliyo.
Ikatlo, ang BBE ay isang mahiwaga at kamangha-manghang pangyayari sa buhay ninuman. Kalimitan may kasamang pisikal na epekto o kahayagan, gaya ng pangingilabot sa buong katawan o kawalan ng malay-tao (slain in the Spirit), o kaya ang di-mapigil na pagtawa (na naganap sa Toronto Blessing) o pag-ungol na katulod ng isang hayop.
Ika-apat, may tatlong sangkap ang layunin nga modernong Pentecostalismo: pakiramdam ng higit na malapit na kaugnayan sa Diyos, higit na pagnanasa at kakayanang magpuri sa Diyos, at kapangyarihan sa paglilingkod. Ang binibigyan ng diin ay ang pakiramdam ng higit na malapit na relasyon sa Diyos. Hindi isang walang pinag-aralan panatiko, kundi si Martyn Lloyd-Jones mismo ang nagsabi, “Ang bautismo sa Banal na Espiritu ang siyang pinakamaluwalhati at kamangha-manghang karanasan na maaaring mangyari sa isang tao sa buhay na ito. Langit lamang ang hihigit sa karanasan ng bautismo sa Banal na Espiritu” (Joy Unspeakable, p. 141). Ang BBE ay hindi nagdadagdag ng kabanalan, hindi nagopapalakas ng pananampalataya, hindi nagpapalago sa doktrina, ni nagpapalalim ng kaalaman ng pagkaralita, katubusan at pasasalamat.
Ikalima, ang hinihinging ebidensya o katibayan – ang tinatawag na tongues: ang pagbigkas ng sarisaring ungol o huni na sinasabing di-kilalang wikang panlangit. Batay sa turo ng Pentecostalismo na ang BBE ay para sa lahat, kasama ng ebidensiya nito na pagsasalita sa ibang wika, dapat daw makapagsalita ang bawat Kristiyano sa ibang wika o tongues. Ngunit, paano naman ang tanog ng apostol sa 1 Mga Taga-Corinto 12:30: “Nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika?” Malinaw na nagpapahiwatig nito na kahit sa panahon ng mga apostol, hindi nagsalita ang lahat, ni kalooban ng Diyos na magsalita ang lahat sa mga wika.
Ang BBE ay isang pangunahing turo at kagawian ng Pentecostalismo. Isa pang katuruan ng Pentecostalismo ay ang paniniwala na ang mga kaloob ng Espiritu na umiiral noong panahon ng mga apostol ay umiiral pa rin sa Iglesiya hanggang ngayon. Tinatanggihan ng Pentecostalismo ang klasikong position ng Protestanteng Kristiyanismo na ang mga bukod-tanging kaloob ng Espiritu ay para lamang sa panahon ng mga Apostol at huminto pagkamatay ng mga ito. It ang posisyon nina Augustine, Luther, Calvin at ng mga Iglesiyang Lutheran at Reformed. Ipinaliwanag ito nang husto ni B.B. Warfield sa kanyang aklat na Miracles: Yesterday and Today, True and False.
Hayag naman na mayroon ng mga kaloob gaya ng mga wika, salin ng mga wika, pagpapagaling at pagpapalayas ng mga demoniyo, atbp., sa mga iglesya ng mga Apostol. Nililinaw ng 1 Mga Taga-Corinto 12-14 na umiiral ang mga kaloob na ito sa iglesiya sa bayan ng Corinto. Sinasabi ng Pentecostalismo na yamang mayroon ng ganoong kaloob noon, mayroon din hanggang ngayon. Ito ay resulta ng saligang paniniwala ng Pentecostalismo na maaari at dapat ngang maulit ang nangyari sa Araw ng Pentecostes sa Mga Gawa 2. Kung paano raw nagkaroon ng dalawang karanasan ang mga apostol, ang pagbabalik-loob sa Diyos, at ang BBE sa Araw ng Pentecostes, dapat maranasan ito ng bawat mananampalataya ngayon. Dapat daw magkaroon ng pansariling “Pentecostes” ang bawat mananampalataya. Kung ano ang nangyari sa aklat ng Mga Gawa ay maaari at dapat mangyari ngayon.
Ang basehang Biblikal para sa dalawang pangunahing katuruang ito ng Pentecostalismo ay ang aklat ng Mga Gawa at kabanatang 12-14 ng Mga Taga-Corinto. Maaaring may iba pang teksto na sinasaligan, subalit ito ang pangunahin.
Isa pang teksto ay sa Joel 2:23. Ginamit ni Pedro ang Joel 2:28-32 upang ipaliwanag ang pagbuhos ng Espiritu sa Araw ng Pentecostes. “At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman.” Sa talata 23 (Joel 2), sabi ng Propeta, “kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan.” Napipilitan ang Pentecostalismo na ipaliwanag kung bakit hindi itinuro ng Iglesya ang BBE mula sa panahon ng mga Apostol hanggang mga 1900. Joel 2:23 ang siyang paliwanag nila. Itong BBE raw ang sinisimbolo ng “huling ulan.” Ang Araw dawng Pentecostes ang siyang “maagang ulan,” at ang kasalukuyang Pentecostalismo ang siya “huling ulan,” na ibubuhos bago magwakas ang mundo.
Lilitaw ngayon ang tanong, “Ano ang kasaysayan ng kilusang Pentecostal o charismatic?
Ang kasaysayan ng kilusang Pentecostal ay pangyayaring nasaksihan ng marami sa atin. Noong ako ay nag-aaral sa kolehiyo noong dekada 1950, dumalaw kami ng isa kong kaibigan sa isang simbahang Pentecostal malapit sa Franklin at Grand Rapids, Michigan. Ang simbahan na iyon ay guho-guho na halos at mahihirap ang mga miyembro. Subalit ngayon, ang ganoon ding uri ng pagsamba – sigawan, pagtataas ng mga kamay, pagakawala ng malay, pagsayaw, pagsasalita sa mga wika – mga bagay na pinagtakhan naming noon, ay nangyayari sa isang mayaman, may-pinag-aralan, at pinong simbahan ng Assembly of God sa 44th Street sa Grand Rapids, Michigan sa kanilang guslaing nagkakahalaga ng milyun-milyung dolyares.
Nagpastor ako sa isang simbahang Protestant Reformed sa dekada 1960 at kalahati ng dekada 1970. Napaligiran kami ng mga simbahang protestante na kung saang talamak ang kilusang charismatic. Napilitan akong pag-aralan at husgahan ang kilusang ito kung ito ay kaibigan, kaaway o walang kinikilingan pagdating sa pananampalayang Reformed.
Sa ikalawang kalahati ng dekada 1970, sa South Holland, Illinois, nasaksihan ko ang pagtatangkang pagtagpuin ang kilusang charismatic at ang pananampalatayng Reformed. Napilitan ang Protestant Reformed Church sa South Holland na pumili ng panig sa usapang ito – kung maaaring magsanib ang Pentecostalismo at ang pananampalatayng Reformed. (Nabigo ang pagtatangka. Ang pastor na nagpumilit na pagsamahin ang Pentecostalismo at ang pananampalatanyang Refomed, ay nauwi sa pagbibili ng kanyang mga inaalikabok na “libro ng doktrinang Reformed” upang tangkain ang pagbuhay sa mga patay.)
Lubhang nakakapagtaka ang ksaysayan ng Pentecostalismo. Pumapanig ka man o hindi, magtataka ka talaga na sa loob lamang ng 100 taon, ang isang kilusan na nagpasimula sa isang dakot na mga taong walang sinabi, ay lumaganap sa buong mundo. Ngayon tinatangkilik ito ng mga cardinal na Romano Katoliko at mga ebangheliko kagaya nina J.I. Packer at Martyn Lloyd-Jones.
Hindi lang ito interesante ant nagdudulot ng kaalaman, ito ay tumutulong sa atin upang uriin ang isang kilusan kung ito ay nagbubuhat sa Diyos. Ito ang kinakaligtaan ng marami kapag pinag-aaralan ang kilusang ito. Hindi mapag-aalinlanganan ang kasaysayan ng Pentecostalismo, kung ito ay dapat tanggapin bilang kilusang galing kay Jesu-Cristo, na siyang inaangkin nila, o kung ay Pentecostalismo ay buhat sa diyablo. Dapat tandaan, na ito ang ating layon sa munting aklat na ito, ang pagsunod sa utos ng apostol na nagsasabing, “Inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios.”
Sa aking pagsasalaysay, dapat tandaan ng mambabasa ang sinabi natin sa umpisa, na sa kasaysayan mismo ng Pentecostalismo manggagaling ang hatol natin tungkol sa Pentecostalismo.
Ang aking salaysay ay hindi kontrabersiyal. Ito ay nagmumula sa mga ulat mismo ng mga iskolar na Pentecostal na sina Donald W. Dayton, Vinson Synan, atbp., at mula sa Dictionary of the Pentecostal and Charismatic Movements.
Ang kilusang Pentecostal ay ipinaglihi sa Bethel Bible College, sa Topeka, Kansas sa Araw ng Bagong Taon, noong taon 1900 at iniluwal sa Azusa Street sa Los Angeles, California noong 1906.
Sa huling araw ng 1899, o madaling araw ng unang araw ng 1900, ang mapaglakbay na mangangral na si Charles Fox Parham ay nagpatong ng kanyang kamay kay Agnes Ozman upang tanggapin niya ang BBE bilang ikalawang gawa ng biyaya. Natanggap ni Agnes ang bautismo at nagsalita sa mga wika bilang katibayan. Ito ang tinatagurian ng mga Penyecostal na “ikalawang Pentecostes.”
Dumating ang kapanganakan makalipas ng anim na taon sa mga pagpupulong na ginanap sa isang giba-gibang gusali sa Asuza Street sa Los Angeles. Ang mangangaral na nagpaanak sa Pentecostalismo ay si Rev. W.J. Seymour. Pinatungan niya ng kamay ang ilang tao na nagpulong at tumanggap sila ng BBE at nagsalita sa mga wika. Kakaibang tao itong si Seymour. Ang mga revival niya ay ipinagpatuloy gabi-gabi sa loob ng ilang taon. Uupo si Seymour sa likod ng pulpit na nakapatong sa ulo niya na karton ng sapatos habang nagkakagulo ang pagpupulong. Maiingay ang mga pagpupulong na iyon: may nagsasalita sa mga wika, may gumugulong sa sahig, may tumutumba, humihilata, umiiyak, tumatawa, nangingisay at lumulutang. Ito ang salaysay na ibinigay ni Vinson Synan, isang Pentecostal at ang pangunahin mananalaysay ng kilusang ito, tungkol sa mga pagpupulong sa Asuza Street at sa inaasal ni Seymour:
Kung may dumalaw na bisita sa mga pagpupulong na naganap sa loob ng tatlong taon sa Azusa Street ang sasalubong sa kanya ay mga eksenang di-kayang ilawaran. Mga lalake at babae na sumisigaw, umiiyak, sumasayaw, nawawalan ng malay-tao, nagsasalita at umaawit sa mga wika at nagsasalin ng mga mensaheng ito sa Ingles. Kagaya ng mga Quaker, ang sinumang nakadama ng “udyok ng Espiritu” ay maaaring umawit o mangaral. Walang choir, walang libro ng himno, walang takdang ayos ang pagpupulong, ngunit mayroong naguumapaw na kasiglahan ang mga gawain. Sa kalagitnaan nito matatagpuan si Seymour na bihirang mangaral at kadalasan ay nakaupo sa likod ng pulpit na may takip na karton ng sapatos ang ulo niya. Minsan makikita mo siya na naglalakad kung saan-saan sa gitna ng pagpupulong at may nakalawit na pera ang bulsa niya. Mayroon naglagay na hindi niya naramdaman. Minsan, “mangangaral” siya sa pamamagitan ng mga pagbabanta sa sinumang hindi sumangayon sa pananaw niya. Nag-aanyaya sila palagi na maglapitan ang mga tao sa tablang altar upang “mahayag ang mga wika.” Sa iba, bubulalas siya, “Maging mariin ka. Hingin mo ang kaligtasan, ang pagpapagiging-banal, ang bautismo sa Banal na Espiritu, o ang pagpapagaling.” (The Holiness-Pentecostal Movement in the United States, Grand Rapids: Eerdmans, 1971, pp.108, 109).
Ganito ang kaugnayan ng paglilihi ng Pentecostalismo sa Kansas noong 1900 at ang kapanganakan nito sa Los Angeles noong 1906: Natutunan ni Seymour ang BBE kay Parham sa isang pagpupulong sa Texas. Hindi nagtagal, nagpupuntahan sa Asuza Street ang mga tao mula sa iba’t-ibang dako ng Los Angeles, iba’t-ibang dako ng California, iba’t-ibang dako ng America, at iba’t-ibang dako ng mundo upang makamit ang BBE at iuwi ito. Naging bunga nito ang pagtatatag ng Assemblies of God noong 1914, at ang mabilisang paglalaganap ng Pentecostalismo.
Mula 1900 hanggang 1960 ang mga turo at gawing Pentecostal ay nakapinid sa mga simbahang Pentecostal. Minamata ng mga simbahang matatagal na ang mga simbahang Pentecostal. Ito ay nagbago sa mga huling bahagi ng dekada 1950 at unang bahagi ng dekada 1960.
Sa dekada 1960 lumaganap ang doktrinang Pentecostal sa lahat ng mga denominasiyong matatagal na, kagaya ng Baptist, Lutheran, Presbyterian, maski sa simbahang Romano Katoliko. Itong pagbabagong charismatic, o kilusang charismatic ay naiiba sa Pentecostalismo. Ang kilusang charismatic ay walang iba kundi ang Pentecostalismo sa loob ng mga simbahang hindi Pentecostal ang katuruan. Ang pangalang “charismatic,” na mas gusto ng mga simbahang protestante at Romano Katoliko, ay nagpapahiwatig na higit na binibigyan ng diin ang mga kaloob o “charismata” sa mga simbahang ito kaysa mga lumang elemento ng Pentecostalismo. Ito ang binansagang “neo-Pentecostalismo.”
Ang may kagagawan ng pagpapalaganap ng Pentecostalismo sa iba’t-ibang simbahan ay isang lalake at isang samahan. Ang lalake ay si Dennis Bennett, ministrong Episcopal, na tagaVan Nuys, California. Ikinuwento niya ang kanyang BBE sa librong Nine O'clock in the Morning. Ang samahan ay ang maimpluwensiyang Full Gospel Business Men's Fellowship International (FGBMFI). Isa sa mga pamamaraan ng FGBMFI upang makadagdag ng kapanig ay ang kanilang mga ‘breakfast meeting.’ Inaanyayahan ang mga negosiyante at mga propesiyunal mula sa iba’t-ibang iglesiya na kumain ng agahan at makinig ng mensaheng tungkol sa kilusang charismatic.
Naging kagalang-galang ang Pentecostalismo. Tumawid na sa lahat ng uri ng hangganan ng doktrina at simbahan. Dahil tinanggap nila ang Pentecostalismo, tinanggap nila ang diwa nito bilang tunay na Espiritu ni Jesu-Cristo.
Isa pang kinalabasan ng kilasang Pentecostal/charismatic ay ang paghahanap ng mga “tanda at kababalaghan.” Ito ang kilusan ni John Wimber at ng kanyang bagong denominasyon, ang Vineyard Fellowship. Sa yugtong ito ng kilusang charismatic, inaangkin ang kapangyarihan upang gumawa ng mga himala, na siyang nagpapalago raw sa Iglesiya. Kauri nito ay ang kalait-lait na “Toronto Blessing.” Naging katangian nito ang tinatawag na “banal na pagtawa” na tumatagal ng ilang oras. Ang iglesiya at kilusan ni Wimber ay hindi isang paglihis, kundi isa itong tunay na bahagi at pag-unlad ng kilusang Pentecostal. “Pangatlong alon: ng Pentecostalismo ang siyang tawag ng mga Pentecostal sa pangyayaring ito.
Kung kamanghamangha man ang kasaysayan ng kilusang ito, mula sa kapanganakan nito noong 1900/1906, tiyak naman ang ating hatol kung ito ang buhat sa Diyos o hindi. Ang Pentecostalismo ay tuwirang naggaling sa teolohiya ng isang mangangaral sa ika-18 na siglo, ang taga-Inglatera na si John Wesley. Isa sa mga turo ni Wesley ay ang “ikalawang pagpapala” sa buhay at karanasan ng isang Kristiyano. Ayon kay Wesley, may pangalawang gawa ng biyaya sa Kristiyano pagkatapos ng panunumbalik na nagdadala sa mas mataas na antas ng pagka-Kristisiyano: antas ng walang pagkakasalang kaganapan. Ito raw ay isang tiyak na karanasan sa buhay ng tao, at ito ay higit na mahalaga sa una, dahil iyon ay nagbibigay lang ng kapatawaran ng kasalanan. Ayon sa turo ni Wesley, ang ikalawang pagpapala, na binansagan niyang “lubos na pagpapaging-banal” ay dapat daw hanapin ng bawat Kristiyano. Kung ipagkakaloob ito ng Espiritu, mayroon naman mga kundisyon na kailangan munang tuparin ng Kristiyano.
Naging resulta ng turo ni Wesley and tinatawag na “Holiness Movement” sa siglong 1800 na nangyari sa Kanlurang Amerika at sa Inglatera. Nagdadaos ng mga “revival” na kung saan ipagkakaloob ng Espiritu itong “ikalawang pagpapala” ng ganap na kabanalan at isang mas mataas na antas ng buhay-Kristiyano. Isa sa mga pangunahing mangangarap nitong higit na dakilang kilos ng Espiritu ay si Charles Finney. Sa mga pagpupulong nila ang ikalawang pagpapala ay sinamahan ng mga kakaibang kaganapan na lumitaw din sa BBE ng Pentecostalismo.
Ang tanging ginawa ng Pentecostalismo ay ibahin ang tawag sa ikalawang pagpapala ni Wesley. Ito ay ginawang BBE, tapos sinabi pa nila na ang iisang ebidensiya nito ay ang pagsasalita sa mga wika. Ngunit may isang malaking kaibahan. Nang angkinin ng Pentecostalismo ang ikalawang pagpapala ni Wesley at pinalitan ito ng BBE, ikinaila ng Pentecostalismo na kalakip ng BBE ang kabanalan, lalo na ang ganap na kabanalan. Ayon sa turo ng Pentecostalismo, ang BBE ay walang kinalaman sa kabanalan. Ang BBE raw ay isang mahiwagang karanasan na nagdudulot ng kapangyarihan at mga kaloob para sa paglilingkod. Tiyak na manlulumo si Wesley kung makikita niya ang pag-hijack ng kanyang ikalawang pagpapala.
Ang kasaysayang ito, na siyang ulat mismo ng Pentecostalismo ng kailang sariling kasaysayan, ang nagpapatunay na ang Pentecostalismo ay hindi buhat sa Diyos, hindi mula sa Espiritu ni Jesu-Cristo.
Paano?
Ang kilusang Pentecostal/charismatic ay napapatunayang huwad sapagkat ito ang bunga ng teolohiya ni Wesley, ay ang teolohiya ni Wesley ay ang huwad na ebangheliyo mula sa kalooban at mga gawa ng makasalanan (Arminianismo). Ayon sa turo ni Wesley, pare-parehong minamahal ng Diyos ang lahat ng tao, at namatay si Cristo para sa lahat ng tao, at hinahangad ng Espiritu ang kaligtasan ng lahat ng tao. Subalit nakasalalay ang kaligtasan sa pasiya ng makasalanan mismo. Kinamuhian ni Wesley ang katotohanan na ang kaligtasan ay galling sa malaya, palapili at makapangyarihang kaawaan. Nagbigkas si Welsey ng malulubhang pamumusong laban sa ebangheliyo ng biyaya. Ang kanyang ikawlang pagpapala, na nagging BBE ng Pentecostalismo, ay sumasangayon sa kanyang huwad na ebangheliyo ng malayang kalooban. Nakasalalay sa pasiya at gawa ng tao kung matatanggap niya o hindi ang ikalawang pagpapala.
Ang teolohiya ni Charles Finney, na pangunahing mangangaral ng “holiness movement,” at koneksyon sa pagitan ni Wesley at ng Pentecostalismo, ay pareho sa teolohiya ni Wesley. Si Finney at dating Presyterian. Subalit kinamuhian niya ang Calvinismo. Naglibot si Finney kung saan-saan na agresibong ipinangangaral ang ikalawang pagpapala ng ganap na kabanalan sa pamamagitan ng malaya at makapangyarihang kalooban ng tao.
Ang Pentecostalismo ay likas na bunga ng turong ito. Ito ang siyang bunga sa puno ni Wesley, puno ng kaligtasan sa pamamagitan ng kalooban ng tao. Sa lahat ng paraan, ang Pentecostalismo ay isang mensahe at kilusan ng malayang kalooban ng tao. Ang unang bautismo sa turo ng Pentecostalismo – ang kaligtasan mula sa kasalanan ay resulta ng pagtanggap kay Jesus na mula sa kalooban ng tao. Ang ikalawang bautismo, ang BBE, ay nakasalalay na rin sa kalooban ng tao kapag naganap niya ang mga kundisyon ng Espiritu.
Inaamin ng mga Pentecostal na ang kanilang turo ay lubos na Arminian. Sulat ni Don Basham: “Maginoo ang Espiritu Santo. Gumagawa siya sa buhay natin kapag pinapayagan natin Siya. Inaamo Niya tayo, inuudyukan at ginagabayan, ngunit hindi siya namimilit. Kung ang tao ay magiging Kristiyano, kailangan gustuhin at loobin niyang tanggapin si Cristo, at kung gusto niya, kaya niya. Upang mapuspos ng Banal na Espiritu dapat gusto niya at loobin niya, at kung ganoon, kaya niya. Ang bautismo sa Banal ng Espiritu ay nakalaan sa bawat Kristiyano.” (Handbook on Holy Spirit Baptism, p. 35).
Ito ang buod ng Pentecostalismo, ayon sa isa sa mga ginagalang na tagapagturo na Pentecostal, na si Vinson Synan:
Bagamat nag-umpisa sa Estados Unidos ang kilusang Pentecostalismo, ang ugat nito ay sa Inglatera. Ang mga saligang turo nito ay itinayo ni John Wesley sa ika-18 na sigla. Ang kilusang Pentecostal ay nagmula sa Methodismo at mula kay Wesley kumalat ito sa Anglicanismo at Katolosismo. Ang teolohiya ng Pentecostalismo ay malayo sa tradisyon ng Calvinismo o Reformed. Ang saligan teolohiya ng Pentecostalismo ay mbsasabing Arminian, ‘perfectionistic, premillennial, at charismatic” (The Holiness-Pentecostal Movement in the United States, p. 217).
Ito ang dahilan kung bakit natatanggap ng Simbahang Romano Katoliko ang Pentecostalismo. Ang mensahe ng kaligtasan sa Pentecostalismo ay Arminian – at ang Arminianismo ay Semi-Pelagian – na siyang ebangheliyong ipinangangaral ng Roma.
Ngunit ang ebangheliyo ng malayang kalooban ay isang huwad na ebangheliyo. Dinideklara ng Kasulatan sa Mga Taga-Roma 9:16 na ang kaligtasan ay, “hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa.” Ang iisang tunay na ebangheliyo ang siyang mabuting balita ng kaligtasan sa pamamagitan lamang ng biyaya ng Diyos. Malinaw na itinuturo ang ebangheliyo ng biyaya sa Mga Taga-Efeso 2:8: Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios.” Ang pinagmumulan ng mapagbiyayang kaligtasang ito ay ang walang hanggang pagpili ng Diyos, gaya ng turo ng apostol sa Mga Taga-Efeso 1:3-4 – “Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo: Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya.”
Dahil sa iisang bagay na ito – na ang Pentecostalismo ang kinalalabasan ng Arminianismo at ito ay sinasadya at lubusan Arminian – ang iisang bagay na ito ay sapat upang patunayan na ang buong kilusang Pentecostalismo/charismatic ay hindi mula sa Diyos. Sapagkat hindi ibibigay ni Jesu-Cristo ang Kanyang Espiritu na bunga ng kasinungalingan ng isang bulaang ebangheliyo. Ang Espiritu mismo ay hindi gagawa ng isang dakilang gawa ng kaligtasan (na siyang inaangkin ng Pentecostalismo) sa pamamagitan ng isang bulaang ebangheliyo. Hindi kikilanlin ng Espiritu ang isang kilusan na napopoot sa biyaya at kaluwalhatian ng Diyos at nagpapalaganap ng isang ebangheliyo nagdadakila sa tao. Hindi ipagkakaloob ng Espiritu ang Kanyang presensiya at kapangyarihan sa kilusang ganito.
Maaari bang gumawa ang Espiritu na nagkasi sa Roma 9:16 sa isang gawaing nagmumula at nagpapahayag ng ebangyeliyo ng kaligtasan na bunga ng kalooban ng tao? Maaari bang magbunga ng tunay na kilos ng Espiritu ni Cristo at likong puno ng bulaang ebangheliyo?
Para husgahan ang kilusang Pentecostal/charismatic, hindi na kailangang ipaliwanag kung bakit ang mga mananampalataya noong Araw ng Pentecostes ay nagkaroon ng dalalwang karanasan – panunumbalik sa Diyos at ang BBE. Hindi rin kailangan idebate kung ang mga natatanging kaloob ng Esipritu ay huminto noong panahon pa ng mga apostol o kung mayroon hanggang ngayon. Hindi rin kailangan pag-aralan ng masusi ang Unang Mga Taga-Corinto 12-14. Hindi sa sinasabing hindi dapat gawin o hindi mahalagang gawin ang mga bagay na ito. Ginawa ko nga mismo ang mga bagay na ito sa aking libro na "Try the Spirits: A Reformed Look at Pentecostalism" (South Holland, IL: The Evangelism Committee, repr. 1988).
Iisa lang ang dapat gawin at ito ay kayang gawin ng bawat mananampalataya: alamin ang ebangheliyo ng Biblia at ikumpara ito sa ebangheliyo ng Pentecostalismo. Kung ang mensahe ng Biblia ay nagsasabi na ililigtas ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang malayang kalooban, posibleng tunay na kilos ng Espiritu ang Pentecostalismo. Ngunit kung ang ebangheliyo ng Biblia ay mensahe ng makapangyarihang biyaya (Calvinismo), huwad na kilusan ang Pentecostalismo. Yamang ang ebangheliyo ay mabuting balita ng biyaya, nahahayag ang Pentecostalismo na bahagi ng pagtaliwakas sa mga huling araw na kung saan magkakaisa ang lahat ng bulaang iglesya sa ilalim ng Anticristo (2 Mga Taga-Tes. 2, Apoc. 13)
Ang pananampalataya ay hindi hinihingi sa atin ng Espiritu ni Cristo na siyang nagkakaloob ng Kanyang sarili sa ebangheliyo ng biyaya ng Diyos. Bagkus, ipinagkakaloob Niya ang pananampalataya bilang malayang kaloob batay sa kamatayan ni Cristo na nagkamit ng pananampalataya para sa atin. Ang pananampalatayang iyon, ay “hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios,” ayon sa apostol sa Mga Taga-Efeso 2:8. Sa pamamagitan ng pananampalatayang ito ipinagkakaloob ni Cristo ang Espiritung nananahan sa atin. Ang bautismo ng Banal na Espiritu ay walang iba kundi itong gawa ni Cristo ng pagliligtas sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. At ito ay inilalarawan sa lahat ng mananampalataya sa bautismo ng tubig.
Nagagawa ng pananampalataya kay Cristo ang lahat ng hinahanap ng mga Pentecostal sa kanilang BBE.
Ebidensya ba ng bautismo ng Espiritu ang pagsasalita ba sa mga wika? Pananampalataya at ang pagpapahayag na si Jesus ay Panginoon ang dapat maging ebidensya ba ng bautismo ng Espiritu (1 Mga Taga-Corinto 12:3).
Dapat bang ituring na kamanghamanghang karanasan ng kaungnayan sa Diyos ang ng BBE ng Pentecostalismo? Ang tunay na karanasan ng kaungnayan sa Diyos ay ang pananampalataya (Mga Taga-Efeso 3:16-19).
Dapat bang hinahangad ang BBE ng Pentecostalismo bilang kapangyarihan para sa paglilingkod? Ang tunay na kapangyarihan na nagpapalaya sa dila upang magpahayag at magbahagi ay ang pananampalataya (Mga Taga-Roma 10:9, 10).
Kakayanan ba ang BBE ng Pentecostalismo upang gumawa ng mga makapangyarihang bagay gaya ng pagtawa ng mahabang oras, pagkahol na warin aso, o pagtumba sa sahig? Dahil ang pananampalataya ay kumakapit sa Cristong nabuhay muli sa mga patay, ito ang tunay na kapangyarihan upang gumawa nga mga kagila-gilalas na bagay na gaya ng pagsisisi sa kasalanan, pagkakaroon ng kapayapaan sa Diyos na bunga ng kapatawaran, pagkamuhi sa kasalanan sa sariling buhay at sa mundo, pagsunod sa Panginoon, maamong pagpasan ng mga sariling bigatin, pagtitiis sa mga pagsubok at pagtatagumpay sa sanlibutan (Hebreo 11; 1 Juan 5:4).
Magsisi dapat ang Pentecostal sa kanyang pagsalig sa isang bulaang ebangheliyo, at, sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, sampalatayanan niya ang tunay na ebangheliyo. Sa ganitong paraan, matatamo niya ang kapayapaan sa Diyos at ang tunay na kapangyarihan upang isapamumuhay ang kanyang panawagan bilang Kristiyano.
Uriin ng sinumang naaakit ng kilusang charismatic ang mensahe ng Pentecostalismo at ang ebangheliyo nito sa pamamagitan ng turo ng Banal na Kasulatan, hindi sa pamamagitan ng mga kaloob o karanasan ninuman.
At tayong sumasampalataya sa ebangheliyo, mga sumasampalataya kay Cristo, matiyak tayo sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Jesu-Cristo tayo ay ganap na, dahil “sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman” (Mga Taga-Colosas 2:9-10).
Para sa karagdagang babasahin sa
wikang Tagalog, i-click dito
http://www.bereanprcp.org/html/tagalogsection.htm
http://prcaphilippinesaudio.wordpress.com/tagalog/
Ni : Rev. Wilbur Bruinsma
Nangangaral ako ng taimtim at halatang nakikinig ng husto ang kongegasyon. Biglang may nangyari na hindi inaasahan. Nahinto ang pagsasalita ka dahil sa sa ingay na waring asong sinasakal. Tumigil ako at tumingin sa likod ng simbahan sa pinagmumulan ng ingay. Muntik nang lumukso mula sa kinauupuan ang aking pamilya na nakaupo sa harapan. Ngunit hindi nabahala ang sinumang ibang sa simbahan. Tila sanay na sila. Ngunit ito ang unang pagkakataon na naenkwentro ko ang mga kaloob ng Espiritu, sa isang liblib na simbahan sa Jamaica. Naulit pa ito ng mga dalawang beses pa habang nangangaral pa ako.
Pagkatapos ng Gawain, tinanong ko yung babaeng gumawa nito kung bakit niya ginambala ang Gawain. Hindi raw niya mapigilan ang kanyang sarili. Pinuspos daw ng Espiritu ang kanyang puso kung kaya hindi niya mapigilan ang kanyang mga hiyaw. Dahil dito, minabuti kong suriin ang mga pagsasalita sa mga wika, mga pagpapagaling at mga kapahagayan na nauulat sa Biblia upang maunawaan ko ito.
Ang mga kaloob ng Espiritu (charismata, na siyang Griego ng salitang “kaloob”) ay napakahalaga sa paniniwalang Pentecostal. Mahalagang sangkap ng pag-iisip ay pangsamba ng mga Pentecostal ang pagkamit nga bawat miyembro ng mga kaloob ng Espiritu. Bagamat inaangkin ng Pentecostalismo na pinaniniwalaan nito ang lahat ng katotohanang nakapaloob sa Biblia, ang higit na binibigyang diin sa pagsamba ay ang bautismo sa/ng Banal na Espiritu. Bunga nitong bautismo ang sari-saring “charismata,” o mga kaloob. Si Anne S. White ay naging manunulat, tagapagturo, at tagapayo sa kilusang charismatic noong dekada 1960-70. Sa aklat niya na Healing Advenature, ginamit niya ang 1 Mga Taga-Corinto 12:4-7 upang bilangin ang iniisip niyang siyam na pinakaimportanteng kaloob ng Espiritu. “Ang siyam na kaloob na itinala ni Paul ay ang pagbigkas ng karunungan… pagbigkas ng kaalaman… pananampalataya… mga kaloob… mga kaloob ng pagpapagaling… paggawa ng mga himala… propesiya…kakayanang uriin ang mga espiritu…iba’t-ibang wika…pagpapaliwanag ng mga wika.”
Sa siyam na kaloob na ito, tatlo ang higit na iniintindi: pagsasalita sa mga wika, propesiya, at ang patuloy ng mga pahayag. Laganap saanman ang napakaraming libro tungkol sa mga kaloob na ito at kung paano ito makakamit. Sa karamihan ng mga librong ito, mga pansariling karanasan ang siyang saligan ng turo na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang mga kaloob na ito. Bagamat may ilang talata ng Biblia ns sinisipi ng mga manunulat na ito, kapag sinuri ng maigi, wala ni isa ang may kinalaman sa pagpapatuloy ng mga charismata ngayon. Ang ministro at tagapag turo ng Church of God, na si Rev. James Slay ay may libro na pinamagatang This We Believe, na kung saan sinubikan niyang patunayan mula sa Biblia na ang mga kaloob ng Espiritu ay nagpapatuloy sa simbahan hanggang ngayon. Susuriin ang ilan sa mga argument niya.
Nabanggit natin kani-kanina na tatlo sa mga kaloob ng Espiritu ang pinapansin ng husto ng kilusang Pentecostal, ang pagsasalita sa mga wika, propesiya, at ang patuloy ng mga pahayag. Sa tatlong ito, ang pinakamahalaga ay ang pagsasalita ng mga wika.
Ang unang insidente ng pagsasalita ng mga wika ay matatagpuan sa mga kaganapan ng Araw ng Pentecostes. Sa katunayan, sa pangyayaring ito, nakaugnay ang presensiya ng Espiritu sa pagsasalita sa mga wika. Ito ang dahilan kung bakit ang mga nagnanais pairalin ang pagsasalita ng mga wika sa kasalukuyan ay binansagang mga Pentecostal.
Nababasa natin ang pangyayaring ito sa Mga Gawa 2:1-4:
At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako. At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan. At sa kanila'y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila. At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.
Ang pangatlong palatandaan ng presensya ng Espiritu sa simbahan, sa makatuwid, ang pagsasalita sa mga wika, ito ang pilit ipapansin sa atin ng mga Pentecostal. Ginagawa nila ito dahil, sa tatlong palatandaan, ito lang ang nagpatuloy pagkatapos ng Pentecostes. Ang himalang nangyari ay medaling ipaliwanag: Nang pumasok ang Espiritu sa puso ng mga alagad ni Cristo, nagpasimula silang magsalita sa ibang wika, sa makatuwid, sa mga wika ng ibang bansa. Ang mga lalaking ito, na pawing taga Galileo, hindi mga dalubwika, sa pamamagita ng Espiritu ay biglang nakapagsalita ng wika ng ibang bansa. Kung kayat naintindihan ng mga taong naroroon na mula sa mga bansang iyon, ang kanilang pangangaral. Ang palatandaang ito ng pagbuhos ng Espiritu ay hindi huminto nang araw na iyon.
Ipinakikita sa atin ng Pentecostal ang pinaniniwalaan niyang apat pang insidente nito sa Mga Gawa.
Ang una ay sa Mga Gawa 8:14-17, na kung saan nakikita natin sina Juan at Pedro ay isinugo ng simbahan sa Jerusalem sa Samaria kung saan nangaral na ang ebanghelista sa si Felipe.
Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan: Na nang sila'y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo. Sapagka't ito'y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila'y nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. Nang magkagayo'y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo.
Hindi sinasabi nang tuwiran, ngunit may katuwirang ipahiwatig ng mga talatang ito na nang ipatong nina Juan at Pedro ang kanilang mga kamay sa mga Samaritano, nagsalita rin sila ng mga wika. Ito ang dahilan kung bakit isip ni Simon na manggagaway na bilhin ang kakayanang maggawad ng kaloob na ito.
Ang ikalawang insidente ng pagbuhos ng Espiritu, na sanhi ng pagsasalita sa mga wika ay ang kay Pablo mismo sa kanyang kombersyon sa Mga Gawa 9:17-18. “At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Espiritu Santo. At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at siya'y binautismuhan.” Walang sinasabi sa talatang ito sa si Pablo ay nagsalita sa mga wika, ngunit pinatotohanan nito na napuspos siya ng Espiritu. Sa 1 Mga Taga-Corinto 14:18, kinilala ni Pablo na siya ay nakapagsalita sa mga wika.
Ang pangatlong insidente ng pagsasalita sa mga wika na nauulat sa Mga Gawa 10 at 11. Nababasa natin dito ang pangangaral ni Pedro ng mabuting balita sa sambahayan ni Cornelio, isang Hentil na kawal. Sa talatang 44-46 ng Mga Gawa 10, nababasa natin:
Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita. At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka't ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo. Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios.
Sa pagkakataong ito, hindi mapapasubalian. Naganap nga ang himala ng pagsasalita sa mga wika sa kombersyon ni Cornelio at ng kanyang sambahayan.
Ang ika-apat at panghuling pagkakataon ay nauulat sa Mga Gawa 19:1-7, na kung saan may labingdalawang taga-Efeso na binautismuhan pagkatapos narinig ang pangangaral ni Juan Bautista at ngayo’y nakarinig ng pangangaral ng Ebangheliyo kay Pable. Ipinaliwanag ni Pablo na nangaral na at nagbautismo si Juan sa pangalan ni Cristo. Binautismuhan ni Pablo ang mga lalakeng ito at pinspos sila ng Espiritu, at nababasa natin na sila’y nagsalita sa mga wika.
Ito ang tanging mga insidente na nababasa natin sa aklat ng Mga Gawa. Ngunit binabangit din ng mga Pentecostal ang sa Markos 16:15-18.
At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan. At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika; Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.
Pilit ipinapapansin sa atin ng Pentecostal ang di-mapapasubaliang turo ng Panginoon mismo na ang himala ng mga wika ay magaganap pagdating ng Espiritu. Ang pagsasalita ng mga wika ay tunay na naganap sa sinaunang panahon ng Iglesiya. Malinaw din naman ito sa 1 Mga Taga-Corinto 12-14, na kung saa’y tinatalakay ni Pablo ang paksang ito. Halata naman na naganap ang pagsasalita ng mga wika sa mga iglesiyang itinatag ni Pablo sa kanyang mga paglalakbay.
Tungkol sa mga katibayan ng pagsasalita sa mga wika, isinulat ni Rev. James Slay:
Kung ang mga kaloob na espirituwal na ito ay para lamang sa panahon ng mga apostol, bakit pa isasama ng Banal na Espiritu sa Salita Niya? Bakit pa ibibigay sa atin ang mga patakaran tungkol sa regalsyon ng mga kaloob na ito kung hindi ito plano ng Diyos na ibigay din ito sa atin? Bakit pa sasabihin sa mga anak ng dukha kung paano gamitin ang hindi ipinamana sa kanila? (pah. 90)
Muli, sulat ni Slay (pah. 91):
Ang bautismo sa Banal na Espiritu at ang mga wika ay mayroong malinaw sa ugnayan sa isa’t-isa. Hindi ito karanasan ng hindi mapigilag bulalas o sumpong ng mga lihim ng ulirat, ni mga satsat ng taong ignorante. Mayroon tayong malinaw na ebidensiya ng isang kaganapang espirituwal ba lubhang marami ang nakasaksi.
Napak-simple ang katuwiran ng Pentecostal: maliban na may maipapakitan ebidensiyang suamsalungat, malinaw na turo ng Biblia ang pag-iral sa kasalukuyan ng mga kaloob ng Espiritu. Wala umanong dahilan para isipin na naglaho na ang kaloob na ito. Kaya lang, hindi raw ito madaling patunayan mula sa kasaysayan, dahil posibleng tumalikod ang mga sinaunang mananampalataya o kaya’y pinabayaan nila ang kaloob na ito.
Ganoon din ang katuwirang ginagamit tungkol sa kaloob ng pagpapagaling. Si Jesus mismo ay nag-ukol ng malaking bahagi ng Kanyang ministeriyo sa pagpapagaling. Ayon sa halimbawa Niya, ninais Niyang pagalingin ang ating mga kaluluwa, pati mga katawan. Ipinagkaloob Niya ang kaloob na ito sa Iglesiya noong Araw ng Pentecostes. Nababasa natin ito sa Marcos 16:17-18 (sinipi sa itaas). Maraming insidente ng pagpapagaling ang nauulat sa Bagong Tipan. Si Pedro ay pinagkalooban ng kapangyarihang magpagaling (Mga Gawa 3:1-11; 5:15). Nababasa natin sa Mga Gawa na nagpagaling si Filipe ng mga lumpo habang siya’y nangangaral sa Samaria (Mga Gawa 8:5-7). Nababasa natin sa Mga Gawa 6:8 na ipinagkaloob kay Esteban ang paggawa ng mga himala, bagamat hindi sinasabi kung anu-ano ang mga ito. Maraming pagkakataon, si Pablo ay nagpagaling ng mga may sakit at nagpalayas ng mga demoniyo (Mga Gawa 14:8-10; 19:11-12).
Kagaya sa kaloob ng mga wika, ganoon din sa kaloob ng pagpapagaling. Ikinakatuwiran ng mga Pentecostal na dahil walang tuwirang sinasabi ang Biblia na huminto na ang kaloob na ito, nagkakamali tayo kapag sinasabi natin na ito ay hindi para sa ngayon. Ito raw ay kaloob na bigay ni Cristo, hindi sa lahat, kundi doon lamang sa mayroong malakas na pananampalataya.
Sa katunayan, kalakip ng kaloob na ito, ikinalat ng mga Pentecostal sa buong mundo ang idea tungkol sa kapangyarihan ng panalangin. Sabi nila na kung may isang tao na pinagkalooban ng kapangyarihan ng pananampalataya ay mananalangin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, magagawa niyang magpagaling ng tao. O kung hindi man ito tumalab, maaaring magsama-sama ang mga mananampalataya upang dalahungin ang trono ng Diyos at matutugon ang kanilang panalangin at gagaling ang may-sakit. Ang pagpapagaling at ang ‘mabisang panalangin’ ay magkaugnay sa paniniwalang charismatic.
Panghuli, mayroong kaloob ng nagpapatuloy na kapahayagan. Ang kaloob na ito ay nababatay sa propesiya ni Joel na binaggit ni Pedro sa kanyang sermon sa Araw ng Pentecostes sa Mga Gawa 2:17-18:
At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: At ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain, Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip: Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon Ibubuhos ko ang aking Espiritu; at magsisipanghula sila.
Binibigyang-diin ng mga Pentecostal ang kaloob na ito na umiral sa iglesya noong araw. Bagamat hindi ito malimit na umiral, may ilang pagkakataon na nababanggit ito. Halimbawa, sa Mga Gawa 21:8, 9 nababasa natin ang tungkol sa apat na anak na babae ni Filipe na mga nagpropesiya tungkol sa pagdakip kay Pablo nga mga Judio. Gayundin, madalas na may propesiya sa iglesiya sa Corinto. Mula sa mga talatang ito, sinasabi na dapat asahan din daw natin ang pagpapatuloy ng kaloob ng propesiya sa kasalukuyan. Wala naming parte ng Biblia na nagsasabing hindi na sumasatin pa ang kaloob na ito.
Sa pananaw ng mga Pentecostal, ang kaloob na ito ay walang kinalaman sa pangangaral. Sa gawing ito, hindi raw nabibigyan ng pagkakataon ang Espiritu upang kusang kumilos. Kapag ang taong puspos ng Espiritu ay ginagabayan siya ay nagpapahayag ng mga bagay na wala sa Biblia o kaya ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Hawak umano ng Espiritu ang puso at dila ng taong ito kung kaya hindi niya mapigilan ang magsalita kagaya ng mga propeta sa panahon ng Matandang Tipan.
Ito umano ang mga charismata, mga kaloob ng Espiritu. At malaking bahagi ng pagsamba sa simbahang Pentecostal ang pagbibigay-pansin sa mga kaloob na ito. Sa aklat niyang A Theology of the Spirit, sulat ni Frederick Dale Brunner (pah. 132-133):
Ang pagpupulong sa simbahang Pentecostal ay nakasentro sa mga dumadalo. Ito ay tumpak na paliwanag. Kumpara sa Protestante na nakasentro sa pulpito o Katoliko na nakasentro sa altar, sa Pentecostal ang sentro ay ang mga mananampalatayang dumadalo. Ayaw naming na an gaming kapulungan ay maging mga manonood, kundi mga nakikibahagi sa pagsamba. Sa ganitong paraan pinipilit ng mga Pentecostal na ang bawat isa ay bigyan ng pagkakataong makibahagi sa buhay ng simbahan. Dito makikita ang tunay at pinakamahalagang larangan ang mga kaloob.
Kaya mayroong kasiglahan sa pagsambang Pentecostal. Ang bawat isa ay umaasa at handang tumanggap ng isa o higit pa ng mga kaloob na ito.
Sari-saring paraan ang ginagamit upang likhain ang kasiglahan at pag-asang ito: masayang kantahan, masiglang tagapagsalita, mga patotoo, pagsigaw ng hallelujah at amen, o kaya, pagtawa. Tapos biglang nangyayari. Kapag napukaw ang damdaming ng lahat, sinasabi nang pumapasok na ang Espiritu sa pagsamba ng simbahan. May magsasalita na sa mga wika; may aakyat sa pulpit upang isalin ang mensahe sa mga wika; may magpapahayag ng mensahe na bigay raw mismo ng Diyos. May await, sasayaw. May matutumba at manginginig. Minsan naglalaan pa sila ng oras na kung saan may binibigyan ng pagkakataon magpagaling ng mga may-sakit.
Ito ang karanasang Pentecostal. Ito ang mga charismata – mga kaloob ng Espiritu.
Napakahalaga na suriin natin ang mga argumento ng mga Pentecostal batay sa Salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ang siyang batayan ng bawat uri ng katuruan at dapat uriin ang lahat ayon ditto kung ito ay totoo. Sa makatuwid, hindi natin papasadahan ng mababaw ang ilang talata ng Biblia na tila nagsasabi ng bagay na hindi naman nito sinasabi. Kailangan suriin ang Biblia upang malaman kung ano nga ba ang sinasabi ng Espiritu sa Iglesya.
Sa munting aklat na nito, hindi natin balak usisaing ang bawat aspeto ng katuruan Pentecostal tungkol sa mga kaloob ng Espiritu. Para diyan, mangangailangan ng mahabang aklat. Ngunit pwede punahin ang pagsasalita nga mga wika na kinikilalang totoo ng mga Pentecostal. Maaaring ibulgar ang mga “himala” umano ng pagpapagaling. Maaaring ituwid ang maling aral tungkol sa panalangin, at maaaring batikusin ang pangangabuso ng pagsimba. Ngunit ang layuning ng aklat na ito ay ang linawing mung ano nga ang turo ng Biblia tungkol sa mga kaloob ng Espiritu.
Dalawang bagay ang mapupuna tungkol sa sobra atensyun ng mga Pentecostal sa pagkamait ng mga kaloob nga Espiritu.
Una sa lahat, dahil sa sobrang diin sa mga kaloob ng Espiritu napapabayaan tuloy ang tunay at mahalagang pagkakilala sa Banal na Kasalutan. Hindi ibig sabihin na walang sinuman sa kilusang Pentecostal ang bumabanggit ng mga talata mula sa Biblia. Punong-puno nga ang mga akda nila. Hindi rin ibig sabihin na pinapabayaan ang pangangaral sa pagsimba nila. Subalit nakakawla ng ganang mag-aral ng Salita ng Diyos dahil sa pagbibigay-diin sa mga kaloob ng Espiritu. Sa bungad ng aklat ni James Slay, inaamin ito:
Alam ng Church of God kung ano ang paniniwala nito. Ipinangangaral at inilalathala ang mga paniniwalang ito. Ngunit hanggan ngayon hindi ito binuo sa isang sistema. Hindi ibig sabihin na wala kaming interes sa teolohiya. Malamang ito ay resulta ng nakagawian naming pagsandal sa Salita lang bilang gabay sa doktrina.
Malaking bagay ito na inaamin ng isang denominasyung Pentecostal na umiiral ng mahigit 75 na taon noong isinulat ang aklat na yun! Walang nagbibigay-diin sa pagkamit ng kaalaman ng nilalaman ng Biblia. Halos binabale-wala ang Matandang Tipan. Ginagamit ang Bagong Tipan upang ihanda ang mga miyembro sa pagtanggap ng mga kaloob ng Espiritu o ng kasiglahan ng muling pagbabautismo. Napapatunayan ito ng kanilang kawalan ng pruheba mula sa Biblia tungkol sa pagapapatuloy ng mga charismata sa Iglesya ngayon! Napapatunayan din ang pagbabale-wala nila sa tunay na gawa ng Espiritu na nakasaad sa Biblia. Tunay na naaakma sa kilusang ito ang sabi ng propeta na si Amos sa Amos 8:11: mayroong tagutom sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon!
Ang ikalawang puna laban sa kilusang ito ay ito ay nakasentro sa tao, hindi nakasentro sa Diyos o kay Cristo. Ang pagsambang Pentecostal ay hindi nakasentro sa pangangaral ng Salita. May pangangaral nga, ngunit walang pagpapahalaga sa pakikinig sa tinig ng Diyos sa pamamagitan ng maingat at masusing pagpapaliwang ng Salita. Ang binibigyan ng halaga ay ang taong magaling magsalita na hindi niya pinaghandaan. Naaakit ang atensyun sa mangaawit na maganda ang boses o ang humuhuni na waring nagsasalita sa ibang wika. Nabibigo tuly ang mga kaluluwa na humahanap sa Espiritu. Tila mga segunda-klase silang mga Cristiano!
Marami pa ang maipipintas sa sobrang atensyun ng nga Pentecostal sa pagkamit ng mga kaloob ng Espiritu, ngunit nais natin suriin ang turo nga Biblia tungkol sa mga kaloob na ito.
Natutumbok ni James Slay ang kawalan ng pagsangayon na umiiral sa pagitan ng mga Pentecostal at sa hindi naniniwala sa katuruan nila. Sabi niya (pah. 92):
Kung ang karanasang ito (mga wika – WB) ay para lamang sa panahon ng mga Apostol, ,ay dahilan kung bakit hindi ito inilaan sa buong iglesya. Kinailangan ba ng mga Apostol, na nakasama ng Panginoon, ang natatanging kakayanang ito upang laksan ang kanilang pananalig? Nangailang ba ang mga kapanahon ni Jesus ng di-karaniwang palatandaan upang makumbinse sila, kahit na nakasama nila at napakinggan nila an gating Panginoon?
Ang sagot na hinahanp ni Slay sa mga tanong niya ay “hindi.” Ang sagot naman natin ay “oo.” Kinailangan ng mga Apostol at ng buong iglesya noon ay natatanging palatandaan na ito upang makumbinse sila ng paggawa ng Espiritu sa Iglesya! Malinaw ito sapagkat ang pagsasalita ng mga wika ay isang palatandaan! Isang palatandaan! Ito ay kataga na bihirang pansinin sa mga usapang ito.
Ayon sa mismong kalikasan niya, ang isang palatandaan ay mawawala kapag dumating na ang inaasahan. Kapag may nakita tayong karatula ng isang kainan sa tabing daan, alam nating malapit na tayo doon. Ngunit kapag lumampas na tayo sa lugar na iyon, wala nang karatula pa. Bakit? Kapag dumating na ang katunayan na inihuhudyat ng palatandaan, hindi na ito kailangan. Ito ang kalikasan ng isang palatandaan. Nawawala kapag napapalitan ng katunyan.
Bueno, ang mga wika at ang pagpapagaling ay kapwa mga palatandaan. Hindi ba ito ang sinabi ni Jesus tungkol sa mga ito sa Markos 16, na lalakip umano sa pangangaral ang mga palatandaang ito?
Una sa lahat, ito ay akma sa kaloob ng mga wika. Sulat ni Pablo sa 1 Mga Taga Corinto 14:22, “Kaya nga ang mga wika ay pinaka tanda, hindi sa mga nagsisisampalataya; kundi sa mga hindi nagsisisampalataya.” Ito ang tanong: Ang mga wika ay tanda ng ano? Siyempre, hindi ito tanda ng pagbuhos ng Espiritu. Kung gayon, huminto na dapat ang tandang ito noong araw ng Pentecostes kagaya ng iba pang tanda. Ang kahulugan ng tanda ng pagsasalita ng mga wika ay ito: ibinuhos ang Espiritu sa mga tao mula sa lahat ng mga lahi at bansa at wika sa sanlibutan. Ito ay palatandaan na bumubuo ang Diyos ng iglesya mula sa lahat ng bansa. Ang kaligtasan kay Cristo ay hindi lamang para sa mga Judio, kundi ibibigay ito sa mga tao mula sa lahat ng wika, lahi at bansa. And pagsasalita sa mga wika ay palatandaan nito.
Kinailangan ng mga Apostol ang palatandaang ito upang makumbinse sila na ang kaligtasan ay hindi na para lamang sa mga Judio! Bakit pa nagsalita ang mga Alagad ng Panginoon sa ibang wika sa Araw ng Pentecostes? Ito ay upang magsisisi at sumampalataya ang mga Judio na galing sa iba’t-ibang lugar ng mundo.
Bakit nagsalita sa mga wika ang mga Samaritano sa Mga Gawa 8, matapos ipatong nina Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa kanila? Upang patunayan sa mga Judio, na tinuruan sa loob ng ilang siglo, na ang kaligtasan ay para sa mga Judio lang. Naging kabahagi ng mga Judio ang mga Samaritano sa mga pagpapala ni Cristo na ibinuhos ng Espiritu sa Kanyang iglesya. Kinamuhian ng mga Judio ang mga Samaritano. Ngayon, pinatunayan ng Diyos na ang mga Samaritano ay bahagi ng iglesya ay saklaw sa tipan. Paano? Sino ang makakatanggi sa pag-iral ng Espiritu sa mga puso nila, kung sila ay nagsalita sa mga wika kagaya sa nangyari sa Araw ng Pentecostes?
Gayundin ang pangyayari nang mangaral si Pedro sa sambahayan ni Cornelio at sila ay sumampalataya sa pamamagitan ng pangangaral na iyon. Sino ang maniniwala na maaaring maging bahagi ng iglesya ang mga Gentil at magiging tagatanggap ng paggawa ng Espiritu sa puso nila? Ngunit nang gumawa ang Espiritu sa puso nila, nagsalita din sila sa mga wika bilang palatandaan ng presensiya ng Espiritu. At nang makipagtalo kay Pedro ang mga Judio sa Jerusalem, sabi ni Pedro sa Mga Gawa 11:17, “Kung ibinigay nga sa kanila ng Dios ang gayon ding kaloob na gaya naman ng kaniyang ibinigay sa atin, nang tayo'y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesucristo, sino baga ako, na makahahadlang sa Dios?” Nang marinig ito ng mga Judio, sumagot sila sa talata 18, “At nang marinig nila ang mga bagay na ito, ay nagsitahimik sila, at niluwalhati ang Dios, na sinasabi, Kung gayo'y binigyan din naman ng Dios ang mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay.”
Hindi mapapasubaliang lumakip ang palatandaang ito sa pangangaral ni Pablo. Tiyak na nangyari ito sa Efeso na kung saa’y ang labindalawang taga-Efeso na binautismuhan ng bautismo ni Juan ay tinuruan na sila man ay may bahagi sa dugo ni Cristo. Paano natiyak ni Pablo at ng iglesya sa Efeso? Nagsalita ang mga taong ito sa mga wika. Halatang naganap din ito sa Corinto. Malinaw ito sa 1 Mga Taga-Corinto 12-14. Dahil nang sumulat si Pablo sa kanila, tinutuwid niya ang abuso ng kaloob. “Ang mga wika ay pinaka tanda, hindi sa mga nagsisisampalataya; kundi sa mga hindi nagsisisampalataya.” Ang mga wika ay isang tanda sa mga hundi sumasampalataya na maaaring ibuhos ang Espiritu sa nga Gentil. Hindi ito para sa mga naniniwala na. Sa makatuwid, and pinapalabas ni Pable sa 1 Mga Taga-Corinto 14:22 ay ito: Kung naniniwala kayo na sumasainyo na ang Espiritu, bakit ginagamit pa ninyo ang palatandaan na nagpapatunay nito sa mga hindi naniniwala?
Sa Mga Taga-Corinto 12, ang kaloob na ito ay huli sa talaan ni Pablo ng mga mahalagang bagay sa iglesya. Sa Kabanata 14 nagbibigay na siya ng mga mahigpit na limitasyun sa paggamit nito: bawal gawin ng babae sa pagpupulong ng simbahan, bawal din ito kapag walang tagapagsalin. Ito ang malinaw na sinasabi ni Pablo sa Kabanata 13, talata 8: “maging mga wika, ay titigil.” Bakit? Ano ang dahil ng pagtigil ng mga ito? Ito ay palatandaan na iipunin ng Diyos ang Kanyang iglesya mula sa lahat ng mga bansa sa sanlibutan. Subalit, oras na nagyari na ito, wala nang silbi ang palatandaan. Ito ay unti-unting nawala. Alam ng iglesya ngayon na kumikilos ang Espiritu sa puso ng mga taong mula sa lahat ng lahi at bansa. Ito ang dahilan kung bakit hindi na kailangan ngayon ang mga wika. Ito ang dahilan kung bakit kinailangan lang ito sa panahon ng mga Apostol.
Paano naman ang mga pagpapagaling? Sinabi ni Jesus sa Markos 16 na ang mga ito ay palatandaan din. Palatandaan ng ano? Ito ay palatandaan ng ibang bagay kaysa inihuhudyat ng mga wika. Ang tanda ng pagpapagaling ay hindi ginamit sa Araw ng Pentecostes upang ipakita na nabuhos na ang Espiritu. Ngunit nililinaw ni Pablo kung saan ito nagsilbing palatandaan. Pansinin sa 2 Mga Taga-Corinto 12:12, “Tunay na,” wika ni Pablo, “ang mga tanda ng apostol ay pawang nangyari sa inyo sa buong pagtitiis, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan.” Sa Mga Gawa 4:29, 30, hinigi ni Pedro na patunayan Niya ang kanilang pagka-apostol sa pamamagitan ng tanga ng pagpapagaling, “At ngayon, Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga bala: at ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na salitain ang iyong salita ng buong katapangan, samantalang iyong iniuunat ang iyong kamay upang magpagaling; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan sa pangalan ng iyong banal na si Jesus.” Ito nga’y isang palatandaan na nagpapatunay sa kapamahalaan at kapangyaraihan ng mga apostol. Ginamit ito ni Pablo sa Corinto para sa mga nagdududa sa kanyang pagka-aspostol.
Una, sa labindalawa alagad, tapos sa pitumpung tagasunod Niya, ipnagkaloob ni Jesus ang kapamahalaang magpalayas ng mga espiritu at magpagaling ng mga may-sakit. Pagkatapos ng Pentecostes, wlan na tayong nababasa tungkol sa pitumpung ito. Nababasa lamang natin na ang mga Apostol ang nagpapagaling. Maliban sa mga Apostol, may dalang lalake na binigyan ng kapangyarihang ganito, sina Esteban at Filipe. Wala tayong nababasa sinuman pa na nagpagaling. Ito at mahigpit na ipinagkatiwala doon lamang sa mga taong inatasan ng Diyos sa tungkuln ng pagpapatayo ng Iglesya ng Bagong Tipan: sa mga Apostol lang at dalawa pang lalake na nagging instrumento sa pagtatatag ng iglesya. Pagkamatay ng mga ito, pumanaw ang kapamahalaang ito kasama nila. Hindi na kailangang ikumpirma ang katayuan ng mga taong ito sa iglesya sapagkat ito ay naitatag na. Hindi na kailangan ang palatandaan.
Paano naman ang nagpapatuloy umano na mga pahayag? Hindi mahirap pabulaanan ang pag-angkin ng kaloob na ito. May ilang buwan na nakalipas ako ay may natanggap na email mula sa isang lalake an nagsasabing tuwiran siyang nakatanggap ng pahayag mula sa Diyos. Binigyan daw siya ng Diyos ng pasanin, kung kaya dapat niyang ibahagi ito sa lahat. Kaya, ipinadala niya sa akin ang unang yugto kalakip ng pangakong malapit nang susuod ang ikalawang yugto. Hindi ko mapigilan ang tumawa nang mabasa ko ang sulat niya. Kahindik-hindik ang balarila ng kanyang akda! Pinilip niyang sumulat sa sinaunang uri ng Ingles, na waring ito ay nakakadagdag timbang sa kanyang isinulat. Tila kinausap siya ng Diyos sa lumang uri ng wikang Ingles. Higit doon, walang kapararakan ang sulat niya, hinding-hindi maintindihan ang ilang bahagi nito. Sumulat ako sa kanya na hindi ako intresado sa ikalawang yugto.
Ilang taon na nakalipas, isang Pentecostal na mangangaral ay nagpahayag sa radyo na nagpakita sa kanya ang Diyos. Sabi raw ng Diyos na kung hindi siya makalikom ng isang napakataas na halaga ng pera, kukunin ng Diyos ang buhay niya. Biglang nakalikom siya ng ganoon halaga (at sobra pa) ng pera! Nakikita ba natin kung saan tayo dinadala ng nagpapatuloy na pahayag?
Ang mga pahayag ay hindi palatandaan ng paggawa ng Espiritu sa iglesya. Gayunman, ito ay ibinigay ng Espiritu sa tao. Ginamit ng Espiritu ang pahayag upang itatag ang nakasulat na Salita ng Diyos. Oras na nabuo na ang nilalaman ng Salita ng Diyos, tumigil ang mga pahayag. Hindi na ito kailangan ngayon. Ayon sa patotoo ng Banal na Kasulatan, nasa atin ngayon ang hindi nagkakamaling saligan ng buong katotohanan (2 Timoteo 3:15-17, 2 Pedro 1:19-21). Nakasulat na ditto ang lahat ng kailangan natin upang maligtas. Hindi na natin kailangan ang mga karagdagang pahayag ng sinumang tao.
Nabubuhay tao sa mga huling panahon. Sinabi sa atin ni Juan na magkakaroon ng mga bulaang propeta na nagpapanggap na nagtuturo sila ng katotohanan. Sabi sa atin sa 1 Juan 4, sa unang ilang talata na dapat natin subukin ang mga espiritung ito! Paano natin magagawa iyon? Sa pamamagitan ng paghusga sa mga ito batay sa sinasabi ng Salita ng Diyos.
Mayroon dalawang pagpapaalaala na dapat natin isa-isip tungkol sa pagsusuri ng mga maling aral ng Pentecostalismo. Una, hindi sapat na kilalanin na ito ay hindi gawa ng Espiritu ng Diyos. Sa aklat na ito, inilahad lamang natin ang kabulaanan ng aral nila tungkol sa paggawa ng Espiritu. Bilang mananampalatay, obligado tayong alamin kung ano ang totoo tungkol sa paggawa ng Espiritu. Dapat maglaan ng panahon upang pag-aralan ito. Ang Espiritu andg siyang Espiritu ni Cristo na napapahayag sa atin ng ginawa ni Cristo para sa atin sa krus. Ito ang ginagawa ng Espiritu sa ating mga puso. Ito ang mga pagpapala ng kaligtasang nakamit ni Cristo sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Pag-aral ang mga pagpapalang ito.
Isa pang pagpapaalaala: Sikapin nating maging nakasentro sa Diyos an gating pagsamba. Maraming iglesya ang nahawa sa impluyensya ng mga Pentecostal. Marahil hindi nila ginaya ang mga sukdulang gawain, ngunit tinanggap nila ang katuwira ng kilusang ito. Nagbabago na ang anyo ng pagsamba. Iniba na panalangin, minamaliit ang doktrina. Ang katotohanan ay pinalitan ng damdamin. Kailangan nating mag-ingat laban sa mga bagay na ito sa mga simbahan natin! Tumayo nawa tayo sa Salita ng Diyos. Luwalhatiin nawa ang pangalan ng Diyos. Maging puno’t dulo nawa Siya ng ating pagsamba at mga buhay. Sa Diyos ay kaluwalhatian, sa Diyos na nagsugo ng Kanyang Anak upang mamatay para sa mga makasalanan.
Ni: Charles J. Terpstra
Laganap sa bansang ito, maging sa buong mundo ang kilusang Pentecostalismo. Ito ay itinuturing sa bahagi ng karaniwang Kristyanismo at tinatanggap sa karamihan ng mga iglesya.Bagamat mayroong mga bumatikos dito, tila nalampasan ang unang bugso ng mga puna, at sa kabila ng iilang bumabatikos hanggang ngayon, tinatanggap ito ng karamihan ng mga Kristiyano at pinupuri pa ito dahil ng mga inalay nito sa Iglesiya.
Ngunit tayo mga kasapi ng Protestant Reformed Churches (PRC) ay hindi bahagi ng ‘karamihan.’ Kabilang tayo sa minorya na kritikal sa kilusang ito at ng mga pangunahing aral nito. Sa tingin natin, malala ang depekto ng Pentecostalismo, hindi lang sa mga prisipiyo, gawi at gawa, pati sa mga doktrina nito. Ipinagpapalagay natin na salungat ito sa Biblia at sa pananampalatayang Kristiyano, sa turo ng Protestantismo at sa turo ng Repromasyon. Iyon ang dahil ng pagkasulat ng artikulong ito.
Maraming anyo ang Pentecostalismo, kagay din naman ng modernong Protestantismo at Ebanghelicalismo. Maraming sanga mula sa pinakapuno. Ang ilang pangunahing turo nito at tinukoy sa mga naunang artikulo. Sa talakayang ito, nais nating uriin ang ilan pang katuruan ng Pentecostalismo na may kaugnayan sa buhay-Kristiyano.
May sariling pananaw ng buhay-Kristiyano ang Pentecostalismo. Natural naman iyon. Ang doktrina at pamumuhay, turo at pagsasagawa, at lagging magkasama. Kung ano ang doktrinang Kristiyano ninuman ay magbubunga ito ng sariling uri ng pamumuhay. Gayon sa pananampalatayang Reformed. Ang ating doktrina at pangangaral tungkol sa malayang biyaya ay nagbubunga ng katangi-tanging pananaw ng buhay-Kristiyano. Gayon din ang Pentecostalismo. Dahil sa diin nito sa Banal na Espiritu at sa natatanging kaloob at pagpapala, ang pangunahing binibigyang-diin sa buhay-Pentecostal ay ang karanasang espirituwal – mas malalim, mas mataas, mas puspos. Sa madaling salita, ang Pentecostal ay lagging naghahangad ng “higit pa” mula sa Banal na Espiritu.
Maraming bahagi ng kanilang buhay-Kristiyano ang pwede nating punain, kagaya ng kanilang uri ng pagsamba, panalangin, espirituwal na pakikidigma, atbp. Ngunit ang tutukoyin lang natin ay tatlong bagay. Una, naniniwala sila sa isang natatanging pagpapalang kasunod pa ng kaligtasan, na tinatawag nilang bautismo sa Banal na Espiritu, na dapat daw hangarin ng bawat mananampalatay. Pangalawa, may element ng perpeksyonismo, sa makatwid, kaya umano ng bawat Kristiyano na maging ganap na banal o malaya sa lahat ng pagkakasala sa buhay na ito. Pangatlo, ang konsepto ng Pentecostal tungkol sa kagalakang Kristiyano. Gagawin natin tanong ang tatlong bagay na ito, tapos sasagutin natin ayon sa turo ng Banal na Kasulatan, at sangayon sa turo ng pananampalatayang Reformed, na nabubuo sa mga Kredo ng Iglesiya.
Napakahalagang bagay ito. Ito ang pinakasentro ng turong Pentecostal. Kinukontrol at kinukulayan nito ang kanilang pananaw sa buhay-Kristiyano. Ito ang doktrina ng bautismo sa Banal na Espiritu. Ayon sa kanila, ito ang pagpapalang dapat hanapin, sikaping makamtan, at siyang pinakamataas na matatamo ng isang Kristiyano.
Ano raw itong pagpapalang espiritwal? Ito ay kaloob at karanasang kasunod pa ng kumbersyon na kung saa’y binubuhos sa iyo ng buong kapupusan ang Banal na Espiritu. May kalakip ito na kapangyarihan upang makagawa ng mga bagay na hindi sana kayang gawin.
Siyempre, nagtuturo sila na sumasa-bawat mananampalaya ang Banal na Espiritu. Hindi ka maaaring maligtas kung hindi Siya nananahan sa iyo (Roma 8:9). Ayon sa kanila, ipinapanganak na muli at pinapaging-banal ang Kristiyano kapag siya ay nagbabalik-loob.
Subalit, mayroong higit na karanasan para sa mananampalaya – isang mas mataas at mas malalim na pagpapala – ang bautismo sa Banal na Espiritu. Ito raw ay isang natatanging pagbuhos ng Espiritu, na kagaya ng nangyari sa mga Alagad noong Araw ng Pentecostes. Nagbibigay ito ng bukod-tanging pagkapupos at kapangyarihan.
Isa raw itong kamangha-manghang karanasang espiritwal, na nakalaan sa lahat at dapat hanapin ng lahat. At ayon sa kanila, iyo na mismo ang kailangan mong gawin. Wika ng isang Pentecostal, “Nasisiyahan ang iba sa isang munting ningas, gusto kong lumiyab ng husto.” Kaso, iilan lamang ang nakakakamit ng pagpapalang ito. Ayon sa kanila, ang unang ebidensya ng bautismong ito ay ang pagsasalita sa mga wika.
Magbibigay tayo ng ilang sipi mula sa mga dokumentong Pentecostal tungkol sa “ekstrang pagpapala” na nakakamit ng iilang mananampalaya. Una, pakinggan natin ang mula sa Assemblies of God, isang pangunahing denominsyon ng mga Pentecostal. Ito ay sinipi mula sa kanilang webpage, Ika-7 punto: “Ang Bautismo sa Banal na Espiritu.”
Karapatan ng bawat mananampalataya, na dapat naisin at sikapin na buong lakas na makamit ang pangako ng Ama – ang bautismo sa Banal na Espiritu, ayon sa utos ng Panginoong Jesus. Ito ang pangkaraniwang karanasan ng sinaunang Iglesya. Kalakip nito ang paggawad ng kapangyarihan para sa pamumuhay at paglilingkod, ang pagtanggap ng mga kaloob at paggamit ng mga ito sa ministeryo.
Pangalawa, wika ng Pentecostal Assemblies of Canada, na nakasaad din sa kanila webpage:
Ang bautismo sa Banal na Espiritu ay isang karanasan na kung saa’y isinusuko ng mananampalataya ang kontrol sa Banal na Espiritu. (Mat. 3:11; Gawa 1:5; Efeso 5:18). Sa pamamagitan nito mas nakikilala niya si Kristo, Juan 16:13-15, at tumatanggap ng kapangyarihan upang maglingkod at lumago sa espiritwal, 2 Cor. 3:18; Gawa 1:8. Dapat hanapin ng matiim ng mga mananampalataya ang bautismo sa Banal na Espiritu ayon s autos ng Panginoong Jesus, Lucas 24:49; Gawa 1:4, 8. Ang pangunahing ebidensya ng bautismo sa Banal na Espiritu ay ang pagsasalita sa mga wika, na siyang kaloob ng Espiritu, Gawa 2:1-4, 39, 9:17, 1 Cor. 14:18. Ang karanasang ito ay naiiba at kasunod ng bagong kapanganakan, Gawa 8:12-17, 10:44-46.
Ang mga argumento ng mga Pentecostal para sa katuruang ito ay intresante at importante. Una sa lahat, lagi nilang binabanggit ang wika ni Juan Bautista tungkol sa gawa ni Cristo, Mateo 3:11 (Marcos 1:8; Lucas 3:16, Juan 1:33), “Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy.”
Tapos, ipapakita nila ang nakasaad sa Mga Gawa 1:5, at ang pangako ni Jesus sa mga alagad Niya bago Siya umakyat sa langit: “Sapagka't tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.” Pagkatapos nito, ipapakita nila ang pagbuhos ng Espiritu sa 120 na alagad sa Araw ng Pentecostes (Mga Gawa 2:4), at ang naulit na pagbuhos ng Espiritu sa iba pang tao (Mga Gawa 8 - sa mga Samaritano; Mga Gawa 10-11, sa sambahayan ni Cornelio; Mga Gawa 19, kila Pablo at ang mga alagad na Taga-Efeso).
Ayon sa mga Pentecostal, sa mga kasong ito, tinanggap ng mga tao ang bautismo ng Banal na Espiritu pagkatapos ng kanilang pagsampalataya, bilang isang hiwalay at natatanging kaloob at karanasan. Dagdag pa nila, ang mga kasong ito ang siya batayan para sa ngayon. Ganito pa rin kumilos ang Banal na Espiritu. Ito ay matatanggap ng bawat mananampalatay – kapag naabot ang mga espiritwal na kundisyon.
Sa katunayan, ginagamit pa ng mga Pentecostal ang buhay mismo ni Jesus. Sabi nila na Siya mismo ay nakatanggap ng natatangging bautismo pagkatapos na Siya ay sumampalataya sa Diyos, nanalangin at sumunod (Mat. 3:16-17). Tinutukoy pa nila ang karanasan ng mga mananampalatay sa Corinto na tumanggap umano ng karagdaganang pagpapala kahit na mga nagbalik-loob na sila. Ebidensiya pa nila ang nasusulat sa Efeso 5:18, “… kayo'y mangapuspos ng Espiritu.”
Dahil sa turong iyon, ito ang pinahahanap ng Pentecosalismo sa mga tagasunod nito. Sila ay tinuturuan na huwag masiyahan sa kaligtasang “ordinaryo.” “Hanapin mo ito. Hingin mo ito sa panalangin. Sikapin mong makamit ang bautismo sa Banal na Espiritu! Umakyat ka sa susunod na baytang ng pagpapala at karanasan! Kung nais mong maranasan ang lahat, habulin mo ito!”
Ang katuruang ito ay malugod na tinatanggap Protestantismo, maging sa mga simbahang Reformed. Ang turong ito ay pinapayagan at tinatangkilik ng karamihan ng mga denominasiyon: Presyteriano, Methodista, Baptist, maski Romano Katoliko. Kahit sa ilang denominasiyong Reformed pinapakitaan ng pabor ang pananaw na ito.
Hindi rin nakatulong ang pamilya ni Rev. Martyn Lloyd-Jones nang kanilang ipalathala ang kanya depensa ng turong ito sa librong Joy Unspeakable (Shaw, 1984). Ito ay nagkaroon ng malawakang impluyensya sa maraming simbahang Ebanghelikal at Reformed.
Ano ang masasabi natin tungkol sa turong ito, bilang paghusga? Dapat bang hanapin ng Kristiyano itong ikalawang pagpapala, itong bautismo sa Banal na Espiritu? Mayroon ba talagang bagay na higit pa para sa atin? Sumasagot tayo ng isang umaalingawngaw na “Hinde!” Hindi ito isang bagay na dapat hanapin, dahil hindi ito bagay na ipinangako ng Diyos sa mga kanya! Itong katuruang Pentecostal ay isang malubhang paglilinlang! Ang pananampalataya ng marami ay nilito, iniligaw at niyanig ng turong ito. Ito ay nararapat hatulan at tanggihan ng buong-buo!
Bakit? Una sa lahat, hindi sinusuportahan ng Biblia ang turong ito. Ang ipinangako ni Juan Bautista na kaugnay ng miniserio ni Cristo ay ipinangako sa bawat mananampalataya, hindi sa iilan lang. Kapag inililigtas ang mga hinirang, silang lahat ay binabautismuhan ng Banal na Espiritu at apoy. Ito ang kaisa-isang bautismo ng Banal na Espiritu. Sa sandaling iyon, sila ay dinadalisay at binibigyan ng kapangyarihan upang mamuhay ng banal at maglingkod sa Diyos, saan man Niya sila tawagin. Sa sandal ng bagong kapanganakan, pinupuspos ang mananampalataya ng Espiritu at lubos na binibigyan ng kasangkapan para sa isang banal na buhay-Kristiyano. Hindi sila nangangailangan ng ikalawang pagpapala, o mas mataas na antas ng Kristiyanismo, o iba pang bautismo. Sila ay kumpleto na kay Cristo (Col. 2:10); sila ay binibigyan ng lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan (2 Pedro 1:3).
Oo nga’t sila ay dapat “mapuspos ng Espiritu” (Efeso 5:18), ngunit hindi ito upang makakamit ng bagat na hindi nila tinatangkilik. Ito ay upang mamuhay na sila ayon sa tinanggap na nila mula sa Espiritu ni Cristo. Kauri ito ng lahat ng mga pagpapaalaala na natatanggap ng mananampalataya. Ang mga utos ng Biblia ay nakaugat sa mga indikatibo. Sa makatuwid, pinapaalalahanan tayong gumawa ng bagay batay sa mga bagay na, ayaon sa Ebanghelyo, ay ibinigay na sa atin kay Cristo. Tinatawag tayo na maging banal, sapagkat tayo ay pinapaging-banal kay Cristo (1 Pedro 1:2, 15-16). Tayo ay tinatawag na lumakad sa Espiritu dahil namumuhay na tayo sa Espiritu (Gal. 5:25).
Paano naman yung mga nangyari sa Mga Gawa? Dapat unawain ito kaugnay ng katangi-tanging kaganapan ng Pentecostes. Ang Pentecostes ang siyang katuparan ng pangako ni Juan tungkol kay Cristo sa Mga Gawa 1:5 (gayundin sa Juan 14-16). Noong Pentecostes, binautismuhan ni Cristo ang Kanyang iglesiya sa Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng Mangaaliw, pinuspos Niya ito ng lahat ng pagpapala ng kaligtasan na Kanyang inangkin para sa kanila. At ang Banal na Espiritu ay bumuhos sa lahat, hindi lamang sa piling ilan.
Alalahanin natin na hindi mauulit ang dakilang bautismo ng Pentecostes, kagaya din naman ng muling pagkabuhay ni Cristo at ang Kanyang pag-akyat sa langit. Ang mga naganap sa ilang pagkakataon pagkalipas ng Pentecostes ay mga higit pang kapahagayan ng katangi-tanging pangyayaring iyon. Tunay na kakaiba ang mga pangyayaring ito sapagakat kinailangang patunayan na dumating nga ang Espiritu. At kinailangang ipakita na ang kapusposan ng Espiritu ay matatanggap, hindi lamang ng mga Judio (Kaya bumuhos ang Espiritu sa mga Samaritano, kila Cornelio, at sa mga Taga-Efeso, atbp.).
Kaya ngayon, kapag naliligtas ang isang tao, pinananahanan siya ng Espiritu ng Pentecostes upang ipagkaloob sa kanya ang lahat ng mga pagpapala ng kaligtasan at paglilingkod na na kay Cristo. Ang kamangha-manghang biyayang ito ay hindi isa pag-uulit ng Pentecostes, kundi isang pag-akma nito! Muli nating idinidiin na ito ay pagpapala para sa lahat ng mananampalataya. Ito ang malinaw na turo ng Biblia sa 1 Mga Taga-Corinto 12:13 “Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.” Kaya nasusulat din ang sa Mga Taga-Efeso 4:5 na ang iglesiya ay mayroong “isang bautismo.” Ito ang tanging karanasan at pagapapala na kailangan!
Noong araw, ganitong kalakas din at posisyon ng Christian Reformed Church. Sa isang pahayag na sinodiko noong 1973, idineklara nila ito:
Pinaniniwalaan at pinatotohanan ng Kapulungan, ayon sa Banal na Kasulatan, na tinatanggap ng mananampalataya ang bautismo ng Banal na Espiritu sa sandal ng kanyang muling kapanganakan, gaya ng sinasabi ni Apostol Pablo… 1 Taga-Corinto 12:13; kaya, kay Cristo tayong lahat ay may pagpasok sa isang Espiritu rin sa Ama (Efeso 2:18), at ‘itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.’ (Efeso 2:22).
Dahil dito, tinatanggihan ng Kapulungan ang katuruan na ang bautismo sa Banal na Espiritu ay isang ikalawang pagpapala na hiwalay sa kumbersyon, at dinedeklara naming na hindi ito dapat ito sa Christian Reformed Church.
Kaugnay nito, marami pa tayong maipupuna sa katuruang Pentecostal. Halimbawa, kung ito ay isang napakahalagang turo, bakit hindi ito natatagpuan sa mga ‘Sulat’ sa Bagong Tipan, na siyang pinagkukunan ng mga pangunahin aral ng Iglesiya? Bakit walang pagpapaalala tungkol sa isang ikalawang pagpapala at walang utos na ito ay hanapin? Ang malinaw na sagot dito ay dahil hindi ito ipinahayag sa mga Apostol. Hindi ito kabilang sa katotohanan ng Diyos na kay Jesu-Cristo. Kaya wala ring sinasabi ang ating mga Confession tungkol dito. Basahin ang mga kredo ng sinaunang iglesiya at hindi mo matatagpuan ang turong ito. Basahin ang mga dakilang kredo na Reformed at Presbiteryano mula sa panahon ng Repormasyon, at walang makikita tungkol sa turong ito. Hinding-hindi siya turo ng tunay na Iglesya.
Mula sa larangang praktikal, isipin lang ang resulta nitong buhay-Kristiyano na may dalawa o tatlong antas! Mga taong naghahanap ng bagay na hindi totoo! Paghabol sa hangin! Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan! Ang turong ito ay lumilikha ng kapalaluan, inggit, pagpapaligsahan sa mga mananampalataya. At nagbubunga ito ng maraming huwad na pagpapahayag ng Espiritu, na kung saan nagkukunwari ang tao na nakatanggap siya ng bagay na inaakala nila ipinangako sa kanila.
Ibang-iba ang larawan na ibinibigay sa atin ng Banal na Kasulatan! Ang lahat ng binautismuhan ng Banal na Espiritu ni Cristo ay pantay-pantay na pinagpapala, nakikibahagi sa kaligtasan ni Cristo, nagkakaisa sa pag-ibig, pagpapakumbaba at kabanalan para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ito ang oraktikal na bunga ng katotohanan tungkol sa bautismo ng Banal na Espiritu.
Ang susunod na turong Pentecostal na nais nating suriin ay ang pagiging perpekto mula sa kasalanan. Sa unang tingin, tila hindi importante ang turong ito. Inaamin din natin na hindi ito binibigyan ng importansya sa moderong Pentecostalismo. Ito ay naitatago sa ilalim ng bautismo sa Espiritu, mga wika, at iba pang espesyal na kaloob.
Sa katunayan, ang perpeksunismo ay nananatiling bahagi ng turong Pentescostal, at lumilitaw ito hanggang ngayon sa mga akdang Pentecostal. May personal na karanasan ako na kung saan ang isang dating miyembro ay nagging Pentecostal at sa loob ng mailking panahon ay nagsasabing may mga panahon siya sa buhay na hindi na siya nagkakasala.
Subalit, importante ang isyu na ito dahil malapit ito sa puso ng buhay-Kristiyano, yung tinatawag nating pagpapaging-banal, o buhay ng kabanalan.
Sa turong ito, kailangan nating balikan ang pasimula ng Pentecostalismo, sapagkat ang perpeksunismo ay nakaugat sa Pentecostalism mula sa pasimula. Lilitaw ito sa anumang pag-aaral ng kasaysayan ng Pentecostalismo. Malinaw na ipinapakita ito sa aklat ni Vinson Synan na The Holiness-Pentecostal Tradition (Grand Rapids: Eerdmans, 1997). Ayon sa kanya, si John Wesley, Anglicanong ministro noong ika-18 na siglo at tagapagtatag ng Methodismo, ang siyang “espirituwal at intelektuwal na ama ng modermong kilusang Pentecostal” (pah. 1). Mahalaga ito dahil itinuro ni Wesley ang perpeksunismo ng Kristiyano. Ipinapakita ni Synan na ang perpeksunismo ay itinuring na ikalawang pagpapala o karanasan ng mananampalataya. Una ay ang kumbersyon; ikalawa ay ang pagpapaging-banal. Sa una, inaalis ang kasalanang ginagawa, subalit naiiwan ang kasalanang likas. Inaalis ng ikalawang pagpalala ang likas na pagiging makasalanan at nagbibigay ng kapangyarihang magkaroon ng perpektong pag-ibig sa Diyos at sa kapwa (pah. 6).
Ayon kay Synan, hindi ibig sabihin ni Wesley na hindi na siya kailanman nagkakasala pa, kundi mayroon “prepektong motibo at pagnanasa.” “… Ang kaluluwang pinapaging-banal, sa pamamagitan ng masusing pagsisiyasat sa sarili, maka-Diyos sa disipilina at matamang pagtatalaga at pag-iwas sa maka-mundong kaligayahan, ay maaaring mamuhay ng matugumpay sa kasalanan. At ang pagpapalang ito ay maaaring makamit sa isang “iglap,” sa pamamagitan ng ikalawang gawa ng biyaya, o sa pamamagitan ng unti-unting paglago sa biyaya” (pah. 7). Ito ang kinikilalang “lubos na pagpapaging-banal.”
Ang doktrina ng perpeksunismo ni Wesley ay isang malaking impluyensya sa turo at gawi ng Pentecostalismo. Pero hindi siya ang tanging impluyesya. Ipinapakita ni Synan na pumasok sa Pentecostalismo ang perpeksunismo sa pamamagitan ng Amerikanong ebanghelista na si Charles Finney sa ika-19 na siglo. Ayon kay Finney, “Pagkatapos ng tunay na kumbersyon, maaaring makamit ng Kristiyano ang perpeksunismo o ganap na kabanalan, sa pamamagitan lamang ng sariling malayang kalooban at pagkakaroon ng tamang motibo. Ang kasalanan at kabanalan ay hindi raw maaaring umiral na sabay sa isang tao” (pah. 15). Si Finney ang unang nagturo na may kaugnayan itong ikalawang pagpapala ng perpeksunismo sa bautismo sa Banal na Espiritu.
Sa pagwawakas, iniugnay ni Synan ang ugat ng perpeksunismo sa Pentecostalismo sa kilusan ng Keswick, isa pang kilusan ng ika-19 siglo, na nagtuturo na kayang maabot ng mananampalataya ang lubos na kabanalan ng buhay, tuloy-tuloy na tagumpay sa kasalanan.
Kaya, pumasok it sa turo ng Pentecostalismo tungkol sa buhay-Kristiyano. At makikita pa rin ang perpeksunismo. Halimbawa, makikita ito sa pahayag ng Assemblies of God: “Ang pagpapaging-banal ay natutupad sa mananampalataya sa pagkilala ng kanyang pakikipagisa kay Cristo sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, at sa pamamagitan ng pangaraw-araw na pagsampalataya sa pakikipagkaisa iyon, at patuloy na paghahandog ng bawat kong kakayahan sa kapamalahaan ng Banal na Espiritu.” Ipinapahiwatig ng huling sugnay na posibleng maabot ito ng mananampalataya sa buhay na ito.
Ito ang nababasa natin sa pahayag ng United Pentecostal Church International: “Matapos tayong iligtas sa kasalanan, tayo ay inuutusan na ‘humayo at huwag nang magkasala’ (Juan 8:11) … Kailangan nating iharap ang ating mga sarili na banal sa Diyos (Roma 12:1), linisin ang ating mga sarili mula sa lahat ng karumihan ng laman at espiritu (2 Cor. 7:1), at humiwalay sa lahat ng kamunduhan (Sant. 4:4) … Walang sinuman ang maaaring maging banal sa kanyang sarili, kundi sa pamamagitan lamang ng Banal na Espiritu. ‘Tatanggapin ninyo ang kapangyarihan pagdating sa inyo ng Banal na Espiritu (Gawa 1:8)” Muli natin nakikita na ipinapahiwatig na ito ay maaaring maabot sa buhay na ito.
Mula sa turong ito nanggagaling ang praktikal na pamumuhay ng mga tao. Ang perpeksunismo ay bagay na kailangan nilang sikaping maabot. Turo ng Pentecostalismo, “Sikapin mong maabot ang natatanging pagpapalang ito. Habulin ang perpeksunismo, sapagkat maaabot mo ito! Sa tulong ng kapangyarihan ng Espiritu, kaya mong maabot ang ganitong antas ng espirituwalidad! Sumuko ka ng lubos sa Espiritu at hindi ka na magkakasala; sumuko sa Kanyang kapangyarihan at ikaw ay maaaring maging perpekto!"
Siyempre, ang mga nagtuturo nito ay naniniwala na kaya itong suportahan ng Biblia. Gamit nila ang mga halimbawa nina Noe, Job at Hezekiah, mga tao sa tinatawag na “ganap” sa Biblia. Iniuugnay nila ito sa utos ng Biblia na maging ganap (Mateo 5:48; 2 Cor. 7:1). Higit doon, sinasabi nila na ito ang tamang tugon sa ganap na gawa ni Cristo at sa kapangyarihan ng Banal na Espirtu.
Ano ang masasabi natin tungkol sa ganitong turo ng pagpapaging-banal? Tinatanggihan din natin ito bilang labag sa Biblia at salungat sa posisyun ng iglesya na nahahayag sa mga kredo nito. Saanman sa Biblia, hindi itinuturo ang perpeksunismo ng Pentecostalismo.
Totoong masasabi na ang mga mananampalataya ay banal na. Dahil sa gawa ni Cristo, at kaugnay ng kanila posisyon sa Kanya, ang mga hinirang ay ganap na. Masasabi din na mayroon na silang lubos na tagumpay sa kasalanan kay Jesu-Cristo. Ngunit hindi sila perpekto sa personal at praktikal na kabanalan. Ang kabanal na bigay sa atin at ipinamumuhay natin sa pamamagitan ng presensya ng Banal na Espiritu, ay laging katabi ng kasalanan na nalalabi sa atin hanggat hindi pa tayo namamatay. Ang nalalabing kasalanan ito ang siyang tinatawag ng Biblia na “laman,” at ang “dating pagkatao,” at ito ay umiiral sa bawat mananampalatay hanggang sa katapusan ng kanyang buhay.
Ito ang dahilan kung bakit an gating buhay ng pagpapaging-banal ay laging inilararawan na isang pakikipagtunggali, pakikibaka o pakikidigma (Gal. 5:16, 17; Roma 7:14; Ef. 4:22-24; 1 Juan 1:8-10; Heidelberg Catechism LD 44, Q&A 113-115). At ito ang tunay na karanasang espirituwal ng mananampalataya habang sila ay nabubuhay. Hindi ang pagiging perpekto, kabaligtaran nga. Laging nakikipaglabaan, tumatakas, umuurong, tapos sumulong uli. Gayon na lamang ang kanilang pagnanasa na maging ganap! Sinisikap nga! Ngunit hindi ito maaaring mangyari dito. Pagkamatay lang nila, na kung saa’y mamamatay ang kanilang makasalanang kalikasan, saka pa lang sila magiging ganap o perpekto. Ang pagiging ganap ay sa buhay na darating.
Mayroon ngang utos sa Biblia at mga taong sinasabing ganap. Ngunit dapat tama ang pagkaunawa natin dito. Siyempre, ang kaganapan ay ilalahad ng Diyos sa harap ng mga nasa Kanya – sapagkat banal Siya at hindi Niya maaarin ibaba ang Kanyang pamantayan ng kabanalan dahil sa ating kawalan nito. Tayo ay mga anak Niya, nilikha muli sa wangis Niya sa pamamagitan ng Banal na Espiriu; dapat tayong maging katulad Niya. Kaya ang panawagan Niya sa atni ay, “Kayo’y mangagpakabanal, sapagakat Ako ay banal.”
Ang taong itinuturing na ganap ay hindi masasabing walang kasalanan, kundi mabuti, matatag, taimtim, tapat at may integridad. Itinukoy ng salitang ito ang kalaguan ng kanilang pananampalataya, bagay na dapat linangin nating lahat. Gayunman, huwag nating kalimutan na nauulat din sa Biblia ang kasalanan ng mga taong ito, na nagpapakita na hindi sila ganap na banal. Ayon sa ating Katekismo, “Ang mga taong pinakabanal, sa buhay na ito, ay nagsisimula pa lamang sa pagsunod” (T at S 114).
Ang pangatlo at panghuling pag-aaralan kaugnay ng Pentecostalismo ay ang pananaw nito sa kalikasan ng kagalakan ng Kristiyano.
Alam ng karamihan na ang bunga ng Espiritu na ito ay lubhang pinahahalagahan ng mga Pentecostal. Masasabing pangunahin. Sa mga Pentecostal, maging sa mga Reformed, ang kagalakan ay ang malilim na kasayahan sa Panginoon, dulot ng kaligtasan. May kagalakan sa kaalaman ng ginawa ng Panginoon sa atin at para sa atin.
Kaso, sa Pentecostalismo, ang kagalakan ay isa na naming karanasang espirituwal na maaabot mo sa Espiritu kapag pinilit ma ang iyong sarili na marating ang mas mataas na antas kaysa karaniwan o pangaraw-araw na emosyon. Kaya binibigyan ng diin ang mga panlabas na kahayagan ng kagalakan. Halata ito sa inuugali ng mga Pentecostal sa mga pagpupulong nila, maging sa pangaraw-araw na buhay.
Halimbawa, sa pagsamba nila, umiiral ang walang inaalalang pagpapakita ng saya, pagpapalakpak, pagsisigaw, pagkanta, atbp., na pawing ebidensya umano ng kanilang kagalakan sa Panginoon at buhay sa Espiritu. Umiral pa sa iba sa kanila ang tinatawag na “banal na pagtawa” (ang binansagang Toronto Blessing)! Ngunit maski sa pangaraw-araw na pamumuhay, pinipilit ito pairalin. Pilit sila nakangiti lagi, tila walang inaalala, na nagbubulalas ng “Purihin ang Panginoo,” o “Hallelujah.”
Pilit iniaakma ng Pentecostalismo ang kagalakan sa ibang larangan ng buhay-Kristiyano, gaya ng pagtitiis. Maraming (hindi lahat) Pentecostal ang nagtuturo na ayaw ng Diyos na magtiis ang mananampalataya o magkasakit. Ayon sa kanila, ang pagtitiis ay hindi mula sa Panginoon, kundi galingsa Diablo. Kaya hindi dapat makuntento ang mananampalaya sa kanilang kinalalagyan kung sila ay nagtitiis. Bagkus, dapat laban ito sa pamamagitan ng paghahanap ng kalayaan o mahimalang pagpapagaling!
Kasaganaan ay isa pang larangan na kung saan iniaakma ang turong ito. Itinuturo ng maring Pentecostal na kung nais mong magkaroon ng tunay na kagalakan, hanapin mo ito sa mga pagpalalang material, sapagkat laan ito sa iyo at nais ng Diyos na ito ay ipagkaloob sa iyo. Angkinin mo lang ito sa pangalan ni Jesus, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ito ang ebanghelyo ng kayamanan at kalusugan na itinataguyod ng mga Pentecostal na mangangaral, lalo na ang lumalabas sa TV, kagaya ni Paul Crouch sa kanyang mga palatuntunan sa TBN.
Kailangan din salungatin din ang katuruang ito. Hindi natin tinatanggap ang kanilang konsepto ng kagalakan at ang pag-akma nito sa buhay-Kristiyano. Hindi ito ang tunay na kagalakan ng Kristiyano, hindi ang tunay na bunga ng Espiritu.
Ayon sa Biblia, ang kagalakan ng Kristiyano ay hindi matatagpuan sa mga panlabas na bagay. Hindi ito nakasalalay sa mga panlabas na pangyayari. Hindi ito isang emosyon lamang o karanasan. Hindi ito isang natatanging karanasan na naaabot ng iilang mananampalataya. Bagkus, ang tunay na kagalakan ng Kristiyano ay isang kalagayan na kinalalagyan ng mananampalataya dahil sa biyaya ng Diyos kay Jesu-Cristo. Pangalawa, ang kagalakang ito ay kundisyon ng kanyang puso dahil ito ay bigay at pinaiiral sa kanya ng Banal na Espiritu. Kaya, pangatlo, ang kagalakang ito ang siyang personal, espirituwal, at emosyunal na karanasan. Ito ay para sa lahat ng Kristiyano. Inihahayag sa Mga Taga-Galatia 5:22 na ito ay isang bunga (pagpapala) na bigay sa bawat mananampalataya. May kagalakan ang bawat Kristiyano sa Panginoon dahil iniligtas siya ni Cristo.
Ang tunay na kagalakan ng Kristiyano ay ang pagiging masya sa Panginoong dahil sa kaligtasan, dahil isang siyang makasalanang pinatawad, isang makasalanang pinawalang-sala sa harap ng Diyos, at isa siyang inampon ng kanyang Ama sa langit! Ito ang kagalakan ng katiyakan ng kaligtasan. Ito ang kaaliwan at kapayapaan sa soberyanya ng Diyos na gumagawa sa buhay niya, na dahil dito tahimik ang kanyang kaluluwa sapagkat kumikilos ang kamay ng Ama sa lahat ng bagay sa ikabubuti niya.
Ang kagalakang ito ay umiiral sa kabila ng anumang kinalalagyan, maging magaling man siya o may-sakit, mayaman man siya o mahitrap. Alalahanin lang natin ang pahayag ni Pablo sa Sulat sa mga Taga-Colosas, tungkol sa kagalakan ng mananampalatay. Habang nakabilanggo siya, malayo sa kanyang ministeyo, hindi siya nababagot o malungkot. Bagkus, nagagalak siya dahil sa naranasan niya sa Pnaginoon at dahil ang Gawain ng Diyos ay umaabot sa iba! Kaya tinuturuan niya nga mga mananampalataya na magalak sa ganunding dahilan!
Dahil ito ang tunay na kalikasan ng kagalakan ng Kristiyano, kailangan natin batikusin ang inuugaling kagalakan ng mga Pentecostal. Ang tunay na kagalakan ay nahahayag sa mga panlabas na kilos at salita. Ngunit hindi sa mga maiingay, walang pagpipigil at magulong inuugali ng maraming Pentcostal. Hindi rin ito matatagpuan sa mga huwad na ngiti at mabababaw na kasabiha. Kailangan natin tandaan na ang kagalakan ay kaugnay ng iba pang bunga ng Espiritu, kagaya ng pagpipigil sa sarili. Ang tunay na kagalakan ng Kristiyano ay nahahayag sa mga pangkaraniwang Gawain ng buhay ng mananampalataya habang kumikilos siya sa iba’t-ibang larang ng kanyang buhay. Nagagalak siya sa kanyang pagsamba, sa pag-awit sa Panginoon, sa pananalangin sa Kanya, at sa pakikisalamuha sa Kanya sa araw-araw. Nagagalak ang Kristiyano sa kanyang trabaho at pangaraw-araw na paglilingkod sa Pnaginoon. Nagagalak siya sa pagsasama nila ng kanyang asawa at sa kanyang buhay sa loob ng kanyang tahanan. At ipinapakita niya ang kanyang kagalakan sa pamamagitan ng maka-Diyos na pag-uugali, banal na damdamin at banal na pagsasalita.
Sa kalagitnaan ng kanyang dakilang kagalakan sa Panginoon, nakararanas din ang Kritsiyano ng mga tunay na kalungkutan. Ang kagalakan at kalungkutan ay madalas na magkahalo sa buhay na ito. Ito ang realidad. Kung kaya, inaasam niya ang araw ng ganap na kagalakan na kung saa’y mawawala ang lahat ng kasalanan, pagtitiis, at kalungkutan, na kung saa’y papahirin ang bawat luha sa kanyang mata.
Sa seryang ito ng mga artikulo, sinuri natin ang kilusang Pentecostal mula sa mga ugat nito at mga pinaniniwalaan. Pinagaralan natin ang kasysayan at pinagmulan nito; ang diin nito sa mga kaloob ng Banal na Espiritu; at ngayon ang pananaw nito sa buhay-Kristiyano. Sa bawat kaso, yamang tinimbang sa timbang ng Banal na Kasulatan, ito at nasumpaungang nagkukulang. Hindi ito nakakapasa sa pagsusuri ng tunay na Kristiyanismo.
Kayat sa hatol natin, ang kilusang ito ay hindi nagging pagpapala sa iglesya, kundi isang mapanganib na bulaang aral. Hindi natin ito sanasabi ng basta-basta, kundi nang maingat at may mababang-loob. Sapagkat alam natin na marami ang nagpapakilalang Kristiyano ang dinaya at binihag ng kilusang ito.
Gayunman, sinasabi natin ito ng may lakas ng loob, upang magbigay ng babala sa mga miyembrong Reformed, na mag-ingat sila sa mga malubhang kamaliang ito. Ito ay panawagan sa mga kasapi ng kilusang ito na uriin nila ito ayon sa Biblia at mga confession, at manumbalik sila sa makakasaysayang pananampalataya ng Protestanteng Kristiyanismo. Loobin nawa ng Diyos na malinawagan ng katotohanan ang ating mga puso at landas.
*This is not an official translation of the PRC in the Philippines.
Para sa karagdagang babasahin sa
wikang Tagalog, i-click dito
http://prcaphilippinesaudio.wordpress.com/tagalog/